Chapter 6

3.8K 67 24
                                    


                   Umaga ng magising ang dalawa. Naunang gumising si Ashley dahil sa nakagawian na nyang gumising ng maaga. Sumunod na gumising si Mark dahil sa tunog ng alarm clock nya. Bumangon si Mark at hinawi ang kurtina nya. Lumabas siya sa Veranda at tumanaw sa Malawak na Dagat. Nakita ni Mark na lumabas din si Ashley sa kanyang veranda nakasuot ito ng pajamas. Nakatitigan silang dalawa. hindi sila nakapagsalita na dalawa.. Paano ba namn kasi eh walang damit si Mark bago siya lumabas.

Ashley’s POV

“Go..goodmorning Mark.” sabi ko habang di ako makatingin sa kanya ng deritso. “Goodmorning Ash..sorry magbibihis na ako at baba na para makapag breakfast na tayo.” sabi nya at tsaka ito pumasok sa loob. Ako namn ay pumasok na rin sa loob para maligo at magbihis.

Paglabas ko sa kwarto nakita kung lumabas na rin si Mark sa kwarto nito. nakasuot ito ng white sando, pinatunganan ng blue polo. ako namn nakasuot ng black cardigan ipinatong ko sa suot kung white t-shirt. sa ibaba ay skinny jeans at Rubber shoes.

"Halika na mag breakfast na tayo" aya sa akin ni Mark habang naghihintay kami ng Elevator. Nasa loob na kami ng elavator ng nagsalita ito. "kamusta ang tulog mo? nakatulog ka ba ng mabuti?" tanong nito sa akin.

 "ok namn, sana'y na ako sa ganito mark, lagi akong nakikita or natutulog sa mga hotel." tumango namn ito. Papasok na kami sa Restaurant kung saan kami kumain kagabi, nag order ako ng 2 Pancakes at Coffee. Si Mark namn ay nag order ng Kanin at sausage with egg.

"ikaw ok ba ang tulog mo? Mukha kasing hindi ka rin sana'y sa ganitong mga trip ahh" tanong ko. Pero ngumiti lang siya sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa kwarto para maghanda sa pupuntahan namin. Pero bago kami umalis tinawagan ako ni Juliet.


"hello juliet, anong problema?" tanong ko. "walang problema pero ikaw mukhang may problema ka Ano ok na ba mga ayta?" tanong nito.


"hindi pa kami nakakarating doon." sabi ko. "kami? sinong kasama mo." tanong nito. tapos biglang pumasok sa kwarto nya si Mark. "ito na ba mga gamit mo ilalabas ko na" sabi nito.

"Si mark ang kasama mo!" nagsisigaw na siya sa kabilang linya. "hoy juliet, siya ang nag prisenta na sumama sa akin hindi ko siya pinilit ok." depensa ko. "okay...anong nangyari? nag stay kayo sa hotel, kayong dalawa?"

"Oo eh gumagabi na rin nong lumuwas kami noh,tsaka ayaw kung mapahamak si Mark dahil hindi ata ito sana'y sa ganitong trip. oh siya sige na Juliet mag usap nalang tayo pagbalik ko sa maynila, aalis na rin kami." sabi ko. "okay sige maingat kayong dalawa. mag ingat siya sayo." nagbiro pa "loka ka talga sige na bye na." tsaka ko lang binaba ang phone ng may marahang pag katok akong natanggap. binuksan ko si Mark pala ito. "ash dumating na ata yung mga kasama mo sa trip na ito, nasa baba na sila." sabi nya at dali dali kung kinuha ang mga gamit ko at bumaba na ako, nakita ko ang isa kung kakilala sa world vision na sa cheska.


"Hi Ash..." nagbatian kami ni Cheska.. "hi i didn't know na kasama ka dito?" sabi kung ganon. "May hindi nakasama sa amin kaya ako nalng ang nag presinta. May mga ilang Volunteer na nauna ng pumunta doon. Nagpaiwan ako dahil kala ko" tumingin siya sa likuran ko at nakita nya si Mark. "mag-isa ka yung pala may kasama kang gwapo.." ngumiti ako sa kanya..

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon