Naranasan mo na bang isakripisyo ang iyong mahal? Naranasan mo na bang gawin ang tama ngunit mali parin sa pananaw ng iba? Naranasan mo na bang magbigay sa iba kahit ikaw pa ang magdusa? Kilalanin si Araseli Dion Catalin Allegra. Isang babaeng walang patutunguhan ang buhay ngunit nagbago sa isang iglap. Nagawa niyang ibigay ang lahat kahit kapalit ay kanyang paghihirap. Isinakripisyo niya ang kanyang puso para sa kanilang negosyo. Ngunit hanggang kailan? Kailan matatapos ang kanyang pagdurusa? May pagkakataon pa bang muling mahukay ang mga pusong matagal nang nakabaon? "Dahil sa lupa...dahil sa pesteng lupa, nawala lahat ng importante sa'kin" "Mom, dad, Aya...patawad."