Kailan nga ba magiging Malaya?

268 10 9
                                    

Puso ko'y umiiyak,

Unti-unting nabibiyak,

Pilit nagpapakatatag,

Tinatakbuhan ang pagiging duwag.

Saan kita matatagpuan?

Kailan kita mahahagkan?

Hanggang kailan kita hihintayin?

Sino ang magiging tagapag gitna natin?

Sabik na sabik ang mga pusong nangulila.

Mga taong nawalan ng mahal sa buhay at pamilya.

Hanggang ngayon, nagtatanong pa rin at nag-aabang ng hustisya.

Sa sino mang puno't dulo ng trahedyang hindi lahat inakala.

Kailan nga ba magiging malaya?

Ang isang pulong matagal nang nilamon ng paghahangad na maging isa?

Tuluyan na nga bang pipikit ang aking mga mata?

O sadyang mamatay na lang akong hindi ko makita ang Kapayapaan sa bawat isa?

KapayapaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon