Chapter 27: Home

82.4K 2.1K 938
                                    

Hi y'all. I saw your responses from the last chapter. Na-guilty ako bigla haha. I'm sorry for the mini heart attack. 😂😭 but like on the other hand, my prank worked. *cue evil laugh*

Though kidding aside, it's so heartwarming to know that you all liked my works and have been supporting me ever since the beginning. Thank you so much and I appreciate each and everyone of you. 🥰

Anyway, here's the actual update. Happy reading and see you next chapter y'all!

Lots of love! ❤

-ro-ughn.

***

Dr. Jillian Klairo Esperansa

Nakahawak ako sa sink ng banyo ng kwarto. Nang lumabas si Dr. Del Russo---Creed ay agad akong tumayo at hinitak ang sabitan ng IV bag ko or intravenous pole ko upang makapunta ako sa banyo nang hindi matanggal ang pagkaka-attach nito sa likod ng aking kamay. Tumingin ako sa reflection ko sa salamin.

"Ako si Dr. Beronda. The senior chief resident here at Unang Kalinga Healing Center."

"Dr. Esperansa! You must be the baby resident."

Napapikit ako nang umalingawngaw sa aking ulo ang mga ala-ala ko dito sa hospital. Yes, I do remember who I am and what happened here in the hospital. Hindi ko alam kung dahil nauntog ako o dahil na-trigger iyon ni Creed at ng buong paligid ko. I'm pretty sure it's the second one. My sensory nerves helped trigger my memory. The smell and the familiarity of the place, include the fact that Creed was with me.

"I am not Charissa..." Bulong ko habang nakatingin ako sa salamin. "Ako si Jillian. Dr. Jillian Klairo Esperansa. Anak ako ni Jacinto Esperansa at Kalleopi Brionez. I was a med student at Honoria Acosta University...a-and I-I have a fiance...had a fiance...Creed..he hates me." Nanghihina kong bulong sa aking sarili.

Nahilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Wala akong maintindihan, bakit niya ako kinakasuklaman at bakit niya sinasabi na nangaliwa ako? Out of all people, with Polanski? Kumirot ang bukol ko.

"Leche," Bulong ko at hinipo iyon sandali. Bumuntong hininga ako. I look like shit. Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok. I licked my dried lips and washed my pale face with sink water. So far ang naalala ko lang ay yung mga nangyari dito sa hospital at si Creed and right now, he hates me, he loathes me so much that he wants me to be and calls me a whore. Kumirot ang dibdib ko.

Hindi ko sa kanya pwedeng sabihin na naalala ko siya. What would I tell him? And if so, it's not like he's going to believe me. He was so sure and made up his mind that I hurted him on purpose and left him. Hindi pa buo ang ala-ala ko, paano ko siya na mapapaniwala na nagsasabi ako ng totoo?

Napitlag ako nang may kumatok sa pinto.

"Jilli--I mean, Charissa?" Creed called out.

"Wait." Sagot ko at inayos muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang kaniyang mukha. Hindi nabawasan ang kanyang kagwapuhan. After all these years, he has the same charisma, beautiful eyes, although his skin tone is much darker. Mas lalong nagpa-gwapo sa kanya ang kanyang beard at mahabang buhok.

Gusto ko siyang hawakan at damhin ang pisngi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Are you okay?" Napatigil naman ako sa pagtitig sa kanya nang magsalita siya. Bakas ang pag-alala ang kanyang mukha kahit na may bakas ng galit sa mga mata niya.

"O-Oo, kinailangan ko l-lang na umihi." Sagot ko na lang bago ako humakbang upang makabalik ako sa hospital bed.

Akala ko ay hahayaan niya ako ngunit halos mapapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa ibabang parte ng likudan ko. Goosebumps rose on my skin as I felt his familiar touch.

His Runaway BrideWhere stories live. Discover now