CHAPTER 5

397 8 0
                                    

"Ok everyone! Ngayon sa bestfriend naman tayo ano! Come up here Ms. Angela Gracia."-anunsyo nito matapos magsalita ni Grand Alster kaya umakyat si Angela. So siya ang tinutukoy ni Henry? Ang galing, bakit parang nagkataon pa yata dahil magkakilala rin sila ng aking kapatid.

"Aba'y napakaganda rin ng bestfriend ng celebrant ano? God! Tila yata ay natatabunan ang ganda ko!"

"May ganda ka pala yot?" -biglang sigaw ng isang lalaki na nasa gilid namin kaya napasipol ako habang natatawa.

"Aba sino 'yon at ng mabilhan ko nga ng salamin at baka makita mo ang ganda kong mala dyosa!"- napuno ng tawanan ang buong bahay at nangunguna na ako 'don.

"Ms. Angela, bakit maganda ka?" - seryosong tanong ng bakla na ikinatawa niya. Napaka gandang pakinggan ng kanyang tawa kahit na walang poised kung ito ay tingnan. Napaka natural at ni hindi nag-aalala sa iisipin ng iba.

"Kasi pangit ka?" -inosenteng sagot niya matapos niyang tumigil sa pagtawa kaya napangisi ako. Napaka straight forward naman nito.

"Booh!!!" - napasigaw pa ako kasabay nang pag-iingay ng iba habang ang dalawa kong kasama ay natatawa.

"Ang cool ahh."- natatawa paring komento ni Gab kaya nawala ang ngisi ko.

"Like mo 'yan? Nako, mapupuno ka ng lait at bugbog sarado ka niyan. Ha.Ha. Ha."- natatawa kong sabi.

"Paano mo nasabi?"- pakikisali ni Rence. Tsk. Syempre, nahampas at nabato na ako niyan.

"Sadista yan, sinasabi ko sa inyo. Tsk."- tugon ko.

"Che! Bakit? Gwapo kayo?!"- sigaw ng bakla. "Bakit ang sama mo sakin?" - malungkot na ani nito kay Angela. Ngumiti siya bago nagsalita.

"Hindi, joke lang 'yon ano. Walang pangit sa mundo, lahat tayo ay magaganda at gwapo. We are unique and we have something that we can be proud of."- sabi niya.

"Siguro nga ay may mas lamang sa itsura at sa ano pa man pero hindi ibig sabihin non pangit na yong nalamangan diba? It's just that we have a different traits. We have a different strengths and weaknesses."- nakangiti niyang sabi at tila tumigil bigla ang mga tao. Tibok ng puso ko ay siyang aking naririnig.

"Kuha lang ako drinks mga pre."- paalam ko. Ayaw ko ng ganito.

"Tsk . Ikaw na ghurl!"

"O sige na, anong birthday message mo para sa iyong bestfriend?"- mayamaya ay tanong ng bakla.

"Pahingi drinks."- utos ko sa bartender.

"Anong drinks sir?"

"Kahit ano basta hard."- sagot ko at muli siyang tiningnan.

"Beh? Happy birthday!"- sigaw niya kaya napapailing ako habang natatawa pero nawala ang tawa ko ng malingunan ko si Henry na tatawa tawang nakatingin sakin. Napalunok ako at tumalikod saktong pagharap ko may drinks na kaya agad ko itong ininom.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now