CHAPTER 17

225 2 1
                                    

"Princess, matagal ka pa ba diyan? C'on we're going late."- likramo ko. Kanina pa siya diyan sa harap ng salamin, kung ano-ano ang nilalagay sa kanyang mukha.

"Sandali na lang kuya."- tugon niya.

" Dapat kasi hindi ka muna naglalagay ng ganyan ehh, ang bata mo pa."- saad ko.

"Kuya, this is a party dapat lang magpaganda ako."

"Oh sige na bilisan mo."- nakasimangot kong sabi.

"Sinabi ko namang kay Ate ganda nalang ako mag pa make up eh."

"Wala nga siya 'don."

"Bakit alam mo?"

"Wala kana 'don."

"Kuya!"

"Ehhh, tinext ko."- nakasimangot kong sagot.

"Ayieeee, palagi pala kayong nagtetext ahh yiee."- nakangisi niyang sabi kaya napapailing ako.

" Bilisan mo dyan, maghihintay ako sa labas."- utos ko tsaka lumabas ng kwarto.

Itinext ko siya kanina for Ely. Nagtanong ako pero ang sabi niya hindi siya papasok for sure nasa party siya unless pumayag ang mama ni Henry.

Nang matapos si Ely ay agad kaming umalis. Pagdating namin sa bahay nila Henry ay marami rami na ang tao. Most of them are business partners.

"Hey bro."- napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Gab.

" Ohh, tangina mo diko pa limot ginawa mo."- bungad ko sa kanya at akmang babatukan kaya agad naman siyang lumayo at tinawanan ako.

"Ohh asan ang princess natin?"

"Ayun nasa garden. Si Rence wala pa?"

"On the way na raw."- sagot niya kaya tumango ako, tatanungin ko sana kung tinawagan niya ba si Angela ngunit hindi ko nalang ginawa.

Makalipas ang ilang sandali ay bumaba sila si Henry at ang asawa niya kasama ang parents ni Chesca. Chesca's parents is like Henry's parents too. They treat him like their own. Mas naging magulang pa nga sila kay Henry over his real parents.

Hinatid nila ito sa labas, siguro ay pumunta lamang ito dito para batiin si Henry ng personal. Nang makabalik sila ay agad nilang nilapitan ang ibang mga bisita. Unti-unti naring dumating ang iba pang mga bisita.

"Hey bro, happy birthday."- bati namin ng lapitan niya kami. Tinapik niya kami sa balikat at napalinga.

"Salamat, Where's Rence?"

"I'm here."-narinig naming sabi kaya napalingon kami.

" Ohh, anong nangyari sayo?"- natatawa kong tanong. Ngumisi siya at napapailing.

"Minalas ehh."- nakangisi parin niyang sabi. " Happy birthday bro."- dagdag niya at tinanguan si Henry.

"Salamat bro. Enjoy the party, I'll be back later ok? Pupuntahan ko muna ang asawa ko sa taas."- paalam niya kaya tumango kami.

"Sino kayang susunod sa kanya na matatali? I wonder."- nakangising saad ni Gab.

"Ewan ko, baka ikaw."- sagot ko.

"Di ako magpapatali kung hindi si Angela ang tatali sa akin."- sagot niya kaya nawala ang ngisi ko at napalunok.

"Nice."- Rence commented while smirking.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now