Chapter 23

24.1K 348 5
                                    

Cassandra's POV

Isang linggo na ang lumipas simula nung pagsukat ng mga Gowns and Tux para sa Kasal nina Kuya at Besie. Andito na nga kami sa may hotel sa malapit sa Venue ngayon at inaayusan pa. Saturday ngayon at mamayang 3pm ang start ng Wedding nila. Ang ganda ng preparations at ang ayos lahat. Talagang hands on si besie sa lahat at kahit onting time lang ang meron sila. Ang galing... Sana ako din nakaranas ng ganto. Yung ako mismo ang hands on sa kasal ko and all that stuff... Pero anyways atleast kasal na ako kay Kenneth...

*deep sigh* -ako yan.. Ng may biglang nag-back hug sakin. Btw andito pala ako sa may Veranda ng room namin at nakatingin sa napakagandang View...

"Ang lalim naman nun wife.. Ganoon ba ako ka-deep? Ano ba iniisip mo?!" Nakuha pang nag-biro ni Loko... Tsk..

"Wala naman po Hubby ko.. Masaya lang ako para kay Kuya at Kay Besie..." Sumandalm ako sa dibdib niya habang naka-backhug siya sakin.

"Nasan nga pala ang kambal?" Tanong ko sakanya. Siya kasi muna ang nag bantay sa kambal habang inaayusan pa ako. Since nauna naman sila natapos.

"Andun sila sa kwarto natin. Kasama nila sina Yaya. Sabi ko kasi wag na muna sila mag pakapagod para hindi sila mag mukhang pagod mamaya." Sagot niya... "Hmmmm wife, nasabi ko na ba sayo na you really look gorgeous especially today??" Sabi ni Kenneth...

"Hmmmmm....bolero! Hahaha... Ikaw din you look pog----"

"Ehhh kaya naman pala hindi natin mahagilap 'tong bruha na to.... Ehh nakatago naman pala sa asawa..." Putol ni Trice sa sasabihin ko dapat kay Kenneth. At yun din ang nagpahiwalay saming dalawa.

"Haaay nako Trice, inggit ka lang!!! Tawagin mo nalang si Royce dun!!!" Asar ni Kenneth na ikinatawa naming lahat na andito. Ang ibang boys kase ay nandun kasama ng Groom. Ewan ko dito kung pano naka lusot para makapunta dito...

"Tseee!! Dapat nga andun ka din ehhhh.. Lumabas ka na nga!! Hmp!!" Sabi ni Trice...

"Sorry na! Chineck ko lang naman kung okay lang yung asawa ko ehh... Sge na Wife, labas na ako dito. Naiinggit na ang kaibigan niyo ehh..." Baling ni Kenneth sakin... At ayun lumabas na nga siya at nagtawanan lang kami...

"Mag pagkasapilyo talaga yan asawa mo ehh no?! Pero pag sa office napaka Strict!!" Si Trice. Tama siya, strict si Kenneth sa office. Minsan pag nag-init na ang ulo niyan, ako ang pinapakisuyuan para pakalmahin ehhh... Ayaw niya kasing may palpak or aberya sa kumpanya...

"Ok na girls!! Ang gaganda na nateeeeeenn!! Lalo ka na buntis!!! Eto naaaa ikakasal ka naaaaa!!!" Si May.

Natapos na kasi kaming ayusan lahat., at ayon sa weding coordinator, mag iistart na nag kasal nila. So ayun, sumakay na sa mahiwagan Kalesa si besie at kami naman ay naunang nagpunta na sa Venue. Kasama ni besie ang parents niya...

Mga 20 minutes ang lumipas at ready na kami... Nag lalakad na isa-isa ang mga ninongs and ninangs niya. Pati ang kambal. At ang buong entourage....naglalakad na si Besie sa isle at nasa magkabila niyang braso sina tito at tita... Nagstart na nga ang ceremony at medyo rom-com ang peg nilang dalawa. Natapos na ang wedding vows nila at medyo nag pa-luha iyon sa mga bisita nila. Nag suotan na din sila ng wedding rings nila and such.....

"I know pronounce you, hisband and wife, Xander, you may now kiss your wife, Janine..." Sabi ng pari at nag kss sila..

"Oioioi, pare, buntis na yan asawa mo!!" / "mamaya na honeymoon niyo! Gutom na kami!!!" / "Lupet mo pare woooh!!!" Sabay-sabay na kantiyaw nina kuya Kade, kuya Royce at ni Hubby.,.

Nandito na kami sa Reception ngayon at nag iistart na din ng programme. Nag slice na sila ng cake, nag first dance and etc. this time, wedding boquet naman ang ihahagis ni Besie. Since kasal na ako, di n ako kasali...

My Twins' Father is My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon