Chapter 17

65 5 0
                                    

Chapter 17 📌

Sheena's POV:

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. nung gabing sinabi sakin ni ate at mama ang totoong pagkatao ko, bigla akong lumabas ng bahay. wala akong ibang dala nung gabing 'yon kundi ang cellphone ko lang.

Kanina pa nila ako tinatawagan pero wala akong lakas na loob na sagotin sila. May parte sa'kin na gusto kong hanapin ang totoo kong pamilya pero saan naman ako magsisimula kung ang sinabi nila mama ay nakita lang ako sa labas ng bahay nila, nakakatawa lang isipin na iniwan ako ng totoo kong pamilya. Ano kaya ang naisipan nilang iwan ang isang bata palang.

------------------------------

Charmaine's POV:

Shit, nasaan na kaya ang babaeng 'yon.

"Kagabi pa siya umalis." sabi samin ni tita, ang mommy ni Sheena. kanina pa siya umiiyak nung sabay-sabay kaming dumating nila Lance, Leo at Oliver.

Nagkatinginan kami ni Leo at agad naman akong umiwas ng tingin. aaminin ko, masakit pa rin talaga ang ginawa niya pero mali rin ang ginawa ko, ang iwanan ang nag-iisang kaibigan ko.

"Hindi pa ba siya nagrereply sainyo?" tanong ni Stephanie, ang ate ni Sheena. umiling lang ako bilang sagot.

Pakiramdam ko dahil sa'min kaya naglayas si Sheena. hindi sila ni Stephanie ang dahilan ng paglayas niya.

"S-sana hindi niya nalang nalaman ang lahat." Tita Adriana said while crying. tiningnan ko siya agad at inantay ang sasabihin ulit.

"Edi sana hindi siya naglayas. hindi ko na alam kung saan siya hahanapin." dagdag pa nito.

Nagkatinginan kaming apat, nagtatak sa sinabi.

"A-ano po bang nangyari?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita.

"Nalaman niyang ampon lang siya." Bigla akong napatigil sa sinabi ni Stephanie.

Ampon siya? paano?

"Hindi niya sana malalaman kung hindi umamin si Oliver na gusto niya si Sheena." lahat kami ay tumingin kay Oliver na nakayuko lang.

May gusto siya kay Sheena? they're not cousin? what the hell!

"Bullshit!" lahat kami ay lumingon kay Lance nang bigla itong nagmura at umalis bigla.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Hahanapin ko si Sheena, walang mangyayari kung tutunganga lang tayo rito." and by that tuloyan na siyang umalis.

-----------------

Flirting Lang (Chat Story 1) ✔️Where stories live. Discover now