III

8 1 0
                                    

"Wow!You're the one who bump me first and now you're galit din!?"

Napairap ako sa ere ng sinabi nyang ako daw ang unang bumangga sa kanya,eh sya nga itong hindi nakatingin sa dinadaanan.

Ganito kasi yung nangyari...Nakatayo lang ako dito at namimili sa mga gulay tapos etong bulag na to ay bigla nalang bumangga saakin.Yung may kapayatan nyang pa ngang braso ang bumangga saakin kay nawalan ako ng balanse eh.Tapos ngayon isisi nya saaking ako daw ang naunang bumangga sa kanya?Ibang klase!

"Wow ka din!Nakatayo lang ako dito tapos mang-babangga ka dyan!?Ibang klase ka ah!"balik ko sa kanya.

"Ha!?Daleun keullaeseu!Dangshin-ui yong-gi a!"sigaw nya saakin.

Napaawang ang bunganga ko pati na din ang mga taong nakiusyoso saamin ay napanganga din.Bigla kasi syang sumigaw ng hindi namin maintindihan na salita tapos ang bilis pa ng pag-kakasabi nya.Kakaibang lenggwahe.

sa bagay muka naman syang taga ibang lupalop ng bansa.

"Pinag-sasabi mo-"

Natigil ako sa pag-sasalita at mas lalong nagulat ng may biglang sumulpot sa likod nya at inakbayan sya.

Ang gwapo..

ito ba yung sinabi nilang love at first sight?Grabe ngiti palang ng lalaking ito ay nag-patulala na kaagad saakin.

Parehas silang may kasingkitan ang mata pero mas maganda ang mata ng lalaking bagong dating.Matangkad din sila parehsa.Gwapo din sila pareho pero mas gwapo sa paningin ko itong bagong dating.Yung isa kasi yung nabangga ko ay gwapo nga ang pangit naman ng ugali.

Ang gwapo nya talaga.

"What happen dude?"tanong nya sa lalaking nakabangaan ko.

grabe pati boses nya ay gwapo.

"This girl is so very mataray and she bump me dude."sagot sa kanya ng lalaking nakabangga ko kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.Muntikan na din akong matawa dahil napakaarte ng pagkakasabi nya ng 'mataray'

"Ako mataray!?Ikaw nga maarte eh!Don't you dare,don't you dare ka pang nalalaman!"ani ko sa kanya.Nabaling ulit ang atensuon ko sa lalaking kakadating lang ng bigla syang matawa.Napatitig nanaman tuloy ako sa kanya.

ang cute nya ngumiti dahil nawawala ang mata nya.

"Sorry miss kung ano mang nagawa ng kaibigan ko."nakangiting hingi nya ng paumanhin saakin.

"O-okay lang."pigil ngiting sabi ko sa kanya.

"What the hell!?"You're so unbelievable insane,crazy girl!"singit ng lalaking nakabanggaan ko.Tinignan ko sya ng masama.

"Ewan ko sayo!Oras na makita pa kita ay hindi lang pitik sa ilong ang matitikman mo pati na to!"banta ko at ipinakita ko pa sa kanya ang kamao ko.

Pinulot ko na ang mga pinamili ko at iniwan sya ng may masamang tingin saakin.

-

"Ay nako gwapo nga napakaarte naman!"

"Baka mayaman o kaya baka ikaw talaga ang may kasalanan kaya ganon."ani ni angelica mula sa kabilang linya.Nagalit pa nga sya doon sa lalaki na nakabanggan ko nung una pero ngayon na-ikwento kong gwapo ay bihlang nawala ang galit nya at mas kinampihan nya pa iyong lalaking maarte na iyon kesa sa akin na kaibigan nya at ako ang mas tama.

pshh...walang kwentang kaibihan...makadinig lang ng gwapo ay tinabla na ako.

"Muka ngang mayaman at mukang galing ibang bansa pero ako talaga ang tama at sya ang mali."sagot ko sa kanya at isinalang ko na ang bigas na isasaing ko.

IMMORTAL 1: Von Kaizer LacsamanaWhere stories live. Discover now