Mindanao

224 12 6
                                    

Nararamdaman ko ang bawat pighati niyo.

Nauulinigan ko bawat hinagpis ng mga puso niyo.

Alam kong mayaman ang lugar kung saan isinilang kayo.

Subali't bakit dama kong hindi kayo nagkakasundo-sundo?

Ano bang kailangang gawin ng bawat taong nasa posisyon natin?

Ano bang dapat niyong hilingin ng kapayapaan ay makuha namin?

Ano bang meron ang pinuno ninyo at kayo't ayaw tumigil sa bakbakan?

O sadya nga bang nalimutan niyo na ang pangako ninyo sa ating lupang sinilangan?

Hindi niyo ba nakikita na maraming mga bata ang nasa paligid at nagmamasid?

Ramdam niyo ba ang pangininig at pangangatog na kanilang mga tuhod at paa sa takot na kanilang ipinahid?

Hindi niyo ba pinakikinggan ang mga salitang "Tama Na" at tumigil sa paghahangad?

Paghahangad na makuha at maging hiwalay ang inyong pulo sa ating bansang kalugod-lugod?

Kapayapaanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن