Noong Bata Ako 8

1.3K 22 5
                                    

Noong bata ako, higit sa sampung taon na ang nakakalipas ay piso lang ang pamasahe sa jeep noong pumapasok ako sa elementarya pero ngayon ay may plano pang gawing sampung piso ang pamasahe. Nangunguna ako noon sa listahan ng pinakamagagaling sa klase pero ngayon ay nawala na ang inaasahang henyo ng pamilya. Parang bansa natin, dati'y nasa mga bansang nangunguna tayo sa ekonomya panahon ni Diosdado Macapagal pero ngayon pinagdidiskitahan na lamang ang kanyang anak na ayaw ipahalata. Ngayon nasa mga nangunguna ng pinakacorrupt na bansa ang ating inang bayan, dapat proud tayo doon. Bakit nga naman tayo magiging proud? Hindi lahat ng topnatcher ay ipinagmamalaki.

"In China, everything is prohibited including those permitted. In Singapore, everything is prohibitted except those permitted. In America, everything is permitted except those prohibited. Eh sa Pinas, everything is permitted especially those prohibited." Narinig ko kung saan ang mga katagang ito. May punto ito, dito sa Pinas kahit bawal ginagawa. Kailan ba tayo magkakaroon ng tamang disiplina?

"Exciting 'yon Dang! Bisita ka ulit kay Ed." tawa pa nito kahit pareho naming hinahabol ang tumatakbo pa naming hininga. "Alam ko gusto mo rin." ngiti pa niya sa akin.

"'Wag ka ngang mag-isip ng ganyan!" pasigaw kong sabi.

"Denial pa 'to." bulong niya sa hangin.

Tinignan ko siya. "Tina..."

"Oh?" sabay ngiti.

"Sa... tingin... mo..." mabagal kong sabi. "May gusto na ba ako kay... Ed?" kung paanong pahina ng pahina ang boses ko sa pagkasabi nito ay gano'n naman kabilis ang pagtibok ng puso ko, hindi naman dahil sa pagod pero hindi ko alam ipaliwanag.

"Hihi." bungisngis niya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Sabi mo eh." nagpatuloy siya sa paglalakad. "'Yan ata ang nararamdaman saka naiisip mo eh."

Malayo na siya ng ilang hakbang sa akin nang mapagtanto ko. "Teka hintayin mo 'ko."

"Kaya nga tinatanong kita eh." sabi ko uli.

"Kasi hindi mo maintindihan?" pagpapatuloy niya. "Ganyan talaga Dang!"

Napaisip ako. May mga nanliligaw sa'kin pero hindi ko naramdaman sa kanila ito. Ang matuliro at matulala dahil sa kanya. Ang mapagod at maging masaya para sa kanya. Malapit na pala kaming maghiwalay ng landas nang bigla niya akong tapikin.

"Uh."

"Dang, ingat! Dito na lang ako." 

"Sige. Ingat ka rin." pagkasabi nito ay sabay kaming tumalikod sa isa't-isa. Nakapaglakad ng konti at lumiko ng kanto. Ito lang ang huli kong naaalala bago may nagtakip ng panyo sa mukha ko at nakaamoy ng hindi pamilyar na amoy saka ako bumagsak.

Heto ako ngayon, madilim ang nakikita dahil sa piring sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong oras na o kung gaano katagal ba akong nakatulog, kung nasaan ba ako o kung sino ang nagdala sa akin dito ay wala akong alam. Gusto kong sumigaw pero may panyo na nakatali sa mukha ko para pigilan ang paggalaw ng bibig ko. Gusto ko ring tumayo pero napakasikip ng hinihigaan ko habang nakatali ang dalawa kong kamay at ang mga panglakad ko. "Aray!" salitang gustong kumawala pero walang madadaanan matapos mapatalon ang madilim kong kinalalagyan. Pakiramdam ko nasa isang kotse ako o kung anong sasakyan. "Tulungan niyo ako." sigaw ng isip ko.

"Gelo, puntahan niyo ako ni Reden. May sasabihin ako." kalakip nito ang pangalan ng ospital at room number para kay Gelo. Ito lang ang sinabi ni Ed sa sulat, malamang dahil pribado ang pag-uusapan nila at baka mabasa ni Tina ito kaya personal na lamang silang pinapapunta ni Ed.

"Huwag na nating sisihin si Naida." mahinang sabi ni Gelo at naupo na sa kanyang upuan. Parang sunud-sunuran lang si Reden dito at umupo na rin.

"Ano'ng balak mo Ed?" tanong ni Gelo sa sarili.

Noong Bata Ako (Complete Book 1 - On Going Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon