Chapter 19

256K 5.4K 159
                                    

#ADMwp Chapter 19

I didn’t go home. Hindi ko kayang umuwi. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni Maicy. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni Uno. Wala akong gustong makita ngayon!

I checked in a hotel and waited for my rage to melt down but it was tad too impossible. I was so mad. I was furious.

Tinanggal ko ‘yung engagement ring ko mula sa daliri ko at ibinato ‘yun. “Fuck you, Uno! Fuck you!”

Buong gabi wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Pakiramdam ko nga naubos na ang luha ko. Bakit ganun? Ilang oras na akong umiiyak pero may pumapatak pa rin. Pagod na pagod na ako.

My phone was vibrating the whole night. Panay ang tawag at text sa akin ni Uno at Maicy. Mga traydor. Pinagkatiwalaan ko sila, minahal ko sila pero ganito pa ang igaganti nila sa akin?

This was what I got? A heart pounded into million pieces?

“Mira,” sabi sa akin ni Mama. Tinawagan niya ako at wala akong choice kung hindi sagutin iyon. “Nasan ka ba?”

“Sa kaibigan ko po...” I lied.

“Ah, okay,” sabi niya. “Umuwi ka na at mag-aayos pa tayo. Mamaya pupunta dito ‘yung mamanugangin mo.”

My heart throbbed.

“O-opo,” I said. Takot ako sa Mama ko. Ginagawa ko kung ano man ang sabihin niya sa akin. Hindi ako kagaya ni Maicy na kayang magrebelde kay Mama.

Naupo muna ako sa kama. Hinintay ko na kumalma ang sarili ko bago ako naligo. I took a quick shower at saka isinuot ‘yung damit ko kahapon. Agad akong pumunta sa mall para bumili ng damit at saka dumiretso sa bahay. An unfamiliar car was parked outside our house. Sigurado ako na sasakyan ‘yun ng pamilya ni Uno.

Nanginginig ang tuhod ko habang papasok ako.

Ang una kong nabungaran ay si Maicy. Nakaupo siya sa gilid, tahimik lang. She instantly paled nung makita niya ako.

“Oh, ayan na pala ang magiging daughter-in-law ko,” magiliw na sabi nung mama ni Uno.

I wanted to force a smile. I really wanted to smile at them dahil wala naman silang kasalanan sa mga nangyari. But I was pained. I was so hurt that I couldn’t even muster a fake smile.

Nakita ko si Uno at kagaya ni Maicy ay maputla din siya. Bakit pa sila tumuloy dito? Nababaliw na ba siya? Pakiramdam niya ba ay itutuloy ko pa rin ang kasal pagkatapos ng lahat? They’re freaking overestimating my patience.

“Good afternoon po,” panimula ko. Nakatingin sila sa akin at nagulat sila nung hinubad ko ‘yung engagement ring. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinuot ko ulit iyon kanina. “I’m sorry pero hindi ko na po kayang pakasalan ang anak niyo,” I said before I rushed to my room and began crying for my broken heart.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon