Chapter 3

1.3K 34 1
                                    


Tanghali na nung bumangon ako sa higaan. Biyernes ngayon pero sinadya kong hindi pumasok dahil sobrang sakit ng ulo ko nitong mga nagdaang araw ay napapadalas ang pagsakit ng ulo ko pero ang naramdaman ko kanina ay mas malala parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko, kaya kahit na gustohin ko ay hindi ko na ginawa. "M-M-Mommy!" Gulat kong sabi "Ano wala ka nang balak mag-aral? Wala ka ba talagang plano sa buhay mo ha? Lagi nalang problema ang dala mo! Wala ka nang ginawang matino! Ang malas malas mo talaga! Sana kasi hindi ka na nabuhay! Sana nalaglag ka nalang!"

"Mommy.. bakit po ba galit na galit kayo saakin? Ano po bang ginawa kong kasalanan?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at naitanong ko ang mga bagay na gusto kong malaman ang sagot. Kahit na nararamdaman ko na mas lalo akong masasaktan pag sinagot yun ni mommy. "Gusto mo malaman? Pwes sasabihin ko sayo tutal naman malaki kana at sigurado akong papasok na to sa bwiset mong kokote!  Kahit na anong gawin mo. Kahit na sundin mo lahat ng gusto ko. Hinding hindi kitang kayang mahalin at hindi namin kayang tanggapin sa pamilya namin ang isang katulad mo na bunga ng pang gagahasa saakin ng tatay mong rapist!" Hindi. Hindi yun totoo Mommy nagsisinungaling ka lang I know you're lying! Sinasabi mo lang saakin yan kasi galit ka saakin. Tama! Yun ang dahilan mo kaya ganyan ang sinasabi mo saakin. "Ano? Hindi ka naniniwala? Hindi mo kayang tanggapin? Totoo lahat ng sinabi ko sayo Hindi ka anak ng asawa ko kaya wala kang karapatang tawagin siyang daddy kasi kahit siya nandidiri pag tinatawag mo siyang daddy!"

"S-stop. Tama na po mommy" umiiyak kong sambit nasasaktan ako physically kasi bumabalik ang sakit ng ulo ko at emotionally kasi masyadong mabigat ang mga salitang sinasabi saakin ni mommy ngayon.

" Ikaw ang nagtanong saakin diba kaya ngayon sinasagot ko lang. Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko abhor dahil isang beses ko lang to gagawin! Simula nang nalaman kong nabuo ka sa sinapupunan ko wala akong ibang naramdaman kundi galit at pagkamuhi kaya ginawa ko ang lahat para mawala ka! Para malaglag ka! Pero wala kasi malakas ang kapit mo! Galit na galit ako sa rapist na yun kasi dahil sakanya nagulo ang mundo ko gumuho lahat ng pangarap ko muntik pang mawala ang pamilya ko! At lahat ng iyun ay dahil sainyo!" Nanghihinang huminto si mommy sa pagsasalita at biglang hinawakan ang kanyang puso. Biglang pumasok si daddy sa kwarto ko at nilapitan si mommy

"ABHOR ANO NANAMAN BA ANG GINAWA MO?!??" Rinig na rinig ang boses ni daddy sa apat na sulok ng kwarto ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa sitwasyon ni mommy atsaka sa aura ni dadd- ni Mister Del Vera. Nakakadalawang hakbang palang ako papunta sa pwesto nila mommy ng bigla siyang nagsalita " W-w-wag A-abhor kung g-gusto mo pa akong m-mabuhay wag kang lalapit" yun ang huling sinabi niya bago siya ilabas ni d-mister Del Vera sa kwarto ko

Nanghihina kong sinara ang pinto and everything turns black

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now