Kabanata 3

7 3 0
                                    

Nagising ako alas tres ng madaling araw dahil sa kakaiba na namang panaginip. Wala akong ideya kung ano ba tong nangyayari sakin. Nababaliw na ba ako or ano.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumasakit ang ulo ko.

Napatigil ako ng mapatingin ako sa reflection ko sa salamin.

Para akong dinadala sa kung saan.

Nakita ko ang sarili kong nagbago ng anyo.

Meron na akong maikling buhok hanggang balikat at nakapaloob yon. Meron akong matapang na mukha. Hindi ko na kilala ang babaeng nakikita ko sa salamin.

Ako pa ba ito o minumulto na ko ng kung sino.

Lalo akong nangilabot ng ngitian ako nito.

“S-sino ka?” hindi ko magawang makagalaw.

Nanatili syang nakangiti. “Ikaw sino ka?” rinig kong tanong nya.

Lalo akong naguluhan.

“Ikaw ang tutupad sa misyon kong hindi natupad. Mamaya sa 'yong pagpasok alamin mo ang lahat ng nangyari sa kaso ni Rosan, tatlumput walong taon na ang nakalilipas ng sagayon ay makilala mo ang sarili mo.” kahit gulong gulo ay pilit kong pinoproseso sa utak ko kung sino o ano ba yung sinabi nya.

Napatingin ulit ako sa repleksyon ko sa salamin ngunit nakikita ko na ang aking sarili sa mga oraa na to.

Kinurot kurot ko ang braso ko para malaman kung nananaginip lang ba ako pero nasaktan ako ibigsabihin ay totoong nangyayari to. Kung ganon kailangan ko talagang may gawin.
















Kinaumagahan pagtapos kong pakainin si Amang ay nagtanong ako.

“Bakit mukhang naging interesado ka?” tanong nya sakin habang inaayos ko ang gamit ko.

“Wala lang po.”

“Wala na akong balita sa lalaking 'yon, kung buhay o patay na ba.” sagot ni amang.

Sa mga kasi nabanggit nya nobyo lang ni Rosan ang diko alam kung buhay pa ba or patay na.

“Tingin nyo po ba?”

“Malamang ay buhay pa ang isang 'yon. Dahil matagal mamatay ang masamang damo.” napa ismid pa sya.

Nagpaalam nako sa kanya at pagkarating ng Campus ay agad kong hinanap si Thea na nakita ko naman kaagad.

“Elise! tinanong ko si Dad about don sa dyaryo ni lolo ang sabi nya hindi parin daw case closed yon.” hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nagulat.

Malamang kaluluwa ng kung sinong di matahimik ang laging nasa panaginip ko at 'yong nagpakita sakin kaninang madaling araw. Hindi nakakatakot ang itsura nya kung tutuusin ay maganda sya at mukhang mayaman pero mukhang makaluma ang pananamit at pananalita nya gaya ng akin minsan.

Mahilig ako sa musika, lumang bagay o kung ano pa.

“Nagsearch din ako about kay Rosan, and taga Laguna pala sila.” napatingin ako sa kanya.

“Interesado ka na din?” takang tanong ko.

Tumango sya. “Naintriga ako about doon at nalaman kong about friendship pa tapos may third party na nakalagay kaya ang interesting nya.”

Tumango ako. Atleast may kasama na ako.

“Nalaman ko din na kaibigan ng lolo ko ang parents nila Rosan noon kaya meron sya non dahil tumulong sya sa imbestigasyon pero hanggang ngayon di malaman laman ang pumatay dahil nawawala ang nag iisa nitong saksi si Tania.”

Unfinished MissionWhere stories live. Discover now