Noong Bata Ako - End of Book 1

1.2K 29 30
                                    

Magkasama na kami ni George. Parang nasa isang kwarto ako na puro pangyayari sa mundo ang nakikita ko.

Sa harapan namin, nakikita ko ang katawan kong duguan sa lupa.

Si Mica, nasa tabi ko.

Ano'ng ginagawa niya?

Napaluhod siya.

Umiiyak ba siya?

Parang nga.

"Patawad sa lahat." sabi ni Mica habang lumilingon sa akin.

Unti-unti siyang nawawala.

Naglaho na siya.

Hindi na raw siya babalik sabi ni George.

Sa kaliwa, si Ed.

Tumatawa. Katabi si Aling Rina na umiiyak.

Katabi ang isang nurse tinuturukan siya ng gamot.

Nagwawala siya.

Bakit?

Nabaliw daw siya sabi ni George. Siguro sa trauma.

Sa likod, sina Gelo at Reden.

Naaksidente, bumangga sa truck sa highway.

Sa kanan, ang pamilya ko.

Hindi pa nila alam ang nangyari sa akin. Sigurado akong malulungkot sila. Ayoko pa silang iwan pero nangyari na ang lahat. Wala na ako, 'di ba?

~

Salamat po sa mga nagbasa ng storyang ito, gaya ng lahat ng simula may kataposan pero may bagong simula ulit. Asahan niyo na gagawa pa ako ng mga horror stories mula ngayon. Thanks!

pa visit naman ng blog ko - acwrites.blogspot.com

EDIT:

Story continues to Book 2... :D

Noong Bata Ako (Complete Book 1 - On Going Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon