Special Moment 1

249 14 4
                                    

(Miles pov)
Naalimpungatan ako sa marahang dumadampi sa leeg ko. Mainit at malambot.

'wake up'

Isang malambing na boses. May anghel ba? Ang ganda ng boses niya. Nakapikit lang ako habang patuloy sa pagdampi ang malambot na bagay sa leeg at balikat ko.

'wake up baby, i know you're awake'

Dahan dahan kong iminulat ang mata at bumungad sa'kin ang napakapangit niyang pagmumukha...siyempre joke yun wahahah! Juice colored!

"good morning" napapikit ulit ako ng maramdaman ang dampi ng labi niya sa akin. Ang init mga chong!

"baby?" malambing kong sambit bago hawakan ang pisngi niya. Napangiti siya bago hawakan ang kamay ko. Ang ganda ng ngiti mong hinayupak ka!

"yes baby---what the fuck!" tumayo ako mula sa kama at nakapamewang na humarap sa kanya. Aba siraulo to eh!

"hinayupak ka! Kita mong natutulog pa ako tapos gigisingin mo ako gago ka!" inaantok ako tapos gigisingin ako ng walanghiyang to

"tanghali na, kaya ginigising kita! Wag mo akong sigawan!" pinantayan ko ang masamang tingin niya. Aba sinigawan ako.

"inaantok ako!" napahilamos naman siya ng kamay sa mukha bago naka-cross arm na lumapit sa'kin.

"baka nakakalimutan mo kung ano ngayon? Dapat nga binuhusan kita ng malamig na tubig eh, pasalamat ka halik lang yun" ay wow, dapat ba talaga akong magpasalamat sa hinayupak na to?

"aba siraulo to---bitaw!" hinatak niya ako pabalik sa kamay bago daganan.

"pasalamat ka halik lang yung pinanggising ko sa'yo, eh kung gahasain kaya kita" napamaang ako habang nakatingin sa kanyang pinanliliitan ako ng mata.

"m-manyak ka talagaaaa!"

"aray!" nilamukot ko lang naman yung mukha niya.

"ginagalit mo talaga ako huh?" hinuli niya ang dalawang kamay ko bago nilagay sa taas ng ulo ko. Uh oh. My heart is so abnormal na...parang ako wahahaha!

"bakit, nagalit ka?" pero parang mali yung tanong ko. Bigla kasi siyang ngumisi. Napakagat nalang ako labi ng gumapang ang kamay niya sa bewang ko.

"hindi naman ako yung nagalit baby..." nahigit ko nalang ang hininga ko ng lumapit siya at bumulong sa tenga ko.

"...kundi yung kaibigan ko" napapikit nalang ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dala ng pagbulong niya. Nakikiliti ako.

"lagot ka" shit! B-bakit kakaiba yung boses niya. P-parang nang aakit.

"p-pwede bang lumayo ka? M-maliligo na ako" ang hirap naman huminga letse!

"you're beet red" natatawa niyang sambit habang nakatitig sa mukha ko. Bwisit! Bakit kasi ang init eh. Wooh! I need some air dude!

"shut.up!" sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Tinanggal niya ang kamay niya bago tumitig sa'kin. Siraulo to eh.

"take a showet then we'll leave" then he gently kissed my lips bago lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng malalim ng makaalis siya.

Uso huminga Miles! Grabe naman kasi eh. Nananadya talaga yung gagong yun.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo. I took a shower bago lumabas at nagbihis. I looked at myself in the mirror. Ang ganda ko talaga. Humaba na rin ang buhok ko. Shoulder length black hair. Nagpakababae na ako mga chong. Dress tayo ngayon. May ganap sa bahay nila dad. Inayos ko lang ang sarili ko bago lumabas.

"ah yes, pakilagay sa table ko" bungad ng boses niya pagbaba ko. Kausap siguro yung secretary. Huminto ako sa hagdan at pinasadahan siya ng tingin. Fuck! He is so hot! Hindi ako manyak, sadyang hindi ko lang mapigilan ang hagudin siya ng tingin. Kakaiba.

Well, it's been 5 years. Marami na ang nagbago, siya na ang naghahandle ng ibang business nila. May restaurant na siya. May sarili na kaming bahay. Lalo siyang naging gwapo. Still...siraulo pa rin siya wahahahaha!. Ang hindi nagbago...siraulo talaga siya, mana sa'kin hahah.

"done checking me?" napakurap ako ng ilang beses bago siya samaan ng tingin. Nakangisi lang siyang nakatingin bago ako lapitan.

"you wish" napatawa pa siya bago ako yakapin.

"aminin mo na kasi baby...ang lagkit ng tingin mo sakin eh" tarantado to ah. Gagawin pa akong manyak? Siraulo talaga.

"luh, asa ka. Tabi nga, pahara-hara ka" nilampasan ko nalang siya. Rinig ko pa ang tawa niya bago ako lumabas at naunang sumakay ng kotse. Kainis eh!

Tahimik lang siyang nagdrive hanggang sa makarating kami sa bahay nila dad. Kinuha ko ang regalo bago bumaba. Siyempre ang siraulo...iniwan ako at nauna ng pumasok. Gago talaga!

"atee!" napangiti nalang ako ng may yumakap sa hita ko.

"hands off little guy" napataas nalang ako ng kilay sa sinabi ng gagong to. Selos?

"no way kuya" natatawa nalang ako. Ang cute niya eh.

"happy birthday Nash. Here's your gift" napabitaw naman siya sa'kin at kinuha ang kahon.

"thank you ate, buti ka pa" nginisihan ko si Nate na inirapan lang ako. Bakla talaga tong hinayupak na to eh. Pumasok nalang kami at naabutan sila tita.

"oh great, you're here" nagbeso kami siyempre.

"hey baby" bungad ni dad.

"hey dad"

Birthday ni Nash ngayon. Anak ni dad at tita. 5 years old na siya. Ang cute nga niya eh. Nakakatuwa, kahawig ni Nate. Langhiya! Sa kanya? Anak niya? Edi wow! Kumaen nalang kami. Family lunch lang, gusto kasi ni tita na siya ang magluto.

"kelan niyo balak magkaroon ng anak?" napasamid ako sa sinabi ni dad. Grabe siya.

"d-dad naman" nilingon ko si Nate sa tabi ko na mahinang tumatawa.

"what? Hindi na kayo bata. Nasa tamang edad na kayo" napairap nalang ako at pinanliitan ng mata itong katabi kong natatawa lang. Siraulo to ah, pektusan kaya kita.

"ang hina mo naman anak" naku po, ginatungan pa ni tita.

"don't worry ma, gagawa kami pag kauwi mamaya" napamaang ako at nilingin ang demonyong kasalukuyang nakangisi sa'kin.

Pektusan ko to eh.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

After Story -Miles & Nate- (Completed)Where stories live. Discover now