Chapter 6

54 2 0
                                    

Chapter 6

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si Nory na may inilapag sa mesa na pagkain, sa pagkakaalam ko ay isa iyong soup.

"Ano yan Nory? Hindi naman ako nagugutom"

"Ay naku mam Muriel, masarap po iyan dahil luto po yan ni Senyorito Wave,"

Napakunot naman ang noo ko, baka para kay Senyorito Heneros itong mga pagkaing niluto nya.

"Nakakapagtaka nga mam Muriel e, kasi ho hindi naman talaga nagluluto iyon kahit isang beses ngayon palang ho,"

"Baka ka-"

"Ay mam Muriel sainyo po talaga yan, sabi po ni Senyorito Wave" sagot nito.

Kahit nagtataka ay Napatango nalang ako at iginiya sya sa harap ko.

"Ay hindi po p-"

"Saluhan mo ako, o hindi ko to kakainin?" Nag-alangan naman ito at walang nagawa kundi umupo nalang din at kinuha ang isang soup.

Kumuha ako ng kutsara saka nagsandok, sumubo ako ng isang kutsarang soup.

I think this is mushroom, maayos naman ang lasa nya but wait...

there seems to be something wrong with this food, may nakagat akong matigas na bagay kaya kinuha ko kung ano mang matigas na iyon at hindi ko makagat kagat.

Hindi ko mapigilang hindi mapataas ng kilay kung ano mang nakita ko.

"Ay hala! Bakit naman may laruang ipis ito?"

Napatingin ako kay Nory na may hawak na laruang ipis habang hindi maipinta ang mukha nito na parang natatae pa

Bumalik uli ang tingin ko sa bowl at naghalungkat, at puro laruang ipis nga ang nakahalo rito,

Great!

Bakit may ipis sa pagkain? But wait galing daw kay Wave?

"What the-Nory?" Nang bigla nalang nya akong bugahan ng tubig

"Sorry mam Muriel ang anghang! Ho ang anghang! May sili po ata ang tubig!"

"Ha?"

Napa-angat naman ang tingin ko sa second floor ng may marinig akong nag click o nagsarado ng pinto, pero hindi ko alam kung saang kwarto iyon.

"Pasensya na talaga, mam Muriel," dismayado nitong sabi.

Napakamot nalang ito sa ulo bago niligpit ang mga napagkainan.

Natawa nalang ako sa isip ko saka napataas ng kilay.

Buti nalang hindi tunay na ipis.

it looks like I already know who planned it...

"Senyorito Dale! Andyaan na po pala kayo" boses ni Nory mula sa kusina

Napaangat naman ang tingin ko sa papasok na si Dale, saka sya nagtungo sa tabi ko.

"Teka bakit saglit lang?" Ang bilis naman yata nya?

Between The Lies✔ [Del Lascivia Series #1]Where stories live. Discover now