Kapayapaan

647 21 15
                                    

Minamahal kong Ama,

Hindi mo ba nakikita ang bawat pagdurusa?

Nararamdaman mo ba ang bawat luha sa kanilang mga mata?

Marami na ang buhay na nasawi,

Marami na ang binilang na proyektong nais maipagpunyagi,

Pero bakit kapayapaan ay hindi kailan man mabigyan-bigyan nang atensyon o kaya'y  magpursige?

Apatnapu't apat ang nasorpresa,

Sa bakbakang hindi alam kung sino ang may sala?

Hanggang kailan maaatim ng damdaming dulot ay sakit kasama ang luha sa mga mata?

Ako'y ordinaryong tao lamang na nakikinood,

Taong nagbabasa ng diyaryo't nakikisimpatiya at walang pagod.

Hiling ko lang sana na ang mamuhay ng payapa sa bansa kong kinalulugod.

Walang bahid ng pulitika, relihiyon, at pagkakawatak-watak ng bawat sumusunod.

Dalangin kong ito'y sana'y marinig mo,

Tulungan mo pong buksan ang saradong puso at isip ng taong nagpapakapagod.

Nang hindi maging walang saysay ang bawat luha ng pamilyang namatayang tanging hangad lamang ay maging bakod.

Kapayapaan - ikaw ay nasaan?

Kapayapaan - kailan kita masisilayan?

Kapayapaan - tigilan na ang putukan.

Kapayapaan - kailan kita makakamtan?

KapayapaanWhere stories live. Discover now