Kabanata 30

355 6 0
                                    


Kabanata 30

Till death

JAKE'S POV

"you may now kiss the bride" at dumampi ang labi ko sa babaeng hindi nilalaman ng puso ko.

Nakita ko ang babaeng mahal ko, pumapalakpak at nakikita ko ang saya sa mga mata niya, Habang katabi ang tunay at nararapat na lalaki para sa kanya, ang kaibigan ko.

Oo inaamin ko naging sobrang makasarili ako, dahil ayokong maging pabigat, napagsabihan ko siya ng mga salitang hindi dapat.

Kahit anong klase pa silang babae dapat ginagalang sila, hindi pinagtataasan ng boses, at hindi sinasaktan.

Sobrang saya ko kasi naging masaya siya sa Iba, na sana ako rin. Sana hindi ko nalang iniwan ang babaeng sinamahan ako sa kaginhawaan at kahirapan.

I losed her, sinaktan ko siya ng sobra at dahil dun hindi na niya kaya pang bumalik sa akin, at dahil dun nahanap niya ang taong para at inilaan sa kanya, at ang taong yun ay ang kaibigan ko pa.

Hindi ko ipinapakita ang galit ko, ang galit kung bakit ang kaibigan ko pa? Ang galit kung bakit hindi ko na siya mabawi? Ang galit kung bakit ang daya ng panahon at tadhana?

Pinaglaruan kami ng tadhana, masaya na siya, dapat maging masaya rin ako.

Kahit nagpakasal man ako sa ibang babae, hanggang kamatayan isa lang ang mamahalin ko. At yun ay paulit - ulit na siya.

Paulit-ulit kong hihilingin na sana, sana naging matino ako nung mga panahong may problema ako para di ko na siya nasaktan at siya dapat ang babaeng pinakasalan ko ngayon.

Siguro panahon na talaga para tanggapin ko na, hindi talaga kami ang para sa isa't isa, siguro nga, marahil kami ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.

Salamat, salamat sa panahong naging mundo mo ako, salamat Mariana Isabella Fontabella, for coming into my life, for loving me in the past, for waking me up that I'm stupid. Thank you for choosing my bestfriend, thank you.

Tumulo na lang ang mga luha ko. Sobrang mahal ko siya, sobra. Na hindi ko siya kayang titigan na kasama ang Iba.

Naramdaman ko naman ang pag sakit ng puso ko, hindi ako makahinga.

Nagkagulo ang mga tao at nilapitan ako.

"jake! Anong nangyari?! Call the ambulance!!" sigaw ni Biance, pinalibutan naman ako nila Tita Anne.

"son? Son?! Do you hear me?!" sigaw ni papa, sobrang hindi na ako makahinga

Pero naiusal ko pa rin ang isang pangalan.

"M-Mariana, P-papa, M-Mariana" mahina kong bulong.

"Mariana!!" sigaw ni Cristal.

"jake! Jake! Jake!!?anong nangyari okay ka lang?!" lapit sa akin ni Mariana. Ngumiti ako ng pilit kahit kinakapos sa hininga

Pakiramdam ko hanggang dito na lang ako.

Hinaplos ko ang mga luha na pumapatak sa mukha niya. "M-Mahal k-kita s-sobra" pilit kong usal

"shhh, lumaban ka okay?! Ang ambulansya asan na ba?!" galit niyang sigaw Habang umiiyak.

AYOKO ng umiyak pa siya.

"Mahal kita" bulong ko ulit hanggang sa dumilim ang paningin ko.

"jake!!!!" sigaw nila.

Mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin yun, lahat ng ginawa ko ay pinagsisihan ko, pero masaya ka na, kaya oks na ako. Mahal kita, mahal na mahal kita. Hanggang sa muli, te amo, mahal ko

Sa susunod na Habang buhay pipiliin ko pa ring mahalin ka kahit hindi ako ang magiging wakas.

Follow Your Heart [COMPLETED] Where stories live. Discover now