Bugaw

312 3 0
                                    

Warning: Matured content 18+

Start

-Hapon na malapit na magdilim. Kasama ko si ate Maui.

"Sa mas bata mo ako ibigay ate ah." Sanhensyon ko.

Lumingon ito sakin nang nakataas ang kilay.

"Namimili ka pa! Eh hindi ka naman na birhen!" Medyo inis na sabi nya.

"Bakit? Isang beses pa lang naman ako natira ah." Reklamo ko.

"Oo na!" Inis pa ring sabi nya.

Ito ang unang beses na sasama ako kay ate Maui.

Medyo kabado ako ngayon. Parang ayaw kong gawin.

Pero wala akong choice.

Wala na akong aasahan pa. May sakit ang aking ina. Kailangan kong magaral.

Natanggal ako sa trabaho at may utang pa ako sa renta sa bahay, bayad pa sa hospital at pang maintenance pa ni nanay.

Ang bata ko pa pero ang laki na ng problema ko.

"Bobo ka kasi! Nag pauto ka dun sa lalaking iyon! Gusto lang pala matira ka!" Inis na sabi naman ni at Glen kasamahan ni Ate Maui.

"Dinaan ka lang sa matatamis na salita." Natatawa naman sabi ni ate Aira sya ang may ari nang bar na papasukin ko.

"Okay lang maging tanga minsan. Para hindi nyo naman yan napagdaan." Tanggol ni ate Maui sakin.

"Sabagay. Naging kabit nga ako." Natatawang sabi ni ate Glen.

Kabit sya ng isang businessman. Ang akala ko nga sya ang pipiliin. Hindi pala.

Binalak panga syang kasuhan ng babae pero hinarang nalang ng lalaki para walang gulo.

"Basta sa sususnod wag ka papadala sa matatamis na boka!" Sabi ni ate Aira sabay tawa ng malandi.

"Basta lagi mong tatandaan na sumakay ka lang pero hindi ka papadala, kapag may habol sayo dapat may habol ka din. Hindi pwedeng hindi." Payo ni Ate Maui.

"Manahimik nga kayo. Natutulog yung tao." Inis na sabi ni Mara ka trabaho nila sa bar.

"Gaga! Maligo kana anong oras na!" Natatawang sabi ni ate Glen.

"Anong oras na ba?" Sabi bya sabay kusot ng mata.

"Mag aalasais na gaga!" Sagot ni ate Aira.

Tumayo na si Ate Mara.

Lumapit ito sakin. "Ikaw! Ako magaayos sayo huh!" Sabi nya sakin bago pumasok sa banyo.

"Dapat full of confident ka. Bawal mahiyain, kasi kapag nahihiya ka. Wala kang kikitain." Payo bi ate Glen sakin.

"Nagiinom ka naman hindi ba?" Tanong ni ate Maui sakin.

"Konti lang." Sagot ko sa kanya. Hindi naman ako lasing gera.

"Dapat malakas ka uminom, kasi mas maraming alak mas malaki ang kita." Sabi ni ate Aira sakin.

Tumango lang sakin si ate Maui.

"Kapag niyakag ka lumabas pwede ka namang tumanggi." Sabi ni ate Glen.

"Pagniyakag ka lumabas tawagin mo ako, ituturo ko sayo kung mayaman ba o hindi." Natatawang sabi ni ate Aira.

Siniko lang sya ni ate Maui. "Ibibigay kita sa alam kong may pera at mabait. Ako bahala sayo." Sabi nya sakin.

"Oh! Tinanggap mo pala offer nitong si Maui." Biglang pasok ni Jen.

One shot CollectionWhere stories live. Discover now