Chapter 17

4.4K 99 0
                                    

-

Nasa sasakyan na kami ni Zackelthon at pauwi na. Bigla kasi syang nawalan ng gana matapos nilang magkasagutan ni Angelina. Hindi sya nagsasalita habang ako'y nag-eenjoy sa paglalaro ng kung ano-ano. Napansin ko iyon kaya inaya ko nalang sya na umuwi.

Panira talaga si Angelina. Nagsasaya pa kaming dalawa, e, bigla nalang naninira. Masyadong kill joy ang isang iyon. Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Angelina kanina.

Alam mong hindi magtatagal ang relasyon nyong dalawa. Yes, I can't stop you but I can stop her. Sa akin parin ang bagsak mo, Zackelthon.

Parang echo ang mga salita na iyon na pabalik-balik sa aking tenga. Anong ibig sabihin non? Wala talaga akong naiintindihan. Nilingon ko si Zackelthon pero diretso lang ang tingin nya sa daan. Sobrang tahimik nya naman ata.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang din sa bintana. Maya't maya lang nasa palasyo na nila kami. Gusto kong ngumiti dahil tuwing sinasabi kong palasyo ang tinitirhan nya, tinatama nya ako. Para naman talaga kasing palasyo eh.

Ngumuso nalang ako dahil baka magalit pa si Zackelthon. Hinatid nya ako sa tapat ng kwarto namin ni Mama.

"I'm sorry, hindi ka nag enjoy." sabi nya.

"Nag-enjoy naman ako." I said, sincerely.

Totong nag-enjoy ako. Hindi naman kami nagtagal don pero nag enjoy naman akong kasama sya. He cleched his jaw and kissed my forehead.

"You should rest. Sabay ka nalang sa amin mag dinner, okay?"

Tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa loob. Naligo at nagbihis agad ako. I checked my phone if there is text from him pero wala.

Naglalakad ako sa hallway papuntang kusina pero may narinig akong nag-uusap na mga kasambahay. Hindi naman ako mahilig makinig sa usapan ng iba pero dahil narinig ko ang pangalan ni Zackelthon at Angelina nagtago agad ako.

"Parang galit nga si Sir kay Ma'am Angelina, e."

"Gusto kasi ni Chairman na d'on matulog si Ma'am Angelina sa kwarto ni Sir." Sabi nong isa.

"E, ayaw nga ni Sir, diba?"

"Malamang sa dami ba naman ng guestroom sa mansyon na ito." Biglang singit ni Eva.

Bakit? Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit parang gusto ni Chairman na magsama si Angelina at Zackelthon? Patuloy ako sa pagkikinig sa kanila, nang biglang may tumikhim sa likod ko. Gulat akong tumungin kay Mama na naka cross ang braso.

"What are you doing?" Malditang tanong ni Mama sa akin.

Napansin ko na nong nakaraang linggo ay palaging umaalis si Mama. Hindi ko alam pero parang may nagbago ata sa kilos nya o ako lang talaga ang nag-iisip ng gan'on?

"S-sorry po, Ma." Nakayukong paumanhin ko.

"Masamang makinig sa usapan ng iba, Ysha."

Tumango lang ako sa kanya, nakayuko parin. I heard her sigh and pat my head. Hinawakan nya ang pulsohan ko at ginaya papasok sa kusina.

They're preparing for our dinner. Tumulong nalang din ako dahil wala naman akong ginagawa. Pumasok na si Eva at ibang kasambahay na nag-uusap sa dulong hallway kanina. Siguro katatapos lang din nila na mag-usap.

Naalala ko din na gusto nga pala ni Zackelthon na sabay kaming kumain. Pero basi sa narinig ko kanina, wala ata akong lakas na loob sumabay sa kanya. Lalo nang nandito si Chairman at Angelina.

"Bakit parang ayaw ni Sir kay Ma'am Angelina?" Tanong ng isang kasambahay.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Sinulyapan ko ang banda ni Mama na nakatingin na din pala sa akin pero kalmado nya din itong binawi at nagpatuloy sa pagkain.

I'm Inlove With My Maid's Daughter | Gentle Girls #1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant