Chapter 2

6 1 0
                                    

PARATING pumapasok ng maaga si Ashley. Kahit gustohin ko mang pumasok din ng maaga para makita siya, late naman akong gumigising.

Kung anong aga niya, ganun naman ako katagal dumarating. Even my friends, matagal din.

Mga teacher namin parati kaming sinusuway dahil dyan. Eh pano ba naman, kay aga namin para sa 2nd period.

Pero mabuti naman yan diba? kesa naman sa absent.

Kaya motto namin ng mga barkada ko is 'Mabuti ng late, kesa naman sa absent'.

So kung may awards sa Pinaka maagang estudyante sa school, alam niyo na kanino mapupunta yun. Syempre kay Ashley. I'm not biased ha. Parati talaga siyang maaga.

Actually pinipilit ko talagang gumising ng maaga din, kaso diko talaga kaya.

Sabagay matagal akong natutulog, so matagal din dapat gigising.

Pagkarating ko sa school, agad akong tatabi kay Ashley. Makikipag kwentuhan kunwari, pero ang totoo niyan, gusto ko lang talagang masilayan ang napaka ganda niya mukha.

Hindi ko ito sinasabi na maganda siya dahil gusto ko siya, totoong maganda siya. Kahit mga kaibigan ko noon, nabighani sa kanya.

Ewan ko lang ngayon.

I don't have any problem with the thought of them admiring her.

Hindi naman sakin Ashley para pagbawalan yun. Kahit naman talaga sino magkakagusto sa kanya, hindi lang dahil sa maganda, matalino't may sense of humor pa siya. Kaya nga diko masisi kung pati kaibigan ko nahuhulog.

Pero di talaga maiiwasang magselos.

Lalo na kung malapit din si ashley sa mga kaibigan ko. Ayoko talagang may ibang nakakapagpasaya sa kanya.

Gusto ko ako lang.

Pero ano nga bang magagawa ko. Kaibigan niya lang ako, ni hindi nga niya alam na gusto ko siya. Ayoko rin sabihin baka masirang pagkaka ibigan namin.

Ayokong magkalamat kung ano mang meron kami ngayon.

Kahit pang sabihin ng iba na take a risk, takot parin ako sa kung anong kakalabasan nito.

Honestly, gusto kong burahin kung ano mang nararamdaman kung ito.

Pero diko kaya.

Hindi naman natin pwede diktahan kung ano at sino ang mamahalin natin.

Love is unstoppable.

Na kahit sabihin mong hindi ka dapat mahulog sa kanya eh mangyayari na.

Hindi mo nga alam na pagka gising mo kinaumagahan inlove kana pala sa taong dapat di mo magustohan.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now