Chapter 21

252K 5.8K 295
                                    

#ADMwp Chapter 21

Funny how life actually works. Pinaghandaan ko ‘yung araw na ‘to. Pinangarap ko ‘yung araw na ‘to. Napanaginipan ko ‘yung araw na ‘to.

“This was unexpected,” sabi nung mama ni Uno. “Akala ko si Mira ang papakasalan mo, anak?” she said to Uno. Napatingin ako kay Uno and he was just looking at me. Hindi siya sumagot sa mama niya.

Bigla namang sumingit si mama. “Buntis si Maicy at kailangan siyang pakasalan ng anak niyo.”

Agad kong pinunasan ‘yung luha na kumawala sa mata ko. Bakit ba ako kailangang nandito? Bakit ba kailangan kong makita at marinig lahat ng ‘to?

Tumingin ang parents ni Uno sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

“Uno?” tawag sa kanya ng papa niya. “Uno.”

“Pa...” sabi ni Uno, his voice was trembling. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. He didn’t deserve my pity. “Pa, si Mira ‘yung papakasalan ko.”

“Buntis si Maicy!” pagtataas ng boses ni mama. “Hindi ako papayag na hindi panagutan ‘tong anak ko!”

Nag-usap sandali ang mama ni Uno at si mama. Pinapakiusapan na bigyan muna sila ng konting oras para kausapin si Uno. My heart was truly in pain. Pinangarap ko ‘yung araw na ‘to, e. ‘Yung araw na hihingin na ni Uno ‘yung kamay ko... ‘Yung araw na simula ng forever naming dalawa...

Tumayo ang mga magulang ni Uno at umalis na sila. Inihatid sila ni mama sa labas. Naiwan kami ni Maicy sa salas.

“Ate...” she said, her voice was croaked.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Umakyat agad ako at nag-empake. Hindi ko na kayang tumira sa bahay na ‘to.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now