Chance Passenger

Od Abciddy

9.5K 246 76

Pag hinanap, makikita mo ba? Pag hinintay, darating kaya? Dalawang chance passengers, Isang maikling kwento. ... Viac

Chance Passenger

9.5K 246 76
Od Abciddy

1pm sa terminal ng bus papuntang Baguio…

Jason on the phone…

Jason: (di mapakali, nakapila sa linya ng mga chance passengers, kausap bestfriend niyang si Buji) Buj, nakapila na ko. Medyo may kahabaan yung pila ng chance passengers pero tantya ko naman makakasakay ako ngayong araw.

Buji: (on the phone) Sabi naman kasi sayo dapat sumabay ka na samin kagabi.

Jason: (nagtitiptoe para silipin kung may parating na ba na bus) Oo na, oo na. Paulit ulit ka tsong. Kanina mo pa sinasabi yan. (nagulat nung mabangga siya ng isang babaeng nagmamadali) Aray Miss ah! (lumingon lang yung babae ng sandali pero dumiretso pa rin kung nasaan yung kundoktor) Miss! Sabi ko aray! (pabulong na kinausap sarili niya) Di man lang nag-sorry. (binalikan si Buji sa phone) O sige na, tatawagan ko nalang kayo pag nakasakay na ko sa bus. Nagkakabalyahan na dito eh.

Buji: Sige bro. Ingat ka. Wag kang tatanga tanga ah.

Jason: Sige na! Sige na! Bye! (sinundan ng tingin yung babaeng nakabangga sakanya kanina, papunta yung babae sa pila, huminto sa likod niya)

Valerie on the phone…

Valerie: (tinatawagan mommy niya) Hello Ma. Nakapila na po ako. Punuan Ma. Baka mamaya pa po ako makarating. Sabi naman po ng kundoktor sunod sunod naman daw po yung biyahe. Tatawagan ko nalang po kayo mamaya pag on the way na. (napapansin na sumusulyap sakanya yung lalaki sa harap niya, si Jason) Bye Ma.

Nagtawag yung kundoktor…

Kundoktor: O yung para sa ala-una na biyahe. Nandito na yung bus! Yung mga chance passenger pakiayos lang po natin yung pila.

Sinisipat sipat nina Jason at Valerie yung mga pasaherong may mga ticket habang umaakyat sa bus. May nakasakay na tatlong chance passengers. Sa sumunod na biyahe ng bus, di nagbago ang eksena. May mga chance passengers na sinwerteng nakasakay. Umiksi ng umiksi ang pila hanggang sa nabuhayan na ng loob si Jason at Valerie dahil sa biyaheng 5pm, mukhang makakasakay na sila.

Pagdating ng bus…

Jason: (napapangiti na, dinampot yung duffel bag niya na nilapag niya sa sahig) Sa wakas!

Kundoktor: O may bakanteng isa. Yung mag-isa lang diyan, pwede na sumakay.

Jason: (palakad na palapit sa bus ng biglang umovertake sakanya si Valerie, sa pikon niya hinablot niya yung backpack ni Valerie) Hoy hoy hoy!! Bulag ka ba?? Nakita mo ng ako yung nasa unahan mo, talagang sisingit ka pa eh noh?!

Valerie: (tinabig yung kamay ni Jason) Bitawan mo yung bag ko kundi sisigaw ako ng magnanakaw!

Jason: (binitawan bag ni Valerie) Ako pa ngayon magnanakaw?? Eh ikaw nga ‘tong manunulot ng pwesto ko sa bus!

Valerie: (kumalma, malumanay na sa pagsasalita) Eh pasensya ka na. Nagmamadali ako eh. Tsaka malay ko ba kung may kasama ka. Ang bagal mo pa kumilos kaya akala ko di ka interesadong sumakay.

Jason: So feeling mo trip ko lang tumambay dito? Ganun?

Kundoktor: Mga kuya’t ate! Pwede mamaya na kayo magbangayan?? Nagmamadali na yung bus makaalis. Sasakay ba isa sa inyo o hindi?

Jason: (aakyat na sa bus pero hinablot ni Valerie yung bag) Anak ng! Ano ba?!!!

Valerie: (tonong nagmamakaawa) Paunahin mo na ko kuya! Please?? Kailangan ko na talaga makasakay.

Jason: Nauna ko sa pila! Maghintay ka!

Sa kakabangayan nila, may isang pasaherong nauna ng sumakay. Natigil lang sa pagdidiskusyon yung dalawa nung nakita nilang umaandar na yung bus sa harapan nila.

Valerie: MANONG BUS!!! WAIT LANG!!! (tumingin sa kundoktor) Kuya naman eh!!! (pumapadyak, nagmamaktol)

Kundoktor: Ang bagal niyo sumakay eh. Naunahan tuloy kayo. May dalawa pang biyahe. Maghintay nalang kayo diyan.

Valerie: (lumingon kay Jason) Kasalanan mo ‘to eh!

Jason: (napakamot nalang sa ulo) Ako pa talaga sinisi mo, ikaw na nga tong nakaperwisyo!! Nyemas imbis na nakaalis na ko, maghihintay nanaman ako. (nilapag yung bag niya sa sahig at inupuan)

Ilang minutong hindi nagkibuan yung dalawa. Paano nga naman sila magkikibuan eh hindi nga naman sila magkakilala.

Valerie: (bumili ng chicharon sa vendor na dumaan sa pila, sinilip yung oras sa phone niya pagkatapos bumili, tumingin kay Jason) Umm… Kuya… (hindi pinapansin ni Jason) Kuya… (nilakasan ng konti yung boses, halatang nagkukunwari si Jason na nagbibingi-bingihan) Kuyang masungit…

Jason: (iniiwasan ng tingin si Valerie) Hindi ako masungit.

Valerie: (hawak sa isang kamay yung chicharon habang yung isang kamay naman nilaro yung strap ng backpack niya) Umm… Sorry na…

Jason: (tumingin kay Valerie) Akalain mo yun. Marunong ka pala nun.

Valerie: Wag ka na magsungit. (inabutan si Jason ng chicharon) Peace na tayo.

Jason: (tumayo, inayos yung pantalon niya) Wag na. Ok lang ako. Thank you nalang.

Valerie: (kumain ng chicharon) Hindi ka na galit, kuyang masungit?

Jason: Hindi na.

Lumapit sa mga chance passengers yung kundoktor.

Kundoktor: Mga mam, ser! Ser, mam! Upo po muna kayo. Wag nalang pong sirain ang pila. Dun po muna tayo sa mga upuan, mangangawit lang po kayo sa pagtayo dahil isang oras pa po bago yung susunod na biyahe.

Jason: (nakatingin kay Valerie) O baka naman hanggang sa pag-upo makipag-unahan ka pa?

Valerie: Hindi na noh. Baka mamaya suntukin mo na ko.

Nasa dulo ng first row ng mga upuan sina Jason at Valerie. Tinawagan ni Jason si Buji, habang si Valerie naman nagtetext sa Mommy niya.

Jason: (hawak phone niya) Hello Buj. Olats. Dito pa rin ako sa terminal.

Buji: Jusko! Anong oras na mehn! Makakasakay ka pa ba??

Jason: Oo. May dalawang biyahe pa. Ako na susunod sa pila. Siguro naman makakasakay na ko. Dapat on the way na ko kaso… (hininaan ng konti yung boses para hindi marinig ni Valerie) May naniningit kasi kanina.

Valerie: (hinampas sa balikat si Jason) HOY HINDI AKO MUKHANG SINGIT!

Jason: Aray!! (napahawak sa balikat niya) Bakit ka ba nakikinig sa usapan ng may usapan?! Overtaker ka na nga, chismosa ka pa!

Valerie: (nag-make face) Eh ano yang sinasabi mo sa kausap mo na mukha akong singit??

Jason: Bakit? May hati ka ba sa mukha?? Mali ka ng narinig. Sabi ko may naniningit sa pila! (binalikan sa phone si Buji) Teka lang tsong ah. Tawagan nalang kita ulit. May eavesdropper dito eh.

Buji: O sige sige. Bilisan mo ah.

Jason: (ended the call, tumingin kay Valerie) Miss magkaliwanagan nga tayo. May problema ka ba sakin? Kanina ka pa eh.

Valerie: Ha? Wala. Bakit?

Jason: Una, binalya mo ko kanina. Tapos inunahan mo ko sa pila. Ngayon naman nanghahampas ka ng balikat.

Valerie: (ngumiti) Hehe! Sorry kuya ah.

Jason: Bipolar ka rin Miss eh noh!

Valerie: (inabot yung kamay niya na parang makikipaghangshake) Valerie.

Jason: (tumingin lang sa kamay ni Valerie) Ano?

Valerie: Wag mo ko tawaging “Miss”. Valerie pangalan ko.

Jason: (bumuntung-hininga, kinamayan si Valerie) Not-so-nice to meet you.

Valerie: (hindi binibitawan kamay ni Jason, parang may hinihintay) Ano? Kuntento ka na sa “kuyang masungit”?

Jason: Jason. (binitawan kamay ni Valerie)

Valerie: So… bakit ka nandito?

Jason: Obvious ba? Malamang naghihintay ng bus papuntang Baguio.

Valerie: Alam ko! Ibig ko sabihin anong gagawin mo sa Baguio. Tsaka bakit chumachance passenger ka?

Jason: Ah. Yung bestfriend ko kasi dun naisipan magcelebrate ng birthday niya. Dapat sasabay ako sakanila ng girlfriend niya kaso may gig yung banda ko kagabi kaya yun. Pinauna ko na sila.

Valerie: Wow! Ang galing mo naman! Musician ka? Sampol! Sampol!!! (tinaas taas yung kamay niya)

Jason: (binababa yung kamay ni Valerie dahil pinagtitinginan sila ng mga tao) Sssshh!!! Kalalabas mo lang ba sa mental??

Valerie: Hindi. Pacheck in palang. (natatawa)

Jason: Ang baliw mo! (natatawa)

Valerie: Pero seryoso nga. Sorry kanina ah. Hindi ko naman talaga ugali mang-overtake. Nagmamadali lang talaga ako.

Jason: Ok fine. Maybe we just got off on the wrong foot. Bakit ka ba kasi nagmamadali?

Valerie: Hindi pa tayo close. Ayoko sabihin. (ngumingiting parang bata)

Sa hindi maintindihang rason, naamaze si Jason sa babaeng kaharap niya. Aminadong banas na banas sa hassle na dinulot ni Valerie pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng kakaibang koneksyon. Spark nga bang matatawag yun?

Dumaan pa ang ilang minuto, kung saan saan na nakarating ang usapan nina Jason at Valerie.

Jason: Bakit ka mag-isa?

Valerie: Eh ikaw? Bakit ka mag-isa?

Jason: Sinagot ko na yan kanina. Di ka nakikinig. Ikaw naman magkwento.

Valerie: Wala lang. Wala akong kasama eh.

Jason: Seryoso ba yang sagot mo? O ayaw mo lang talaga magkwento?

Valerie: Nasan girlfriend mo? Dapat sinama mo para hindi ka naiinip maghintay ngayon.

Jason: (tonong nang-aasar) Ikaw ah… Fishing ka ha…

Valerie: (inamoy damit niya at dulo ng buhok) Uy hindi ah. Grabe ka. Amoy pawis oo, pero di naman malansa. (kumuha ng alcohol sa bag niya, kinausap sarili ng medyo pabulong) Ubos na cologne ko, pwede na ‘to. (pinahid yung alcohol sa kamay niya at naglagay ng konti sa damit niya)

Jason: (di mapigil matawa) Seriously??

Valerie: Dyahe naman kasi sayo. Baka sabihin mo nanaman “fishing” ako.

Jason: Val, fishing means… ano… umm… prying…

Valerie: O ngayon naman amoy prinito?? Yung totoo? Gutom ka?

Jason: (natatawa habang nageexplain) NOOOO!!! Not “frying”… “prying”… yun bang may inaalam kang information pero ayaw mo magpahalata. Gets mo? (nakukyutan kay Valerie)

Valerie: (tumango) Ahhh. Yun pala yun. (natawa sa sarili niya) Nga pala, Valerie.

Jason: O bakit mo tinatawag sarili mo?

Valerie: Wag mo kong tawaging “Val”. Valerie lang. Hindi pa tayo close. (ngumiti nanaman na parang bata)

Hindi namamalayan ni Jason na kung anong kunot ng noo niya kanina, siya namang lapad ng ngiti niya ngayon. Lumipas na ang isang oras. Pareho silang naaliw sa pagkekwentuhan ng biglang sumigaw nanaman yung kundoktor.

Kundoktor: Mga papuntang Baguio, parating na yung bus. Tumayo na po kayo. Mauna pong pumila yung mga may ticket na at nagpareserb! Mga chance passenger relak relak muna!

Jason: (tumayo, binitbit yung bag niya) Teka, CR muna ko.

Valerie: Huy baka maiwan ka ng bus!

Jason: Eh ihing ihi na ko eh. Mabilis lang ako. Sabihin mo sa kundoktor pakihintay lang.

