Chapter 2

38 5 5
                                    

ERZA

"Ah! Erza, saglit!" Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa office ng student council nang biglang may tumawag sa'kin. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun at nakita si Bisca at Alzack.



"Hmm? May problema ba?"



"Itatanong ko lang kung bakit hindi pumasok si Gray ngayon. Kailangan kasi siyang kausapin ng team." ani ni Alzack habang napapakamot sa batok.



"Huh? Bakit? May nangyari ba nung training niyo?"



"Erza, ilang araw nang hindi dumadalo ng training si Gray. H-hindi mo ba alam?" Gulat na tanong naman ni Bisca at humawak sa magkabilang balikat ko. "Akala ko alam mo kasi kayong dalawa ang magkasama sa bahay. Hindi ba siya umuuwi kaagad pagkatapos ng klase? O kaya si Natsu at Lucy! Hindi ba nila sinabi sa'yo?"



Napailing ako bilang sagot sa mga katanungan niya.



Walang binanggit sa'kin 'yung dalawa. At saka, mas madalas nang umuuwi nang late si Gray ngayon kumpara noon.



"Nagsimula siyang 'di um-attend ng mga training nung nagkainitan sila ni Loke eh..." Ani ni Bisca at tumingin kay Alzack. "Basta ang alam ko si Loke 'yung nagsimula nung away. Hindi ko nga maintindihan. Sa kalagitnaan kasi nung training nila nun, bigla bigla nalang binabangga ni Loke si Gray. Tinatanong ni Gray nun si Loke kung may problema ba pero hindi siya sinasagot ni Loke. Napikon si Gray sakanya--- ayun, pinatulan!"



"Anong nangyari pagkatapos nun...?"



"Lumabas sila ng gym bigla. Hindi nalang kami sumunod sakanila nun kasi ayaw din talaga nilang magpaawat. Basta ang narinig nalang namin eh puro pangmumura ni Loke kay Gray. Hindi na namin alam 'yung iba." Pagkukuwento naman ni Alzack.



"Nakakapanghinayang lang talaga, Erza. Nung mga araw kasi na bago nangyari 'yun, okay naman sila eh." Nagtatakang sabi ni Bisca. "Pero ano ha--- hindi naman sa kinakampihan ko si Loke pero sa tingin ko, hindi naman 'yun magagalit kay Gray nang walang dahilan. Baka may nagawa si Gray na hindi niya nagustuhan."



"G-ganoon ba? Sige. Tatawagan ko nalang si Gray tapos sasabihin ko na um-attend siya ng training mamaya para makausap niyo nina Laxus." Sabi ko.



"May practice match din kasi kami kasama 'yung Blue Pegasus sa susunod na Sabado kaya kailangan si Gray." Saad ni Alzack at saka ngumiti nang matamis sa'kin. "Salamat, Erza ha! Pasensya na sa abala."



"Hindi. Ayos lang."



Lumapit sa'kin si Bisca at tinapik ako sa balikat. "Pupunta na kami ng canteen para mag lunch break ha? Ikaw din. Kumain ka na muna tyaka magpahinga. Huwag masyadong inii-stress ang sarili."



Tsk. Paanong hindi ako maii-stress eh lagi akong binibigyan ng mokong na 'yun ng sakit sa ulo?



Napatango nalang ako sa sinabi ni Bisca. Nang makaalis na sila ni Alzack, dumiretso na agad ako papunta sa office ng student council.



Dun ako lagi pumupunta kapag break or vacant namin. Masyado kasing maingay sa cafeteria kaya hindi ako makapag-focus sa mga ginagawa kong assignment kapag dun ako kumakain. Ginagawa ko na kasi agad lahat ng kailangan kong gawin dito sa eskuwelahan dahil wala na akong oras para gawin lahat ng iyon sa bahay. Nagtatrabaho kasi kami ni Lucy ng alas-kwatro ng hapon tapos alas-nuwebe na kami ng gabi natatapos. Sobrang hirap pero kailangang kayanin.



Nang makarating na ako sa office, umupo agad ako sa swivel chair ko at kinuha 'yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko para tawagan si Gray. Pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na siya.



Chasing Through Storms (A Grayza Fanfiction)Where stories live. Discover now