VII

2 0 0
                                    

Nag-pupumiglas ako pero hindi nya pa din ako binibitawan.Pumasok kami sa kwarto nya at tumapat sya sa istante ng mga libro nya.

"Hold tight to my neck."utos nya.

"B-bakit n-naman?"ilang na tanong ko.Sa polo nya lang kasi ako nakahawak dahil baka isipin nya na gusto ko din na binuhat nya ako kapag sa leeg nya ako kumapit.

"Just do it."

"A-ayoko nga.Ibaba mo nalang ako."ani ko at tinanggal ko na ang kapit ko sa polo nya.

"I said hold on my neck."maotoridad na sabi nya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Kumapit ako ng mahigpit sa leeg at tumingin nalang sa baba.

bakit ba ako kinakabahan ng ganito?

Tinanggal nya ang isang kamay nya sa bewang ko kaya napakapit lalo ako ng mahigpit sa kanya.Inabot nya ang isang libro at hinila iyon pero hindi naman nya nakuha at nagulat ako ng biglang umatras ang laagayan nya ng libro at tapos ay gumilid ito.

Namangha ako ng makita ko ang loob.Tanging kulay blue na ilaw lang ang nandoon.Pumasok kami at mas lalo akong namangha sa nakita ko.

Puro mga collection ang nandito.Collection ng mga laruan,mga action figure.Katulad doon kay peter doon sa probinsya yung mayaman doon sa bayan namin.Ganyan din kasi ang nakita ko nung nag-palaba sila saakin ng mama nya ganyan din yung naka display sa sala nila;puro laruan.

ganda...astig

"Ayyyyy!"sigaw ko ng parang bigla kaming nahulog.

Tumigil na ang paghulog namin at tumingala ako sa kisame at hindi pala kami nahulog dahil parang maliit na elevator ang sinakyan namin kaya parang nahulog kami.

may ganito palang bahay? ang galing naman.

Ibinaba nya na ako at nauna na syang mag-lakad saakin papunta doon sa tatlong screen ng computer.

"Oh,Young Master Von."may biglang lalaki na lumabas sa dilim.

"He's my tuitor."

"Hi,i'm edward king."pakilala nya at nilahad nya pa ang kamay nya saakin.

Tinanggap ko ang kamay nya at nag-pakilala din.

"Ako si Hope."ani ko at nakipag kamay.

"Nice meeting you."ani nya at hinalikan ang likod ng kamay ko.Nagulat ako pero napangiti din ako dahil feeling ko napaka galang nyang tao.

"Ako din."nakangiting sabi ko.

"Enough!"biglang sigaw ni von.

Pinaghiwalay nya ang kamay naming dalawa ni edward at pag-tapos ay umakyat na ulit sya sa taas.

"Hoy!"tawag ko sa kanya pero nawala na sya sa paningin ko.

iwan daw ba ako?piste yun ah!

"Someone's in-love."nakangising at iling iling na sabi ni edward.

sino bang in-love?

"Ano bang problema ng kaibigan nyo?Kanina pa yan,biglang sisigaw tapos mag wa-walk out!"inis na sabi ko habang nakatingin doon sa inakyatan ni von.

Nakakainis na talaga sya.Napaka bastos nya.Kita nyang nag uusap kami tapos biglang sisigaw tapos bigla ding aalis na wala manlang paliwanag kung bakit sya nag kaganoon.

"Meron lang buwanang dalaw yun kaya sya ganyan."ani nya.

"Meron nga siguro."

"You're so lucky."biglang sabi ni edward saakin.

IMMORTAL 1: Von Kaizer LacsamanaWhere stories live. Discover now