-

23 2 0
                                    

"Okay, class dismissed."


Dali-dali akong tumayo at nakipag-unahan sa mga ka-block ko na lumabas ng pinto. Bago pa man mag-dismiss ng klase ay inayos ko na ang mga gamit ko sa bag para makalabas ako agad. Habang tumatakbo pababa ng hagdan ay narinig ko pa ang sigaw ni Danica na galingan ko daw humanap ng lalaki. Natawa ako at tinaasan siya ng middle finger habang pababa pa rin ng hagdan.


Last subject ko na yun ngayong araw ngayong short term as a first year student sa SLU. At bilang light of the north nga raw kami, wala kaming bakasyon. Ang saya saya talaga. Kaya naman papunta dito ang dalawa kong best friend para mag-bakasyon nang isang linggo. Tuwing bakasyon lang talaga kami nagkikita-kita dahil magkakalayo kami ng school. Si Andy ay naiwan sa hometown namin sa Bataan, si Pau ay sa Cebu kasama ang papa niya, at ako naman dito sa Baguio. Afraid that we won't be seeing each other this summer, they decided na pumunta dito.


Kaya papunta ako ngayon sa terminal para sunduin sila. Paglabas ko ng campus ay naramdaman ko agad ang malamig na hangin kahit alas tres palang ng hapon. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep at parang umaayon sakin ang tadhana dahil may naka-parada na agad nang dumating ako. Sumakay ako at nagbayad agad.


"Nasan ka na???"

"HOY ANO NA"

"NANDITO NA KAMI SAAN KAMI PUPUNTA"

"JAMIE MARGARET ANO NA BUHAY KA PA BA"

"PAKI GALAW YUNG BASO!!!!"


At iba pang mga text galling sa kanilang dalawa. Natawa ako at nagreply na papunta na ako. Susunduin ko sila at ihahatid sa transient na tutuluyan namin.


Bumaba ako sa baba ng SM at naglakad na papunta sa terminal. Agad ko silang nakita dahil sa kulay ng buhok ng dalawa. Blonde pa rin ang mga boba. Ay. Tatlo pala kami. Natawa ako dahil mukha nanaman kaming squammy girls pag nagsama-sama pero dedma na. Tumakbo ako papunta sa kanila at agad na hinila ang mga buhok nila.


"BAKLA KA ANG TAGAL MO!!" sabi ni Pau.


Impit na sumigaw naman si Andy at niyakap kaming dalawa ni Pau na parang sampung taon kaming hindi nagkita. OA, December lang naman ang huling kita namin. Pero niyakap ko pa rin silang dalawa at nakitalon kay Andy.


"Tanga nag-extend pa kasi prof naming bida bida. Buti nga hindi traffic," paliwanag ko habang naglalakad kami sa abangan ng taxi.


Tinignan ko ang dala nila at natawa ako dahil tag-isa pa talaga sila ng maleta. Akala mo naman ilang buwan sila dito eh isang linggo lang naman ang paalam nila.


"Saan tayo kakain? Gutom na ko pota ang haba ng byahe," sabi ni Pau habang hinihila ang maleta niya. Pinara ko ang paparating na taxi pero huminto iyon sa tapat ng grupo ng kalalakihan ilang inches lang ang layo sa amin.


"AMPOTA AKO PUMARA NON AH," sabi ko dahil totoo naman.


Narinig siguro ako nung isang lalaki dahil bigla siyang napatingin sa akin habang nilalagay yung bagahe nila sa compartment ng taxi. He's wearing a black pants, white hoodie, topped by a denim jacket. Naka-AF1 ito na sapatos at mukhang mayaman dahil sa awra nito. Moreno siya, matangkad, nakataas ang buhok, makapal ang kilay, at namumula na kaunti ang ilong dahil sa lamig. Ay, pogi.

the camp, baguioWhere stories live. Discover now