Kung Pwede Lang

65 3 0
                                    


Annyeonghaseyo chinggu-yah!! Naneun karen Imnida, haksaeng Imnida. Isseo messinjeo 14 buteo Laguna.

Hey! Hope ma gustuhan niyo itong first Short Story na gagawin ko.

Actually matagal ko na talagang gustong nag create ng short story now ko lang talaga siya nagawa. Masyado kasing Busy sa Life i mean sa School. Hehehe.

Vote lang kayo kung gusto niyo yung story ko. Then comment if may gusto kayong sabihin. Libreng mag comment pero wag naman sana mga negative comments. Hehe. Thankyou.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang hirap ma inlove sa isang taong mas angat sayo.

Sa isang taong walang paki sayo.

Sa taong walang alam sayo or should i say sa taong hindi ka kilala.

Kung pwede nga lang sana eh.

Kung pwede ko lang sana siyang lapitan.

Kung pwede ko lang sana siyang kausapin araw araw.

Kung pwede ko lang sana siyang titigan ng isang buong araw.

Kung pwede lang sanang........

Sanang...............

Mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sakanya ngayon.

Kaso MALABO

HINDI PWEDE

Masakit diba ?

Ang isipin na hindi ka kayang mahalin ng CRUSH mo na ngayo'y MAHAL mo.

"hoy! Rejine!!"

"Ay palakang halimaw!!, ano ba!! Wag naman kayong mang gulat, kung may sakit lang siguro ako sa puso kanina pa ako inatake!!"

Pagalit ko sagot.

"Eh ikaw naman kasi! Ang lalim lalim lagi ng iniisip mo! Ayy! Siguro si Dexter na naman yang iniisip mo noh!!" Pang-aasar niya pa.

"Hindi noh!" Sagot ko naman.

"Aayyeeee!! E tatanggi pa!! Eh lagi naman si Dexter ang laman ng isip mo eh, haha! Tama ako noh!"

Siya ang kaibigan ko. Si Ailee Mendoza, Pinsan niya naman si Dexter Kent Villamonte. Ang Crush ko, ay mali! Mahal pala.

Ako naman si Rejine Mae Chavez. Highschool pa lang ako Crush ko na si Dexter, Hindi dahil sa Mayaman o Gwapo siya. Mabait at gentleman kasi siya at Matalino pa kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming nahuhumaling sakanya kahit nga ako.

Kaso........

Hindi niya ako kilala, siguro nakikita niya lang ako pero hindi niya talaga ako kilala.

Simula nong makabunggo ko siya sa corridor nong highschool pa lang kami naging crush ko na siya. Hindi niya na nga siguro naalala yun pero para sakin yun yung pinaka masayang araw ng buhay ko.

Kahit hindi niya ako kilala, makita ko lang siya araw-araw ok na sakin.

Hindi ko nga alam kong bakit wala pa siyang girlfriend eh sa marami namang nagkakandarapa sakanya. Pero very thankful ako nong malaman kong wala siyang girlfriend pero hindi na ako umaasa na mapansin niya ako.

Maraming times na nakaka salubong ko siya, may time nga na nginitian niya ako pero mali pala ako kasi nong time na yun nasa likod ko pala yung isa sa mga tropa niya kaya medyo nahiya ako. Pero sobrang saya ko talaga nong time na yun.

Nandito nga pala kami sa Cafeteria ngayon.

Nakaupo lang ako habang si Ailee ang nag oorder ng kakainin namin.

Kitang kita ko siyang nakangiti habang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya. Sana nga ako nalang yung laging nginingitian niya.

"Oh best! Nakatingin ka na naman sakanya!"

Nandito na pala si Ailee. Nginitian ko lang siya.

"Alam mo best! Habang tumatagal lalo ka lang masasaktan! Eh kung pinagtapat mo na yan sakanya dati pa! Ano hihintayin mo lang na magkaroon siya ng girlfriend saka ka aamin sakanya"

Nakatingin parin ako kay Dexter.

"Ayokong magalit siya sakin"

Sagot ko.

"Hindi siya magagalit kong sasabihin mo yung totoo, saka rejine ilang taon na! Umaasa ka pa rin ba hanggang ngayon??"

Napayuko ako sa sinabi niya.

Kumaen nalang ako hanggang sa natapos narin kaming kumaen.

Paalis na kami ni Ailee, tumingin ulit ako sakanya.

Hay naku! Kung pwede lang!

Malapit na pala Valentines!

Mga ilang oras eh nag uwian narin kami. Paguwi ko ng bahay nagbukas agad ako ng Facebook.

Tiningnan ko yung timeline niya.

Grabeh!! Ang gaganda ng mga pic niya. Biruin mo umaabot ng 1,000+ yung mga likes may mga stolen shot pang nakapost. Ang gwapo niya talaga.

Pagkatapos kong tingnan yung timeline niya in-update ko naman yung status ko.

'Haaayy!! Crush ko ay este mahal ko na pala, kailan mo ba ako mapapansin :('

May mga naglike at nag comment agad sa pinost ko.

Comments

RedTerKo XD: Sino ba yang mahal mo ?

Rejine Chavez: Bakit mo tinatanong?

RedterKo XD: curious lang ako! Masama bang tanungin?

Rejine Chavez: Hindi naman.

RedterKo XD: alam mo kasi parehas tayong nagmamahal ng taong hindi naman tayo mahal!

Rejine Chavez: ganun ba?

AileeDeeMendoza: oy! Emote ka nanaman best! Dahil kay dexter na naman yan noh! Tama na best lalo ka lang masasaktan.

Rejine Chavez: hindi yun ganun kadali best :(

RedterKo XD: ah so Dexter pala name ng Mahal mo. Siya ba yong Dexter Kent Villamonte?

AileeDeeMendoza: oo siya nga, bakit may problema ba??

Natatawa nalang ako sa pinost ko, kasi mas marami pa yong comment kesa sa like.

Lumipas ang mga araw at may mga bali-balita ako na may babae na dawng napupusuan si Dexter.

Oo inaamin ko! Nalulungkot ako. Ay mali Nasasaktan pala ang tamang term dun.

Akala ko kasi may pag-asa pa, kaso wala pala talaga.

Ayaw ba talaga ni god na mahalin ko siya ??

Buo na yung pasya ko! Pag sakanya ko mismo narinig na may gusto na siyang babae......

Masakit man pero kailangan kong gawin..........

Titigilan ko na siya.......

Tatanggapin ko nalang yung katotohanan na hindi talaga kami para sa isat isa.

Bukas na yung valentines at sabi nila sasayaw daw sila Dexter. Manunuod kaya ako?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment

-XOXO

Kung Pwede Lang (short story)Where stories live. Discover now