SNAMMAI 21

43 3 0
                                    


Sa loob ng kotse na minamaneho ni Brix ay tahimik lang si Rylie na nakamasid sa bintana at pinapakiramdaman ang kanyang amo.

'san kaya kami pupunta? Grabe, bakit kaya parang ang init ng ulo ni sir Brix?' sa isip ni Rylie at pasimpleng sinulyapan si Brix kahit kinakabahan.

Napagmasdan lang ni Rylie ang napakagwapo at seryosong mukha ni Brix na nakatuon lang sa kalsada.

Hindi niya namalayan na parang naaliw na siyang pagmasdan ito na agad namang napuna ni Brix.

"bakit? May dumi ba sa mukha ko? Alam kong di pa ako naliligo pero di ko naman kinalimutan mag toothbrush at maghilamos" si Brix na nanatili pa ding nakatuon ang mata sa kalsada habang nagmamaneho.

"wala po sir Brix, nagtataka lang po ako kung san tayo pupunta? Di ba po kakadating lang ng mga magulang niyo po?" si Rylie na namula at talagang kinakabahan.

'grabe, tama pala si Dianne, minsan ay tinotopak nga si sir Brix, pero totoo kayang nagiging halimaw siya?' pahabol ng isip ni Rylie.

Sa pagkakadinig ni Brix sa pagbangit ni Rylie ng kanyang magulang ay bigla namang humigpit ang kapit nito sa manebela.

"sa condo ko" malamig na tugon ni Brix na tila pinilit niyang walang emosyon na lumabas sa kanya at nanatili pa ding nakatuon sa kalsada.

Napalunok na lang si Rylie sa malamig na trato sa kanya ni Brix at muli nalang itong humarap sa bintana.

'sabi ko nga, tatahimik na lang ako' sa isip-isip ni Rylie.

************

Sa bahay ng mga matsuda. . .

Alalang alala naman si madam Yumi kay Harajima dahil sa parati nalang itong inuumaga ng uwi at minsan ay sobrang lango pa sa alak, kaya agad niyang kinompronta ito.

"Harajima, i wanna talk to you" si madam Yumi pagkakita palang kay Harajima na nakatambay sa terrace at tila masakit pa ang ulo.

"about what lola? Parang wala naman pong dapat pag usapan" si Harajima at agad naupo.

"Harajima, tell me, is there something wrong? Araw araw na lang anung petsa ka na kung umuwi, tapos minsan sobrang lango ka pa sa alak, di ka naman ganyan hijo" si madam Yumi na umupo kaharap ni Harajima.

"its nothing la, just personal problems" maigsing tugon ni Harajima.

"personal problems? Come on Harajima, tell me, i know you, halos ako na ang tumayong ina mo, gusto lang kitang mapabuti" pag aalala ni Yumi.

"its not that big deal, i just want to have some fun thats all" palusot nalang ni Harajima.

Nagdududa naman si madam Yumi sa tugon ni Harajima, pero naisip niya nalang na hindi pa ito handang magsabi ng mga suliranin nito.

"if thats what you insist, pero dont forget about your obligations, about our family business, alam mo naman na ikaw ang gusto kong mamahala sa kumpanya natin kaysa sa koji na yun" paalala ni madam Yumi.

"kahit naman po gustuhin ko na ako ang susunod na magpatakbo ng negosyo natin ay hindi naman ipagkakatiwala sa akin yun ni uncle, tsaka si Koji ang mas may karapatan sa aming dalawa, nag iisang anak siya ni Uncle, sino ba naman ako diba? Ni hindi ko nga alam kung talagang kabilang ako sa pamilyang to, ni hindi ko nga nakilala man lang ang mga magulang ko, malay ko ba kung napulot lang ako" si Harajima na tila unti unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

Agad naman nahabag si Yumi at agad niyakap ito.

"wag mong sabihin yan, hindi ka basta napulot lang okay? Wag kang mag alala, makikilala mo din kung sino ang mga magulang mo, at eto ang tatandaan mo, may karapatan ka din dito sa pamilya na ito hindi lang ang Koji na yun, maliwanag?" paniniguro ni Yumi na labis nag iwan ng katanungan sa isip ni Harajima.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum