Sparks Fly

87.6K 3.2K 1.1K
                                    

Alas-dose na ng gabi, pauwi pa lang ako. Sumakay ang ng jeepney. Hays, dami kong bitbit, kainis.

Galing akong mall at namili ng pang regalo. Pasko na sa isang araw eh. At dahil busy ako sa pagtulong sa business ng Papa ko, ngayon lang ako nakapamili.

'Di naman kasikipan dito sa jeep since gabi na nga. Katabi ko sa kaliwa mejo may katabaang babae at mukhang knock out na! Tulog eh. Sa kanan naman, bata ang katabi ko. 'Di pa rin umaandar si manong. Naku naman! Gabing gabi na eh, umaasa pa si manong na mapuno! As if naman.

Napatigil ako sa pag-iisip at napatulala na lang nang may sumakay. Ang super crush kong si Mac. OMG! Na-miss ko siya nang sobra! Kahit ilang araw pa lang ang nakalipas simula nang mag sem break.

Umupo siya sa harapan ko.

'Di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Bakit parang lalo siyang gumwapo?

Ang lalaking tinititigan ko ngayon ay si Mark Andrei Albaro, 4th year naman siya BS Accountancy student. Gwapo, mabait, MVP siya ng basketball team ng University, at Dean's lister pa siya. Oh 'di ba? Siya na!

Ako naman, nasa 3rd year BSBA, 'di kagandahan, maputi lang. 'Di rin katangkaran at medyo mahina pa ang utak, paano niya naman ako mapapansin 'no?

Halos araw-araw ko siyang nakakasabay sa jeep 'pag pauwi na. Pero kahit isang tingin 'di niya man lang ako mapag-ukulan. Saklap 'no?

"Para po!" narinig kong sabi ng nanay ng katabi kong bata.

Umaandar na pala 'di ko man lang napansin! Puro kay Mac lang kasi ang atensyon ko eh.

Pagkababa ng mag-ina, may sumakay na lasing at tumabi sa kanan ko. Pag minamalas ka nga naman oh! Medyo maluwag naman kaya 'di siya nakadikit sa 'kin.

Hay naku, kaysa naman pag-aksayahan ko ng panahon si Mamang Lasing tititigan ko na lang ang crush kong si Mac. At saka magbabayad na nga pala ako.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang may sumandal bigla sa balikat ko. Si Mamang Lasing, tulog na tulog. Bakit ba naman kasi iinom-inom 'di naman pala kaya? Nainis ako kaya initsa ko 'yong ulo niya gamit ang balikat ko. Agad naman siyang naalimpungatan at dumiretso ulit ng upo.

Tingin ulit ako kay crush. Nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa 'kin.

Huli ka balbon! Nahalata niya kayang kanina ko pa siya tinititigan? Sa labas kasi siya nakatingin mula noong sumakay siya kaya malaya ko siyang natititigan kanina. Paano na 'yan di na ako makatingin sa kanya? Nakaharap na kasi siya eh.

Nagulat ako nang bigla namang may sumandal sa kaliwang balikat ko. Si ateng chubby. Mabigat ka 'te baka 'di mo alam! Initsa ko rin ang ulo niya tulad ng ginawa ko kay Mamang Lasing kanina. Naalimpungatan naman siya kaya dumiretso ulit ng upo. Kaso si Mamang Lasing naman ulit sa kanan. Kaya initsa ko ulit siya ng pagkalakas-lakas kaya halos tumilapon siya. Para akong naglalaro, ilag sa kaliwa, ilag sa kanan. Itsa sa kaliwa itsa sa kanan.

Ano po bang kasalanan ko at ganito? 'Di naman ako makalipat dahil sobrang dami kong dala at umaandar ang jeep baka matumba pa ako.

Ngumuso ako at biglang napatingin sa harap ko. Kitang-kita ko kung paano magpigil ng ngiti si Mac. Nakakahiya!

Pero at least napansin niya na ako 'di ba? 'Di nga lang maganda ang sitwasyon ko. Ugh! Malas, malas, malas!

Nang maramdaman kong sumandal ulit si Mamang Lasing sa balikat ko, initsa ko siya sabay ng patigil ng jeep. May pumara pala.

Nakita kong tumayo si Mac sa kinauupuan niya.

No! Bababa na siya? Pero wala pa kami sa lugar nila ah? Sinong pupuntahan niya? Girlfriend niya? Nililigawan? Hindi pwede! Okay, OA na.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon