Chapter 3-Death's Aftermath

1.5K 23 0
                                    


Orja is still stunned and is still in denial ; hindi siya makapaniwala na ulila na siya. Wala na ring luha ang tumutulo sa mga mata niya, naubos nitya na ata ng araw na malaman niya ang nagnyari sa mga magulang.

Si Bettina ang kumakausap at humaharap sa kaniyang mga bisita, wala siya sa sarili niya at hindi din niya alam kung paano haharapin ang mga mata ng mga tao na awing-awa sa kaniyang sinapit. Dalawang araw ng nakaburol ang labi ng kaniyang mga magulang sa St. Peter’s Parish, sa loob ng university. Napakarami ng nakiramay at pumupuntang mga guro at mga principals na galling pa sa iba’t ibang paaralan;naging kaibigan ito ng kaniyang mga magulang sa loob ng ilang dekadang pagtuturo. Maging ang mga naging estudyante ng kaniyang mga magulang ay nakiramay sa kaniya. Halos buong San Inez ata ang nakiramay sa kaniyang pagdadalamhati ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makayang harapin ang mga ito. Sa isang iglap lang, her life became totally different and she cannot take that change.

“Best, ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos.”, nag-aalalang lapit ni Bettina sa kaniya habang nakaupo siya sa pinakaunahang upuan ng simbahan, malapit sa kabaong ng mga magulang niya.

Orja just looked at her and forced a smile, but she didn’t expected her eyes to be watery again. She thought naubos na niya lahat ng luha ng mga nagdaang mga araw, pero mukhang nagkamali siya.

“Hin-hindi ko ka-ya best. Hin-hindi k-ko tala-ga kaya!”, paputol-putol niyang sabi habang umiiling-iling na umiiyak. She’s sobbing and crying her hearts out to he rbestfriend. She doesn’t know how to live without them; lalo pa’t alam niyang hindi natural death ang dumating sa mga ito. She’s in rage towards the people who killed them but she know she can’t do anything about it. Althoguh nangako ang mga pulis at sundalo na makikipapgtulungan sa pagtugis sa mga bandidong pumatay sa kaniyang magulang, she still can’t feel at ease.She wants justice to be serve for their death.

Nantiling tahimik si Bettina at nakikinig lang sa kaniyang pagtangis habang hinahagod-hagod ang kaniyang likod.

How can I possibly live and work here if kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang mga alala nila mamang at papang?, hilam ng luha ang kaniyang mga mata habang tinatanong ang kaniyang sarili; at habang yakap pa rin siya ng kaibigan.

***********

“Ano bang ginagawa  mo sa buhay mo Ja?!” galit na saad ni Bettina sa kaniyang kaibigan. Inabutan niya itong nakakulong na naman sa kwarto nito habang nakahiga at nagbabasa ng libro. It has been 6 months simula ng mamatay ang mga magulang nito dahil sa pag-ambush dito ng mga rebelled sa Mindanao habang nagbabakasyon ang mga ito doon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-recover. Her bestfriend, Orja has been living a life in hell ; nag-resign ito sa trabaho nito sa eskwelahan, hindi na din ito lumalabas ng bahay kaya naman araw-araw ay pumupunta siya doon para  tingnan kung anon a ang nangyari sa kaibigan o kung may progress na ba ang pagmumukmok nito.

She can definitely understand her. Orja’s parents were the kindest people she had ever met pero naging napakasaklap ng kamatayan ng mga ito. Sabi nga ng kaibigan niya, walang naargabyadong mga tao ang mga magulang nito, bagkus ay tumulong pa ang mga ito sa mga nangangailangan.

Tiningnan niya ang kaibigan nan i hindi man lang sumagot sa pagmamarakulyo niya, ni hindi ito nag-angat ng tingin sa kaniya.

Napabuntung-hininga siya at umupo sa gilid ng kama nito. “Best, gusto mo bang pumunta ng Maynila?”, maya-maya ay tanong niya na nakatitig dito.

Nag-angat ito ng mukha at nakakunot ang noong nagsalita. “Anong gagawin ko doon Bet? Wala kaming kamag-anak doon. Alam mo namang ulila si mama kaya walang kamag-anak. Si Papa naman ay ni hindi ko kilala ang mga kamag-anak niya sa Spain. Mula ng itakwil siya ng pamilya niya ng pakasalan niya si mma at piniling manirahan dito ay wla na siyang naging komunikasyon sa mga ito. So basically, I’m all alone”,mahabang paliwanag nito.

“You are not alone Ja, you know that. Ikaw lang naman ang gumagawa ng paraan para maging mag-isa ka. We’ve always been here for you pero ayaw mo. Mas pinipili mong magkulong dito sa loob ng kwarto mo at kalimutan ang buhay sa loob ng apat na sulok ng bahay niyo”, sagot ni Bettina na may halong pagdaramdam.

“Alam mo naman na hindi ko kayang harapain ang mga tingin ng mga taong awing-awa sa akin, at hindi ko kayang puntahan ang mga lugar kung saan maalala ko lang sila”, nagbabanta na naman ang mga luha sa mga mata nito.

“That’s why I am asking you if you want to go to Manila and start a new life there Ja, maybe the noise and busyness of the city can help you forget all the bad things that happened to them. And when you feel that you are already ready to face us and all those memories here again, you can come back here and we’ll be waiting for you with open arms”, napatitig ito kay Bettina habang pinapahid ang mga luhang namalisbis sa mga mata nito.

“Do everything and anything there, o kahit saan mo gusto kung ayaw mo sa Maynila. Just go out there and get a life”, mariing pahayag nito.

**********************

Nakaalis na si Bettina at  nanatili si Orja na nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Kumain sila ng hapunan bago ito umalis at pagkatapos nun ay naghanda na siya sa pagtulog. Matagal na niyang nagign routine ang ganoon, living without a life.

Napabuntung-hininga siya at matamang nag-isip kung tama  gagawin nga ba niya ang suhestiyon ng kaibigan. Bettina has always been there for her for the past months na nagpaka-ermitanyo siya. Araw-araw itong puimupunta sa bahay nila para kumustahin siya, pagkagaling nito sa eskwelahan na  tinuturuan nila. Kung minsan ay may dala itong pagkain, minsan naman ay doon ito nagluluto ng pagkain nila. Linggo-linggo din ito kung mag-grocery para sa kaniya, kaya parating may stock ang ref niya kahit na hindisiya lumalabas. Ang pera naman na gamit niya  ay galling pa sa trustfund niya at sa retirement benefits ng kaniyang mga magulang.

Napabuntung-hininga siyang muli bago ipinikit ang mga mata. Nakapagdesisyon na siya at alam niyang tama ang gagawin niya.

*************

AUTHOR'S NOTE:

Slave to LoveDär berättelser lever. Upptäck nu