Kabanata 7

338 7 0
                                    

Kabanata 7

Parte lang siya ng plano

Wag kang mamroblema Mariana, buti ka pa nga! Hmp. ¶_¶

JAKE'S POV

Habang nag di-discuss si Sir ay panay ang lingon ko kay Mariana na panay din ang buntong hininga at pangangalumbaba.

Ganun siya kaproblemado?!

"pst! Mag focus ka sa pag-aaral wag sa kamag-aral" biglang salita ni Bruse.

Hayst!

Magkaklase kami, oo, walang dapat mahiwalay sa aming tatlo! Tiningnan ko naman si Jaw at Ken na seryoso sa pakikinig. Kelan pa sila naging interesado sa pag-aaral?

Pake ko.

Nang matapos na ang discussion ay nagpaalam na si Sir at kaagad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagtakbuhan papuntang cafeteria.

Nagpaalam naman sila Jaw, Bruse at Ken na pupuntang cafeteria, alam naman kasi nila na ayokong mag recess, nag mo-mobile legend lang ako.

"may gusto ka bang ipabili?" tanong ni Ken, umiling lang ako at Tiningnan sila Mariana na umalis, Tsk!

Putangina.

"una na kami!" sigaw nila

"sama ako!" biglang sabi ko kaya nagtaka sila.

Siniko naman ako ni Jaw."siguro gusto mong makasabay si Mariana no? Ayeii aminin!!" panunukso niya

"oy! Totohanin mo na ba?" tanong sa akin ni Bruse, kaya napatawa sila at tinukso ako, napasimangot naman ako.

"hindi, syempre parte lang siya ng plano hehe" sabi ko at ngumisi

Napailing naman si Ken at jaw.

"ang karma talaga! Hahaha" sabi ni Bruse.

Ewan ko!

--------------------
Pagkatapos naming mag-order ay kaagad na hinanap ng mga mata ko si Mariana, nasa gitnang table sila, kumakain.

Inayos ko naman ang buhok ko at dahan-dahang lumapit sa kanila, napatili naman ang mga babae sa cafeteria.

Ganyan na ba talaga ang dating ko?

"hala! Ang gwapo naman ni Jake!huhuhu"

"jake! Be mine!"

"hala lumalapit siya kina Mariana!"

"gosh? So? Totoo nga?na nag de-date sila?"

"hindi naman masyadong maganda si Mariana ah!"

Yan ang bulong-bulongan nila, pero di naman yan bulong eh! Ang lalakas ng bunganga.

Nagulat naman si Mariana ng papalapit ako sa kanila, tinukso naman siya ni Ana. "Hala! Si jake! Ayei!" tukso sa kanya ni Ana, pero Tiningnan niya lang ako ng masama.

Bigla namang may sumulpot na dalawang bakla at niyakap si Mariana at Ana.

"omg! Klent! Imissyou!" sigaw ni Mariana sa isang medyo payat na bakla at Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mataba.

"imissyou Pj!" sabi niya,lumapit naman ako at kinuha ang isang upuan saka nilagay sa tabi ni Mariana at magsimulang Kumain,gulat na gulat silang lahat, pero di ko na pinansin at Kumain.

Hmm masarap ang spaghetti. Nakanganga naman akong Tiningnan ng dalawang bakla.

Ngumiti lang ako.

"omy? Did he just s-smile at me?!" sigaw nung Pj.

Follow Your Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon