Special Moment 3

152 15 3
                                    

(Nathan pov)
Nagising ako sa liwanag na nanggaling sa bintana.

"baby?" nilingon ko ang tabi pero wala akong nakita. Nasaan na yun? Maybe preparing breakfast. Binuksan ko ang pinto pero agad akong napahinto.

"fuck!" napakuyom ako ng kamao bago punasan ang mukha.

"Miiiles!" lumabas ako pero wala akong nakitang Miles. Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng damit. Fuck that woman.

Ting!
From Baby:
Enjoy your day baby, i love you.

"humanda ka sa'kin" bwisit! Another prank. May nakaabang na malamig na tubig sa pintuan. Lintik talaga.

Ting!
From Justine:
Bro, lunch at your restaurant, we'll be there. 12.

Naligo nalang ako bago pumasok ng opisina. Nasaan na naman yun nagpunta. Baka kay Bailey.

"good morning sir" i ignore them at tuloy tuloy lang sa office. Another day of work, another busy day. Tuloy tuloy lang ako sa trabaho hanggang magtanghali. At dahil wala akong kasama kaya nagpunta na ako sa restaurant para makasama yung mga hinayupak.

"hey bro" tinaasan ko lang sila ng kilay at umupo. Nabubwisit pa rin ako.

"mukhang masama yata ang araw mo" sambit ni Alvin. Tama ka.

"problem at work?" umiling nalang ako bago uminom ng tubig.

"don't tell me si Miles na naman" bored kong nilingon si justine dahil sa sinabi niya.

"grabe siya" naiiling na sagot ni Jonas. Wala yung mga girls nila.

"hay naku tama na yan, kain nalang tayo"

Busy na rin sila sa kanya kanya nilang buhay at trabaho.

"hindi pa ba kayo magpapakasal?"

"malapit na" habang patuloy lang sa pagkain.

"bro, baka maunahan pa kita" sagot ni Jonas. Tss, mukha nga.

"oo nga bro, buntis kaya si Nikita. Nakabuo na ang gago" natatawang sagot ni Justine.

"hahaha, tapos ikaw wala pa rin hanggang ngayon? Ang hina mo bro" sinamaan ko lang ng tingin ang gagong to. Siraulo to ah.

"wag mong paringgan, baka araw arawin si Miles" nilingon ko naman si Justine na nakangisi sa'kin.

"oo nga, baka hindi makalakad yun hahahah" bwisit ka Alvin.

"shut up fuckers, nagpaplano pa ako. Ikakasal muna kami bago magka-baby" yun kasi ng gusto niya. Okay lang naman sa'kin.

"ay sus, pero nakakailan kayo sa isang araw?" nilingon ko si Alvin na nakangisi.

"gago wag mo siyang itulad sa'yo...pero ilan nga ba?" naiiling nalang ako sa sinabi ni Jonas bago tumawa. Mga siraulo.

"hahahah! Wag naman masyado!"

"ang dumi ng utak mo gago!"

"siraulo ikaw yung nauna!"

Nagtawanan nalang kami. Hay naku, nakaka miss ang ganito. Minsan nalang kasi kami magkakasama, lagi kasing busy sa kanya kanyang trabaho.

"oh ano, bar tayo mamaya. Ayain natin si Xander at Lerry" Alvin.

"mga hinayupak na yun" Jonas.

"baka mamaya magkaroon ng away. Basagulero ng mga gago" Justine.

"baka busy yun" sagot ko nalang.

"wala kasi si Calvin eh" tss. Magkasama sila ni Xyrene sa Paris.

Humanda ka talaga sa'kin Miles.

(Miles pov)
"my god Miles, ayaw mo pa ba?" tinaasan ko lang ng kilay si Bailey. Nandito kasi kami sa bahay nila ni Xander.

"oo nga" si Nikita na kumakaen ng mangga. Buntis na ang gaga. Naunahan ako ah. Matinik ang gagong Jonas.

"pagkatapos ng kasal" gusto ko pagkatapos ng kasal tsaka kami magkaka baby.

"makakatiis ba si Nathan?" oo nga. Imposibleng hindi ako mabuntis ah.

"hay naku kalimutan na yan. Gusto niyo bang magbakasyon? Beach?" nagkatinginan pa sila bago tumango.

"bet ko yan girl, i need to tell Xander na"

"nice idea, para naman mapahinga ang mga walanghiya sa mga trabaho nila. Puro sila trabaho" sagot ni Nikita.

Puro nalang kasi sila work.

"oh look guys, i'm pretty diba?" pinakita niya ang magazine. Model kasi si Bailey. Nagkakasama na nga sila ni Xy sa photoshoot eh.

"bago lang yan?" tumango naman siya. Oho. Ang ganda ah.

"lagot ka kay Xander" naka fitted dress kasi siya at may kasamang co-model na guy. Naku naku. Seloso yun, tapos ang ikli pa ng suot niya.

Si Nikita may Bakeshop. Si Bailey model, ako nagmamanage ako ng ibang business namin ni kuya, tapos yung resort ko pa.

Hay naku, ang busy ng buhay. Kailangan ng mag unwind.

Umuwi na ako, baka galit na yun sa ginawa ko kaninang umaga. Naku po Miles, lagot ka. Tahimik ang bahay pagpasok ko. Dumeretso ako sa kwarto.

Ting!
From Baby:
I'm at the bar, kasama ko mga hinayupak. I'll be home early so be ready for your punishment baby.

Napalunok nalang ako habang binabasa ng text niya. Ay juice colored, anong punishment kaya yun. Bigla nalang akong namula dahil sa kakaibang pangyayare sa isip ko. No way!

"masyado kang green Miles...sobrang berde" nagpalit na ako ng damit bago nahiga.

5 years huh? Ang tagal na pala. Nilingon ko ang frames na nakalagay sa bedside table. Picture ng buong barkada nung college.

Nakaka-miss yung time na lagi kayong magkakasama. Hay naku. Hindi naman napipigilan ang pagtanda. Ang saya. Marami na ang nagbago. I looked at our picture na nakadikit sa wall. Picture namin nung nagbakasyon kami ni Nathan sa japan.

Pumikit nalang ako at pinilit matulog. Busog pa ako eh.

Ihahanda ko na ang sarili ko sa punishment ng hinayupak na yun.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

After Story -Miles & Nate- (Completed)Where stories live. Discover now