PISO

10.2K 490 189
                                    

Piso, 2012
by: dolletienne


We are all familiar with the saying, "hindi mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso." and I have my own version of that...

Hindi mabubuo ang araw ko nang hindi sya nanghihingi ng piso.

He's my bully and I'm his nerd. I know it's wrong pero wala naman syang ibang ginagawa sa akin kundi yun lang. He's harmless. Piso everyday. Tinalo pa ang treasurer namin dahil hindi man lang nakakalimot maningil.

Medyo tinanggap ko naman na. Wala, eh. Siguro ganito lang talaga ang buhay ko. I'm happy to help though.

Okay lang sa akin kapag kinokopya ng mga classmates ko ang assignments ko. Minsan pa nga, some of my classmates will kid about my appearance. Minsan sinasadya, minsan hindi. Pero it's okay. Nasanay na ako and I know how to deal with it.

But si Bench, iba sya. Hindi sya ganun. Iba ang trato nya sa akin. Ngumingiti sya sa akin randomly, tumutulong sya sa akin when no one wants to, and hindi nya ako ipinapahiya. Okay na sya sa piso ko.

Ewan ko ba sa kanya. Mayaman naman sya eh, pero parati syang nanghihingi ng piso saken. Hindi ko alam ang trip nya pero I'm glad na part naman ako ng kalokohan nya. Whatever it is. Wag lang sa masama, though.

It became a routine. Excited ako tuwing umaga dahil ako ang unang pinupuntahan nya.

"Tin, pengeng piso!"

Nakasahod ang palad nya sakin. Hindi naman makatakas sa mga mata ko ang ka-gwapuhan nya.

Pasimple akong kinikilig. Nanginginig pa ang kamay ko habang kinakapa sa bulsa ko ang wallet ko.

"Uhm..."

Nakataas sya ng kilay sa akin.

He's not that intimidating to be honest. He likes to joke around. He's funny and likeable. He's the ball of sunshine in our class.

"Wala pala akong barya eh." I confessed

Pinakita ko pa sa kanya ang wallet ko. Yung barya ko, limang piso. Eh piso lang naman hinihingi nya.

"Ano?"

Nagkamot sya ng ulo.

"Hindi ko naman magagamit yan eh. Hoy, Stephen! may barya ka ba sa five?"

"Ha? Oo meron."

At yun. Nagbaryahan sila. Piso lang talaga ang kinuha nya at ibinalik sa akin ang sukli.

He's so weird.

Magfi-five months na niya akong hinihingan ng piso araw-araw. Hindi nga kami close. It's our only interaction. Malamang sa alamang, may bully ba ay binubully na close?!

Nabigla naman ako ng inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Parang na-rush ang init sa buong mukha ko. Yung mga sweat glands ko naman parang mas bumukas!

It's not actaully the first time he put on that act. Kaso nagugulat pa rin ako every damn time! Hindi ko pwedeng idahilan na nasosobrahan ako sa kape kasi hindi ako umiinom nun. My mom won't approve. Basta alam nyo nang pasimple kong nagugustuhan yun.

He smiled and patted my head. Inilayo na niya ang mukha nya sa mukha ko.

"Thank you, beautiful!" then he winked

Hayyy! Naibuga ko rin ang hangin na hindi ko namalayang naipon. Umalis na kasi sya sa harapan ko.

He gets me with that every single time. Pero ako namang si kilig kahit na alam kong inuuto lang ako nun. Whatever!

PISOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon