Chapter 44

52.1K 1.7K 611
                                    

Chapter 44

  

Billy’s POV

 It’s been 7 years since I last met Jane.

Madami na ang nagbago at nangyari sa buhay ko.

Funny to say but I’m not an actor anymore.

Three years ago, I decided to quit.

Nagsawa na ko sa buhay artista.

Hindi na kasi ako masaya sa ginagawa ko.

Parang naging daily routine ko na lang ang bumangon at magpanggap na okay ako sa harap ng madaming tao.

Wala namang nagawa ang lahat nung umayaw na talaga ako.

Tinapos ko lang talaga ang contract ko at nagtiis lang ako to fulfill Jane’s wish.

She wanted me to continue acting so I did.

But that was a long time ago.

Siguro naman, sapat na ang apat na taong pagtitiis ko.

Wala na kaming naging communication.

Tinupad ko lang naman ang pangako ko sa kanya na hindi na ko babalik at babalik pa sa kanya.

Nakamove-on na rin kasi ako.

I finally learned to forget the past.

I dated a few girls for the past seven years.

May mga naging girlfriends ako pero hindi pang-long term relationship.

Sadyang wala lang talagang nakakaintindi at compatible sa akin.

Madaming nagiging problema na naglilead into break ups.

Kapag nagyaya sila makipaghiwalay, di ko na hinahabol pa.

“Sir, please sign these documents needed for tomorrow’s proposal” Lapit sa akin ng secretary ko.

I took the papers without looking at her.

Binasa ko lahat ng dapat basahin bago ko pinirmahan.

Then I looked at my desktop and emailed a very important client.

Nagtatrabaho na pala ako as the CEO of Fernandez Group of Companies.

Nagkainteres ako sa kompanya namin nung nagquit ako sa pagaartista.

Timing na timing naman na sawang-sawa na si Luke gawin ang mga gusto ni Dad.

At first, of course hindi pumayag si Dad na ako ang maging heir niya.

But I proved to him that I want to work here.

After a year, he realized that I’m capable of being the next CEO.

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon