Letter

72 5 0
                                    

Lance's letter to Sheena 📌

----------------

Hey love? how are you there? maayos ka na ba? Alam mo ba, gusto kitang puntahan sa loob ng kwarto mo habang nakahiga ka ngunit ayaw akong payagan ng mga doctor. Gusto ko silang sakalin isa-isa. just kidding, Anyway Sheena, Adriana o kahit ano man 'yang pangalan mo, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita.

Ngumit ka kapag nabasa mo ito kundi babalikan kita kapag umiyak ka. Joke, akala mo talaga makakabalik pa ako pagkatapos ng gagawin ko.
Love, don't blame yourself na nangyari to okay? just be happy for me, mahirap ang gagawin ko pero maraming nagmamahal sayo. kapag hahayaan kong mawala ka, hindi ko kakayanin.

Huwag kang mag-alala, kahit na wala na ako, na sayo naman ang puso ko, sayong-sayo.
Dapat ngumiti ka, huwag mong sayangin ang biyaya ng Diyos para sayo. sumaya ka kung gusto mo, walang pipigil sayo kasi malakas ka na ulit. Malakas ata nagbigay ng puso mo.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat noh? dito ko nalang sabihin.
Mahal na mahal kita Sheena, mas pipiliin kong ako nalang ang mawala kesa ikaw ang mahihirapan dahil sa sakit mo. Don't worry, kahit na wala na ako, I'm still into you. Iloveyou so much.

Siguro habang nababasa mo ito nagagalit ka na sa kanila kasi hindi nila ako pinigilan, huwag kang magalit. Pinigilan nila ako pero ako yung may gusto nito.

Maraming nagmamahal sayo Sheena, ingatan mo 'yang puso ko. Kapag nakakita ka ng higit pa sakin, huwag kang magdadalawang isip na mahalin siya. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako.

Mahal na mahal;
Gwapo mong Lance

Flirting Lang (Chat Story 1) ✔️Where stories live. Discover now