Valerie: O sige sige. Bilisan mo!

Jason: Wag mo ko uunahan ah!

Valerie: Oo na! Oo na! Mag-CR ka na! Dali!

Kumaripas ng takbo si Jason papuntang CR. May tao sa loob kaya napilitan siyang maghintay. Hindi niya masulyapan yung bus at yung pila ng mga sumasakay pero ramdam niyang kailangan na niyang bilisan kundi maiiwan siya. Napapasayaw na siya habang namimilipit pero hindi pa rin lumalabas yung nasa loob ng CR.

Jason: (kumakatok sa pinto ng CR) Kuya mamaya na po kayo tumambay sa CR. Pawiwi naman, isang mabilis lang.

Walang sumasagot.

Jason: (kumakatok pa rin) Kuya kuya kuya kuya!! Pakibilis po!

Lumingon lingon sa paligid niya ng biglang may parang nagningning sa paningin niya…… bote ng mineral water na walang laman, nakalapag sa isang lamesa malapit sa CR.

Jason: Jackpot!

Kinuha ni Jason yung bote at humanap ng pwede niyang pagtaguan. Tinanggal niya yung takip ng bote at unti unti ng kinilig habang umiihi.

Nagtatawag na yung kundoktor dahil may dalawang chance passenger na pwedeng sumakay.

Kundoktor: (nakatingin kay Valerie) Ate nasan na yung kaaway mo kanina? May bakanteng dalawa. Sumakay na kayo.

Valerie: Teka lang kuya. Nag-CR po eh.

Kundoktor: Mauna ka na sumakay.

Valerie: Kuya teka. Hanapin ko nalang muna kaya?

Kundoktor: Naku Miss, mauna ka na sumakay. Baka pati ikaw maiwanan pa.

Valerie: (nag-aalangan sumakay ng bus, pasilip silip, hinahanap si Jason) Kuya antayin natin ah?

Kundoktor: Sige na, sige na. Sakay na Miss.

Sumakay si Valerie ng bus. Naghintay pa yung kundoktor ng isa pang minuto pero di na nakapaghintay. Tinawag na yung kasunod sa pila.

Humahangos si Jason papunta sa mga upuan sa terminal pero hindi na niya nakita si Valerie. Paglingon niya sa bus, saktong paalis na. Hahabulin niya sana pero umaandar na.

Kundoktor: Naku Boss. Ang tagal niyo po kasi.

Jason: (habang hinihingal) Tekaaaaahhh… Manong… Pahintuin niyohhh!

Kundoktor: Eh Boss, sabi nga po sa kanta “let it go”

Jason: (huminto sa pagtakbo, hinihingal) Shet! Shet shet shet!!!

Kundoktor: Shet ka rin po boss!

Jason: (tumingin sa kundoktor) Ay hindi kayo kuya. Naiinis lang ako pero hindi po kayo shineshet ko.

Kundoktor: Wag kayo mag-alala boss. May huling biyahe pa po. Trenta minutos lang po aantayin niyo.

Jason: Wala akong pake sa biyahe kuya. Yung babae?

Kundoktor: Sino pong babae?

Jason: Yung kasama ko?

Kundoktor: Di ba po mag-isa lang kayo?

Jason: Hindi manong. Yung ano… yung… (natataranta na kung ano sasabihin)

Kundoktor: Ah yung kaaway niyo po kanina? Nakasakay na po.  Pinapaantay ka kaso yung driver nagmamadali na eh.

Jason: Number? Anong number?

Kundoktor: (napatingin sa taas na parang may iniisip) Namber… ah! Piptin!

Jason: (na-confuse) Ha? Ano?

Kundoktor: Namber po ng upuan boss. Piptin.

Jason: Hindi yun manong! Cellphone number!

Kundoktor: Boss naman. Pano ko naman po malalaman, hindi ko naman po kakilala yun?

Jason: Shet! Yung pangalan niya alam niyo ba? Lagi ba siya sumasakay dito??

Kundoktor: Bago lang ako dito boss. Di ko po alam eh. Kanina niyo pa po kausap hindi niyo po tinanong pangalan?

Jason: Valerie lang ang alam ko eh. (napa-facepalm nalang, self-talk) Laki mong tanga, Jason. Di mo man lang tinanong apelyido! Ang bobo mo!

Kundoktor: Tatanong ko po sa mga kasama ko, baka nakikita po nila dito yun lagi. Selpi Ser? Di kayo nagselpi?

Jason: (napakamot nalang sa ulo) Di bale na Manong. Salamat nalang.

Dismayado si Jason sa nangyari.

Sa tagal ng paghihintay, sa wakas nakasakay na siya ng bus. Habang bumibiyahe, ni hindi siya nakatulog dahil iniisip niya si Valerie. Pinilit niyang alalahanin yung napagkwentuhan nila kanina, nagbabaka-sakali na makahanap siya ng clue kaso ang tanging info na magagamit niya eh iisa lang… pareho silang pupunta ng Baguio.

Finally, nakarating na si Jason sa Baguio. Sinalubong siya ni Buji at ng girlfriend nitong si Dianne. Pagkakita ng mag-jowa kay Jason…

Buji: (tinaas kamay niya para makita siya ni Jason) Mukhang pagod na pagod ka ah?

Jason: Pagod at dismayado.

Dianne: (bumeso kay Jason) Tara! Nandun yung sasakyan. Hanap muna tayo ng makakainan.

Sumakay yung tatlo sa kotse. Si Jason hindi masyado nagsasalita, umupo siya sa backseat. Halatang may malalim na iniisip.

Buji: (tinitingnan si Jason sa rear view mirror) Hoy! Tahimik mo?

Jason: Wala tsong. (hindi na nagtanong ulit si Buji, pinaandar niya yung sasakyan, naghanap sila ng bukas na restaurant) Umm… Pre… Naaalala mo yung kinekwento ko sayo kaninang babae?

Buji: Alin? Yung naningit sa pila?

Jason: Oo. Yun nga.

Buji: O ano problema mo dun? Kanina pa yun ah. Di maka-move on? Eh di sana binalya mo din para quits kayo.

Jason: Hindi! Ano kasi… Tsk…

Dianne: (nagtataka) Ano? Sabihin mo na kasi. Haba ng intro!

Jason: Eh… Ano eh…

Dianne: Ano nga??

Jason: Okay siya.

Dianne: (natatawa) Dami mong kuda tapos ang ending statement mo lang “okay siya”?? Ano yun?!

Jason: Fine, fine! I like her.

Buji at Diane: YOOOWWWWWNNNN!!!

Jason: Kailangan talaga duet kayo?!

Buji: Kaya naman pala ang tagal mo sa terminal! Lumablayp ka pa! Text mo! Kitain natin!

Jason: Yun nga eh… hindi ko nakuha number.

Dianne: Madali lang yan! (kinuha cellphone niya) Hanapin natin sa Facebook. Anong pangalan?

Jason: Valerie.

Dianne: (tinatype sa search box ng Facebook) Valerie ano? Surname?

Jason: Hindi ko alam eh.

Dianne: (nabitawan yung phone niya) Walangjo! Pinagtype mo pa ko! Eh papano natin mahahanap? Ang dami daming Valerie sa mundo.

Jason: Yun na nga eh.

Buji: Eh wala na yan. Kalimutan mo na. Hina mo! Tagal niyo magkasama sa terminal ni hindi mo nakuha number. (hininto yung sasakyan sa may restaurant)

Buong magdamag hindi makalimutan ni Jason si Valerie. Pilit siyang umiisip ng paraan kung papaano niya mahahanap si Valerie pero wala talaga siyang maisip other than one thing…

Pagsikat na pagsikat ng araw, naligo agad si Jason at nagbihis. Tulog pa sina Buji at Dianne sa kabilang kwarto. Hindi na sila ginising ni Jason, dumiretso siya agad sa terminal ng bus. Nakadalawang baso siya ng taho. Pinanggigilan niya sa bibig niya yung sago habang nag-aabang, nagbabaka-sakali na makita niya si Valerie.

Phone ringing…

Sinagot ni Jason…

Jason: (Buji on the other line) Hello Buji. Sorry di ko na kayo ginising. Umalis muna ko.

Buji: Nasan ka ba? Tara na. Magbreakfast na tayo. Madami pa tayo pupuntahan ngayon.

Jason: Mauna na kayo. Susunod nalang ako.

Buji: Nasan ka nga?

Jason: Nasa terminal ng bus.

Buji: Terminal ng bus??? Uuwi ka na?

Jason: Hindi.

Dianne: (nasa background, kausap si Buji) Ano daw? Nasan daw siya?

Buji: (sinagot si Dianne) Nasa terminal daw. (binalikan si Jason) Ano ba ginagawa mo diyan?

Jason: Eh mag-aabang abang muna ko dito. Baka sakali makita ko si Valerie.

Buji: Wow! Seryoso ka diyan ah?

Jason: Mamaya ka na mag-usisa! Sige na. Kumain na kayo. Kita nalang tayo mamaya.

Inabot ng hanggang alas-tres ng hapon si Jason kakahintay sa terminal. Hindi na niya mabilang kung ilang mukha ang nakita niya pero wala dito yung mukha ng babaeng hindi rin niya maintindihan kung bakit niya hinahanap. Napaupo siya sa bench. Ilang minuto ang lumipas, may babaeng huminto sa harapan niya.

Dianne: (nakatago yung kamay sa bulsa ng jacket niya, katabi niya si Buji) Ano? Nakita mo ba?

Jason: (umiling) Hindi. Tingin niyo bukas kaya nandito na yun?

Buji: (umupo sa tabi ni Jason) Pare naman. Sinasayang mo yung bakasyon mo kakahintay sa isang babaeng una eh hindi mo naman kilala, pangalawa ni hindi ka sigurado kung makikita mo pa.

Dianne: Tara na Son. Sumama ka na samin. Mamasyal na tayo.

Jason: Pero pano kung pag-alis natin dito dumating pala?

Dianne: Sabi nga nila, the more na hinahanap, the more na hindi nakikita. The more na hinihintay, the more na hindi dumadating. Kung talagang meant na mangyari, kahit saang lupalop pa ng Pilipinas o mundo yan, magkikita’t magkikita kayo ulit. For now, nandito tayo sa Baguio, enjoyin mo nalang ok?

Natahimik silang tatlo. Napasandal sa upuan. Nasa gitna si Jason, sa kanan niya si Buji, sa kaliwa naman si Dianne.

Buji: Tsong… (nakapako yung tingin sa isang taong nakatalikod, mahaba ang buhok, mukhang sexy) Siya ba yun?

Jason: (umayos bigla ng pagkakaupo, slight umasa na baka nga si Valerie kahit wala namang idea si Buji kung ano itsura nun dahil di naman niya nakita) Ha? Alin? Asan? (tinuro ni Buji gamit nguso niya)

Buji: (humarap yung tinitingnan nila) Ay… mali… (tawa ng tawa dahil bading pala yung tiningnan nila)

Dianne: (hiningal kakatawa) Infernesssssss…. Bagay kayo Son! Hahaha!

Jason: Mga gago. Tara na nga!

After 2 days, babalik na sa Manila si Jason. Sumagi pa rin sa isip niya si Valerie pero natatawa nalang siya ngayon pag naaalala niya. Small part of him umaasa na siguro isang araw, or maybe months, years, or decades from now eh baka magkita din sila ulit kung saan man. Inaaliw nalang niya sarili niya sa ideya na isang nakakabwisit na araw, may nakilala siyang babaeng bumalya, naningit at nanghampas sa balikat niya who ended up to be his “Ms. What If”.

Pumunta siya sa terminal ng bus. Bitbit yung bag niya, at isang plastic na may lamang 3 bote ng ube jam, dumiretso siya sa bus dahil yehey… hindi na siya chance passenger ngayon, may ticket na siya.

Habang may kausap sa cellphone, nilagay niya yung mga gamit niya sa ilalim ng upuan.

Jason: (kausap si Dianne sa phone) Sorry di na ko makakasama sa Sagada ah. Kailangan ko na bumalik ng Manila eh. Ingat kayo ni Buji. Kita kits nalang pag balik niyo.

Dianne: Ok sige. Ingat ka din sa biyahe.

Jason: Bilhan niyo ko pasalubong ah.

Dianne: Ano ba yang maingay?

Jason: Ah, wala. (hininaan yung boses niya para di masyado marinig) Yung katabi ko kumakain.

Dianne: Lakas ng nguya ah. O sige na. Ingat! Text mo nalang kami pag nasa Manila ka na.

Jason: Okay sige. Bye!

Pagkatapos makipag-usap kay Dianne nilagay ni Jason yung phone niya sa bulsa ng pantalon niya ng biglang may inabot sakanya yung katabi niya sa bus…

“Chicharon kuyang masungit?”

- END - 

Facebook: www.facebook.com/abciddy

Twitter: @abciddy

Instagram: Abciddy

Blog: www.abciddy.blogspot.com

Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

860K 29.6K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...