Chapter 3

75 8 7
                                    

Chapter 3

"Senyorita Muriel?,"

"Pasok,"

Mula sa pintuan ay iniluwa nu'n ang isang katulong base sa suot nitong maid uniforn na red, pati pala uniform rito ay napaka gara at espesyal.

Pinagmasdan ko naman ito na tumabi sakin, nasa edad ko ko lang sya, at napakabibo nito.

Mukang magiging close kami..

"Hello po! Kayo ba iyong bisita ni Senyorito Heneros, ang ganda nyo ho!,"

"Salamat, ano nga ang pangalan mo?"

"Ay ako ho si Nory Seyorita," nakangiti nitong pakilala,

I knew it, maganda syang kausap, unlike the others maid na masama ang tingin saakin kahit wala pa naman akong ginagawang masama rito.

"Ang sexy nyo po pala talaga Senyorita, ano pong sekreto ninyo sa katawan" interesado nitong ani na umupo pa sa tabi ko.

"Jogging, and only yoga" sagot ko, nanlaki naman ang mata nito.

"Ganun? Puwede nyo ba akong turuan kapag may time ho kayo Senyorita?" Tumango naman ako at nginitian ito.

Why not? Actually his body is little perfect, unting papayat pa ay magiging katulad ko na ang sexy nito, ganun talaga kapag loveself.

"Oo naman, ano nga pala ang sadya mo rito,"

Napatayo ito bigla at napakamot sa ulo,

"Oo nga pala, ipinapatawag na ho kayo ni Senyorito Dale, kakain na raw ho,"

"Sige susunod na ako," tumango ito saka lumabas.

Habang inayos ko naman ang higaan bago lumabas, sumilip pa ako sa baba kung sino-sino ang tao ruon.

Nakabalik na pala si Senyorito Heneros at Senyorita Melinda. At hangang ngayon I'm not aware to used 'Senyorita' para saan ba iyon? Pag-galang?

Iginagalang pa pala si Senyorita Melinda? That was too unfair.

Bumaba nalang ako, na sinalubong naman ako ng tingin ni Dale na bigla ko nalang tuloy nag pop sa utak ko ang sinabi nya kanina.

"Muriel.." ngumiti ito at ipinaghila ako ng upuan.

Pansin ko naman ang titig ni Senyora Melinda, kung siguro ay nakakamatay ang titig nya baka pinaglalamayan na ako ngayon.

Habang nakangiti lang naman si Senyorito Heneros. Halos maraming pagkain at espesyal na mga putahe ang nasa harap ko.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Dale na nakatitig pala sakin, kumunot naman ang noo ko dahil hindi ito gumagalaw at tanging sa labi ko lang ito nakatingin.

what is that for and what is he doing?

"Dale?" Tumikhim ako, na nagpabalik sa huwisyo nito hangang sa nagtama ang mga mata namin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin at binalik na ang tingin sa harap nito, parang ako pa tuloy ang nahiya dahil nakatitig saamin ang dalawa na parang sinusuri kung anong meron sa pagitan namin.

Between The Lies✔ [Del Lascivia Series #1]Where stories live. Discover now