Chapter 27

3.9K 126 2
                                    

MHADDISON

Lumuluha akong nakatingin sa stage, pinagmamasdan ang babaeng nakapulang damit na nagsasalita.

Ikinuyom ko ang kamay ko habang nakikita kong nakatingin si Jace sakanya na may halong pananabik.

I feel stabbed.

Inakala kong isang mabuting kaibigan ay yun din pala ang sisira sakin.

"Thank you Ms. De Asis for your wonderful speech and again welcome to Smith-Ilarde Corporation."

Agad akong umalis matapos iyong sabihin ng host.

Agad kong binuhos ang lahat ng galit ko sa labas ng hall.

Bakit niya pa kailangang bumalik?!

Patuloy lang ako sa pahagulgol. Hindi parin maalis sa isip ko na si Ella at ang Ex ni Jace ay iisa. Nagpakatanga nanaman ako.

"Mhadz..."

Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Siya na siguro ang kahulihulihang taong masasandalan ko sa oras ng kalungkutan.

"Kia"

"Bestie, anong nangyari?"

Mas lalo akong napahagulgol sa tanong niya.

Agad niya akong niyakap at hinimas ang likod.

"Ilabas mo lang lahat Mhadz, im here for you."

"Bumalik na siya... Bumalik na siya." Hagulgol kong bulong.

Natigilan siya sa sinabi ko at mas hinigpitan ang yakap.

"Bes, anong gagawin ko?" Tanong ko.

Bumitaw siya sa pagyakap sakin at tiningnan ako.

She sighed.

"Ano ba si tingin mo?"

"Hindi ko alam Kia."

"Mhadz there only one way. Ipaglaban mo in the first place ikaw naman ang asawa diba."

Tumulo ulit ang mga luha ko.

"Asawa ko nga siya Kia pero hanggang sa papel lang yun dahil ni minsan di niya ako natutunang mahalin *hik* kaya bakit pa ko lalaban kung sa huli ako lang din naman ang matatalo." Napahagulgol ulit ako.

"Shh... wag mo munang isipin yun, what you need to do right now is to be with your husband, bakuran mo siya."

Pano ko pasiya babakuran kubg ni minsan naman hindi ko napasok ang bakuran niya. I didnt even tend to put a crack in his walls.

---------

"Oh she here now." Salubong sakin ni Mama pagbalik ko sa loob.

Kasama kompleto sila; si Jace, si Papa, si Lolo Gerardo and ooooh nandito din pala ang Ex -___-...

Actually kung titignan akko pa yata ang magiging third wheel sa pamilyang toh because honestly they look perfect together.

Nakayuko na lang akong pumunta sa kanila.

"Ijah saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap." Sabini Lolo.

"Uhmm... sa powder room po." Sabi ko at tipid na ngumiti.

"How are you ijah? Its been a year since nagkita tayo, the last time was kasal niyo pa ni Jace." Sabi ni Papa.

"Im okay po." Tipid kong sabi.

Tumingin naman ako kay Jace na tumingin din sakin pero agad akong nag iwas.

"By the way, Mhaddison this is Micaela our--" i cut Lolo.

"Kilala ko na po siya Lolo."

Kung alam niyo lang...

Napayuko naman si Jace sa sinabi ko.

'Bakit Jace nagulat ka bang kilala ko ang Ex--fiance mo who turned out to be your greatest love?!' Sabi ko sa isip ko

"Siya nga pala Jace, youre the who's going to work with Ms. De Asis since youre the acting CEO kaya in the next few months youll be a team." Paalala ni Papa.

Team nga ba?!

Psh.

I guess hindi sakin pabor ang tadhana.

"Siya pala." I blurted ng nakapasok kami sa bahay.

Nauna kasi kaming umuwi dahil masakit daw ang ulo ni Jace. Tss If i know he's really happy na makita si Micaela.

"Cut it out Vienne." Tamad niyang sabi.

"Bakit Jace hindi ka ba masaya na makita siya infact you want to talk to her right?!"

Hindi siya umimik at bahagyang umiwas.

"Are you excited to work with her?" Tanong ko na kahit alam kong masakit ay pinipilit ko siya eprovoke.

"Stop it Vienne." Banta niya.

"Why, eh totoo naman diba?!"

"I said stop!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Why are you acting like a f*uck*ng b*tch right now?! Sh*t!!!" He cussed.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa harap niya.

"Sorry."

Yun lang ang nasabi ko.

"Magpapahinga ba ko." Malamig niyang sabi at pumasok na sa kwarto niya.

Di kalaunan ay pumunta na rin ako sa kwarto ko. Buong gabi halos iyak lang ang ginawa ko haggang sa kusa na akong pumikit at natulog.

Hanggang kailan pa ako lalaban???

*************

Kung nagtataka kayo kung bakit walang POV si Jace, well gusto ko kasi special kaya few chapters pa ang hihintayin...
- lip_bite18

Just vote, comment and share...

ENJOY READING!!!!!


Status: Its COMPLICATED (Completed)Where stories live. Discover now