Kabanata 2

10 3 0
                                    

"Ayos ka na ba?" tanong sakin ng kaibigan kong si Althea. Kaibigan ko na sya since Elementary at hanggang ngayon ay kaibigan ko parin at sya lang ang naging kaibigan mula noon.

Weird kasi ako aaminin ko. May mga bagay akong nasasabi, nagagawa na hindi angkop sa edad ko. Ewan ko ba. Ganto siguro pag puro matatanda ang kaharap mo.

"Okay naman na ako. Nahilo lang." tinitigan nya ako saka dahan dahang tumango.

Nakita ko 'yong dyaryo nyang nakalagay sa bag ng mapansin ang header non.

Itinagilid ko pa ng bahagya ang ulo ko para mabasa ng maayos.

'Death of Maria Rosan Del Valle'

Nakuha noon ang buong atensyon ko kaya agad ko 'yong hiniram kay Thea.

"Bakit? anong gagawin mo?" di ko sya pinansin at binasa nalang ang nakalagay sa dyaryo.

Nabasa ko doon ang pagkamatay ng dalagang anak ng isang mayamang Engineer. Naghahanap ng hustisya ang pamilya sa pagkamatay non. Dahil hindi sila naniniwalang nagpakamatay ang kanilang anak.

Nakalagay doon na nagpakamatay si Rosan matapos malaman na nakabuntis ang nobyo nitong anak ng sikat na mga doctor pero hindi pinangalanan.

Natagpuang patay si Rosan sa bathtub ng isang hotel na pagmamay ari ng mga Villacorta. Isa sa mga kakampi ng mga Del Valle sa negosyong pinapatakbo.

Nalaman na may dinadala sa sinapupunan ang kawawang dalaga na kasama nyang mawalan ng buhay. Kasama doon ang pagkawala ng isa sa mga anak ng sikat na musikerong si Leandro Villacorta at sikat na singer na si Anastasia Villacorta.

Hindi nila mahagilap ang anak na babae. Nakakalungkot dahil matapos mamatay ng anak ng Doctor na si Dr. Emilio ang anak nyang si Emily De Guzman isa sa mga kaibigan ni Rosan ay sumunod ang kaibigan.

Si Emily ay nabalitaang nagbigti sa sariling silid dahil sa umano'y depression na kinakaharap dahil sa litratong kumalat kasama di umano ang sariling nobyo ng kaibigan.










Napatitig ako sa kawalan.

"Ano ba ang mayroon dyan? at parang interesado ka?" kinuha nya sakin ang dyaryo at binasa 'yon. "Nakaka intriga nga."

"Tingin mo ba may foul play talaga?" takang tanong ko. Bakit naman magpapakamatay si Rosan kung alam nyang may dinadala sya? or di nya alam? nasaan na yung kaibigan nya? yung nawala? posible kayang namatay din? pero parang sinumpa naman ata sila.

"Anong malay ko dyan Elise, napaka tagal na nyan. Kapanahunan pa yan ni Lolo ko." natawa pa sya. Taka akong napatingin sa kanya.

August 13, 1981

"Gago? bakit ka mayroong ganto kalumang dyaryo? saan mo to nakuha?" manghang tanong ko.

"Nakita ko to sa drawer ni lolo, eto ang naisipan kong dalhin, dahil nagpapadala ng makalumang bagay si prof." tinignan nya ang dyaryo. "Ikaw anong dinala mo?"

"Wala akong makalumang bagay." sagot ko.

Hindi ko alam pero naintriga ako sa kaso nila Rosan kahit napaka tagal na iyon. 30 years? almost 40 na nga kung tutuusin.

Nahuli o nalaman na kaya nila ang totoong nangyari?

Iisa lang ba ang Rosan na tinutukoy ni amang sa tinutukoy sa Dyaryo?

Maghapon akong lutang dahil sa nabasa kong 'yon pilit akong inuusig ng kung ano para mas lalong maghalungkat sa totoong nangyari ng mga panahong yon.

PAGKAUWI NG bahay ay agad akong nagbihis at dumiretso kay amang na nasa wheelchair habang nakatambay sa bakuran.

Si Cecil ang pinagbabantay ko sa kanya habang nasa eskwela ako dahil hindi ko naman pwedeng ipagpaliban ang klase dahil si amang mismo ang magagalit.

"Elise hija nandito ka na." masayang bungad nya sakin.

"Kumain ka na po ba pa?" ngumiti sya saka tumango.

"Pa, nasaan na po ba si Rosan ngayon?" bigla kong natanong.

Natahimik sya saglit saka tumitig sakin.

"Wala na sya sa lupa Elise, maaga syang kinuha." malungkot na sabi nya.

"Ano pong nangyari?" kung ganon iisa lang ang Rosan na tinutukoy nya at ang Rosan sa dyaryo na nakita ko.

"Nung nobya ko pa lamang ang iyong ina ay katulong sya sa angkan o sa pamilya nila Rosan, sya ang nag aalaga dito, wala pa kaming anak ng mga panahong 'yon kaya si Rosan ang tinuring nyang anak. Mabait na bata si Rosan, Elise." ngumiti si amang. "May pagkapilya pero malambing. Kahit na gaano sya kataas at makapangyarihan ang pamilya nya ay hindi sya pinalaking mapagmataas kung kaya't close sila ng 'yong ina." nawala ang ngiti sya kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng kanyang luha.

"Ano pong nangyari?"

"1980, ng mamatay ang alaga ng 'yong ina. Ang lahat ay nag aakalang nagpakamatay ito dahil puno ito ng laslas sa pulsuhan. Mahina pa ang mga polisya sa ganong kaso ng imbestigasyon kaya sinabing suicide ang nangyari, kumalat pa noon na iniwan sya ng kanyang nobyo na si Joseph dahil nakabuntis 'yon ng ibang babae."

Nagulat ako sa sinabi ni Amang hindi ko maiproseso sa utak ang lahat ng sinasabi nya.

"Kilala ko ang nobyo ni Rosan dahil minsan namin itong nakausap noon, at hindi talaga maganda ang tingin ko sa gagong 'yon." nang gigil na sya. "Mahal na mahal sya ni Rosan, dahilan ng madalas nitong pagtakas sa hacienda para lamang puntahan sya, bagay na dapat syang lalaki ang gumagawa. Natural na pasaway ngunit mapagmahal sa lahat ni Rosan, lalo na sa mga kaibigan." huminga sya ng malalim na tila sobrang hirap non.

Napatulala nalang ako.

"Nung nalaman ng mama mong buntis ang anak anakan nya at ang ama ay ang walang iba kung di ang  walanghiyang lalaking 'yon ay binalak nyang sabihin to sa ama ni Rosan na si Don Andres ngunit pinigilan sya ni Rosan dahil ayaw nyang masira ang binata sa pamilya nito. Tinago nya 'yon hanggat sa mangyari ang nakakahilakbot na pangyayaring 'yon. Nakapagtataka lang na matapos non ay nawala ang anak ni Don Leandro na si Tania. Hindi alam kung tumakas ba o ano. Kasama kasi nya si Rosan bago ito makitang wala ng buhay."

Wala akong maintindihan. Pagabi na rin pala. Siguro sa susunod ko nalang aalamin dahil sobrang sakit na ng ulo ko.

"Pumasok na tayo sa loob amang." tumango sya pero kami makapasok ay nagsalita pa sya.

"Nang makita ka namin sa labas ng bahay ay nagdiriwang kami ng anibersaryo ng pagkamatay ng anak anakan ng 'yong ina." natigagal ako sa kinatatayuan ko.

Unfinished Missionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें