Kabanata 12

307 7 0
                                    


Kabanata 12

The outing

MARIANA'S POV

Hindi ko na masyadong napapansin si Anthony kase, nagseselos ang isa diyan, nag focus nalang ako sa pag-aaral nitong mga nakaraang buwan, at close na din si Cristal at Ana, pero minsan talaga nagkaka sukmalan ang dalawa, si Jake naman ay sobrang napaka possessive, minsan sa bahay siya kumakain, minsan naman ako ang kumakain sa kanila.

Marami na rin akong naging kaibigan, dahil sa mga kaibigan ni Jake,sobrang nakakaaliw talaga sila, ngayong araw na'to ang outing namin kasama ang pamilya ni Jake at mga barkada niya, sinama ko na rin si Ana, pero syempre nagpaalam ako kay tito.

Pagkatapos kong mag-impake ng good for three weeks na damit ay lumabas na ako ng kwarto, naabutan ko naman na nag ne-netflix si ate, at si Kuya naman ay nag mo-mobile legends Hay.

"alis na po ako! Ingat kayo dito!" paalam ko at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.

"oh? Mag-ingat ka doon bunso! Wag uuwing buntis!" sigaw ni ate, nag glare naman ako sa kanya, kaya napatawa sila.

"syempre naman!" sigaw ko.

"susunduin ka ba ng nobyo mo?" tanong ni kuya, tumango naman ako, at nilapitan niya ako.

"wag kang gagawa ng kung ano-ano ha! At wag na wag kayo ng gagawa ng masama ni Jake!" bilin niya.

"opo kuya noted!" sagot ko.

Naghintay naman ako sa labas ng bahay namin, Maya Maya pa ay dumating na ang sasakyan ni Jake, lumabas naman siya at lumapit sa akin, bago ako halikan sa noo, at kinuha ang mga bagahe ko.

"tara na, excited ka na ba?" tanong niya, tumango naman ako, at sumakay na sa kotse.

"oo naman!, nga pala sila Ana?"  tanong ko.

"nandun na sila sa Airport, hinihintay na tayo" sabi niya.

Nagmaneho na siya at tutok na tutok ang paningin sa daan, sinusulyapan ko naman siya.

Ang gwapo kase! Bakit ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya talaga!

"hey babe, alam ko na gwapo ako" sabi niya, napairap naman ako.

"ang hangin babe e" kunwaring sabi ko Habang inaayos ang buhok

"huh? Hindi naman a? Hindi naman malakas ang aircon at sarado ang bintana" natawa nalang ako nang hindi niya na gets.

"wala ka talagang alam sa jokes no?" sarcastic kong sabi.

Natawa naman siya "joke ba yun? Asan?" nakangising tanong niya.

"nasa pwet mo" sagot ko.

"babe" tawag niya sakin, nilingon ko naman siya.

"ano?"

"iisa lang ang kwarto natin"

"ano?!!bakit?!" sobrang gulat na tanong ko, syempre hindi naman sa naninibago ako na katabi siya, kung hindi ang makasama siya ng buong three weeks sa iisang kwarto?!

"bakit nagulat ka pa? Hahaha" tawa niya.

"wala lang, akala ko kasi si Ana at Cristal ang makakasama ko" sabi ko.

"sorry, pwede namang sa akin nalang lumipat si Ana or Cristal? Ayaw mo yata akong kasama"

"a-ano?! Hindi pwede! Ako ang kasama mo! Naiintindihan mo?!" galit kong sabi sa kanya, napatawa naman siya ng malakas.

Follow Your Heart [COMPLETED] Where stories live. Discover now