Gift

234K 6K 952
                                    

"Hon, tingnan mo 'to, oh! Bagay 'to sa 'yo panigurado!" sabi ng boyfriend ko, nilingon ko naman siya at nakita ang hawak niyang dress. Maganda iyon, sobra, pero mas maganda ang ngiti niya. Sa sobrang ganda ay hindi na halos makita ang mga mata sa tuwa kaya hindi ko naiwasang mahawa.

"'Dami mo na ngang gastos, eh," sabi ko habang papalapit sa kaniya, ngumuso naman agad siya. "Bitiwan mo na nga 'yan. Umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo ni mommy."

"Sige," kakamot-kamot sa ulong sabi niya na nilingon pa ulit ang dress na 'yon bago tuluyang sumabay sa 'kin.

5th Anniversary namin ngayon at nag-date kami sa mall kung saan kami madalas magpunta. Busy kasi kaming pareho sa studies kaya madalang kaming magkita. Nakakatuwang isipin na siya pa ang nakakaalala parati ng ganitong special events sa relationship namin.

Matapos naming manood ng sine at kumain ng dinner ay nagyaya siyang magtingin-tingin sa department store. Binilhan niya ako ng sandals at nagustuhan ko talaga 'yon. Kaya noong ipakita niya ang dress na 'yon ay nagyaya na ako pauwi dahil paniguradong bibilhin niya na naman 'yon para sa 'kin.

"Hindi ka ba magsi-C.R. bago umuwi?" hindi pa kami nakakalabas ng department store ay nagtanong na siya.

"Hindi naman."

"Traffic ngayon, sigurado ka?"

Sinimangutan ko siya. "Sige, hintayin mo 'ko diyan," paalam ko 'tsaka kumaliwa sa may fitting roon, nasa tabi no'n ang C.R.

Palibhasa ay Biyernes, maraming tao sa mall lalo na sa banyo. Pumila pa ako at mabuti nalang talaga at pinag-C.R. ako ng boyfriend ko dahil naramdaman ko ang ugre habang naghihintay. Nag-retouch din ako bago lumabas. Nakita ko agad ang boyfriend kong nakangiti sa 'kin habang naghihintay sa labas.

"Let's go," anyaya niya na inilahad pa sa 'kin ang kamay.

Sweet ang boyfriend ko, sobra. Sa limang taon namin ay parang parati niya pa rin akong nililigawan. Sa hitsura kong 'to, hindi ko alam kung ano ba ang nakita niya sa 'kin. Bukod kasi sa gwapong-gwapo siya sa sarili niya ay talaga namang gwapo siya at malakas ang dating. Mabait din siya at matalino. Bumagsak nga lang ang kabuhayan nila nang mamatay ang daddy niya kaya nagkahiwalay kami ng school. Kailangan niyang lumipat sa public school dahil hindi na kayang bayaran ng mommy niya ang tuition.

Isa rin iyong dahilan kung bakit naging madalang ang dates namin. Madalas ay ako nalang ang umiiwas para hindi na siya mapagastos masiyado. Hindi niya naman kasi ako hinahayaang gumastos. Ang gusto niya ay sagot niyang lahat. Tinitipid niya ang sarili sa school para makapag-ipon. Wala namang masama ro'n, nakakatuwa pa nga. Kaso hindi ko maiwasang ma-guilty at mag-alala kung minsan. Naiisip kong baka nagpapagutom na siya sa school at makaapekto 'yon sa pag-aaral niya.

"Ah, hon, 'wag ka nang bumaba, ha?" sabi ko nang matanaw ko na ang kanto malapit sa 'min.

"Bakit naman? Ayos lang, ihahatid kita sa inyo. Baka sabihin ni mommy mo ay hindi na kita ihinahatid."

"Ayos lang kay mommy, 'yon, hon, maaga pa naman. Para makatipid ka na rin sa pamasahe. Kesa sasakay ka pa, panibagong bayad pa 'yon."

"Eh, hon, naka-budget naman 'tong pang-date natin."

"'Wag ka nang makulit, hon," nagmamadaling sabi ko habang nagpapalit-palit ang tingin sa kanto namin at sa driver. "Manong, para!" anunsyo ko. "Oh? I-text mo 'ko kapag nakauwi ka na--"

"Oh, happy anniversary," nakangiti niyang iniabot ang isang maliit na paperbag sa 'kin na inilabas mula sa bag niya.

"Hon? Ano 'to?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAXINEJIJI'S ONE SHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon