Chapter 1

2.1K 44 1
                                    

They said the most important thing in the world is family and love. I have a family but they don't love me. Does it mean na I am not Important?


Can somebody tell what it feels to be loved?


Lagi kong ginagawa ang lahat. Lahat ng gusto nila kahit labag sa kalooban ko ginagawa ko binibigay ko ang best ko kasi nagbabakasakali ako na pag ginawa ko yun mapapansin na nila ako. Mamahalin na nila ako. Pero I always ended up useless, lagi ngang sinasabi saakin nila mommy na I'm worthless, at kahit anong gawin ko hinding hindi nila ako kayang mahalin.



Minsan gusto ko nang sumuko pero hindi ko ginagawa kasi palaging kong pinanghahawakan motto ko sa buhay 'nothing is impossible' tama! Wala talagang imposible nararamdaman ko balang araw mamahalin din nila ako. Kahit kamatayan ko pa ang kapalit basta mahalin nila ako gagawin ko. 



Nandito ako ngayon sa canteen as usual mag-isa lang ako sino ba naman kasi ang maglalakas loob lumapit sa isang katulad ko lahat ng tao kilala ako sa tawag na 'Abhor the unwanted girl'  minsan iniisip ko nalang na sikat talaga ako sa paaralan na to kaya kahit saan ako pumunta hindi talaga maiiwasan ang mga mata na nakatingin saakin. Kaso lagi nalang ako tinatamaan ng masaklap na katotohanan na hindi talaga ako sikat at yung mga atensyon na nakukuha ko hindi yun paghanga kundi punong puno ng pandidiri ang mga mata na laging nakatingin saakin punong puno  ng pagkasuklam. Siguro nagtataka sila kung paano ko pa nagagawang pumasok at mabuhay sa mundong puno ng mga taong namumuhi na nabuhay pa ako.


Bigla akong napatingin sa isang grupo ng magkakaibigan rinig rinig hanggang dito sa pwesto ko ang masasaya nilang boses at malalakas na tawa. Mababakas mo sa mukha nila na ang saya saya nila yung tipong kuntento sila sa buhay nila siguro kasi nanjan ang pamilya nila atsaka kasama nila ang kanilang mga kaibigan. Ako kaya? Kailan ko kaya mararamdaman maging masaya at kuntento tulad nila.


"Guys may party mamaya sa bahay alam mo naman birthday ko" I heard one of my classmate said oo nga pala birthday na niya ngayon.
"Alam mo girl you're so lucky talaga kasi love na love ka ng parents mo hindi katulad ng isa jan pinagpipilitan nalang ang sarili sa sarili niyang pamilya kahit na alam naman niyang hindi siya-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya masasaktan lang ako alam ko naman na ang kasunod. Dahil palagi nalang, lagi nalang nila ipinamumukha saakin yun. Sanay na ako.



Sa araw araw na magkasama kami sa iisang silid hindi talaga mawawala sakanila ang magbitaw ng mga salita na makakasakit ng sobra saakin, naging parte na nga yata yun ng buhay nila. Akala ko sanay na ako, akala ko malakas na ako, akala ko hindi na ako muli iiyak pero mali kasi hanggang ngayon mahina parin ako. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako, pero hindi ko kayang magalit, hindi ko kayang ipagtanggol sarili ko kasi totoo naman yung sinasabi nila kahit na ipagpilitan ko ang sarili ko sa pamilya namin hindi talaga nila ako kayang mahalin. Honestly  inggit na inggit ako sakanila kasi lumaki sila sa pagmamahal ng mga tao sa paligid nila, lumaki silang punong puno ng pagmamahal, samantalang ako? Lumaki ako sa mga bugbog at pagkukutya saakin ng mga taong mahal na mahal ko.

The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now