Chapter 5

3.2K 62 13
                                    

Ashley’s POV

Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng kwarto ko ay nakarinig na ako ng Tunog ng Skype ko. tumatawag na pala ang dalawa kung kaibigan na magkasama ngayun. sinagot ko ito.

“Oh Ano!! hindi na ba natin ito maipagpapabukas man lang.” sabi ko sa kanila habang nakawebcam sila. “Eh excited lang kami dahil Finally ang Bestfriend Legal na..” tumingin ako sa kanila. “Eh legal namn talga ako ahh 25 na ako Hello...”

“oo nga 25 ka na ehh Mukhang First timer ka pa rin sa pakikipag date.” sabi ni bettina.

“hoy hindi ahh. Naranasan ko na rin yan. Sino ba ang may pakana ng unang Date ko. Kung hindi ba namn kayo mga baliw. ireto nyo ako sa mas matanda sa akin.” tumawa ang dalawa. “Friend ganon talga.. Mas maganda daw kasing mag Mahal ang mas matanda sayo.”

hindi na ako nakikinig sa dalawang kaibigan ko, pumasok ako sa loob ng banyo para magbihis. Paglabas ko ay nagsasalita pa rin silang dalawa. “Ash sige ikwento mo na ang date ninyo ni Mr. Trinidad.”

“Wala namang ibang nangyari ehh, Nag-usap lang kami, yun lang.”

“yun lang yun..Date na ang tawag nyo non...baka namn interview yan sa pag pasok mo sa Companya nila. or baka namn ilalagay nya yan sa slam book.” ito talgang mga kaibgan ko pala biro...

“tumigil nga kayo jan. Ok namn yun tao, Masaya siya kausap, May dating siya...magaling siya sa lahat.” tumawa yung dalawa.. “Don’t tell me naiinlove ka na kay Mr. Tangkad?” sambit ni bettina. “hindi noh...”

Iniwasan ko na ang mga iba pa nilang tanong dahil iba na kasi ang punta ng usapan.

“Sige na girls matutulog na ako maaga pa ako bukas sa shop..”

“wait ash yung sinsabi ko sayo.” sabi ni juliet. “Pagusapan nalgn natin yan bukas. Inaantok na ako.” sabi ko at nagpaalam na rin sila sa akin.

Nakahiga na ako at lahat lahat pero hindi ako makatulog. iniisip ko kasi yung date namin kanina ni Mark. hindi ko kasi lubos maisip na pumayag ako sa date na ito, Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin. May parte ng isip ko na dapat kilalanin ko ang MArk John Trinidad na ito. I want to get to know more about him.

hanggang nakaidlip na rin ako.

Mark’s POV

Bago ako umuwi sa condo ko ay dumaan muna ako sa Bar ni Tim, hindi ako nagtagal doon dahil pinag fifiestahan ako ng mga barkada ko, tanong ng tanong kung ano daw nangyari sa date namin ni Ash. sinabi ko na naging maganda ang start ng aming pagkikilala.

1 week later

Maaga akong nagising dahil May Breakfast meeting akong dapat puntahan. Maraming dapat gawin sa opesina kaya naging busy ako ng araw na yun.

“Sir Mark nasa conference room na po lahat ng Board Members ninyo.”

“Salamat Caroline.” sabi ko. “No problem Sir.”

Pumasok na ako sa Conference Room at nakita kung nandoon na silang lahat.

“Im so sorry for this urgent meeting.” Pagpapaumanhin ko sa kanila.

“What’s going on Mark. may problema?” tanong ng isa sa mga members.

“Wala namn, but i need to discuss something. About this new project, sa Zambales. kailangan na nating makuha ito sa lalong madaling panahon, kung hindi tayo kikilos makukuha ito ng isang buyers. Malaki ang nilalaan nyang pera sa gagawing biddings sa makalawa.”

“Narinig ko rin yan sa isa nating client. Malaking Kawalan sa atin ang Project na ito Mark, We need to do something.”

“that’s why i called you everyone here. I need your opinion..”

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon