Allaria: The Blazing Fire

yesrhyn द्वारा

707K 26K 4.4K

Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him... अधिक

Prologue
1 Lost
2 Royalties
3 Hope
4 Air Prince
5 Drunkards
6 Mission
7 His Smile
8 Master Healer
9 Disaster
10 Training
11 Return
12 Trauma
13 Allarian Academy
14 New Tyro
15 Space
16 Mark
17 Examination
18 Friends Forever
19 Fall
20 Nature Prince
21 Kiss Me
22 Empty
23 Found
24 Torture
25 Share Your Pain
26 Oppa
27 Let Go
28 Goodbye
29 Gone
30 Choose, Fire Prince
31 The Blazing Fire
32 Memories
33 Ritual
34 His POV
35 Risk
36 Forest of Mischief
37 Exchange
38 Best friend
39 Elium
40 Mortal
41 Warning
43 Madness
44 Brother
45 Just This Once
46 Promise
47 Brave
48 She Belongs to Me
49 Fear
50 Sacrifice
51 Acceptance
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

42 Massive

10.3K 356 55
yesrhyn द्वारा


"Malaki ang naging pinsala ng pag-atake ng mga Miletrian sa kapital, kamahalan. Marami ang nasawi at mga sugatang mamamayan at mga kawal. Isa lang ang ipinapahiwatig nito," saad ni Maki. "Nagdedeklara na sila ng digmaan sa ating lupain, Emperor Lloyd."


Nandito ang Emperor at mga hari ng apat na kaharian sa silid-pulungan ng Allaria para sa isang pagpupulong patungkol sa pagdedeklara ng digmaan ng mga Miletrian. Nandito rin si Amara at Alexander na tahimik na nakikinig sa pagpupulong. Ipinagtataka ni Amara kung bakit silang dalawa lang ni Xander ang pinatawag at hindi kasama ang tatlo pang prinsipe.


"Ano ba ang kanilang layunin? Kung nais nilang sakupin ang Allaria ay napakababaw naman nila! Napakalaki ng Miletria at hindi maipagkakailang makapangyarihan ang lupaing iyon. Bakit kailangan pa nilang makipag-gyera sa atin?" nagtitimping saad ni Haring Xavier ng Phyrania.


"Walang nakakaalam Xavier, at hindi na mahalagang malaman ang kanilang layunin. Ating pagtuunan ng pansin kung paano magwawagi sa digmaan. Hindi maaaring malupig ang ating lupain," saad naman ni Haring Clarence ng Telarria.


"Hindi ba't sinabi ni Cita na tayo ang mananalo? Wala tayong dapat ipangamba," sambit ni Haring Edmon ng Saphirius.


"Nagbago ang aking pangitain." Nalipat ang atensyon ng lahat sa bagong dating, si Cita.


"Anong ibig sabihin mo, Cita?" kunot noong tanong ni Emperor Lloyd.


"Hindi na sigurado ang ating pagwawagi sapagkat nagulo na ang hinaharap. Nakasalalay sa isang natatanging nilalang ang kapalaran ng ating lupain, at ipagdasal niyo na maging tama ang kanyang desisyon," sagot niya habang nakatingin kay Amara ng makahulugan.


"Sinong nilalang? Kailangang makausap natin iyon," saad ni Haring Xavier.


"Ang nagbabagang apoy," saad niya bago lapitan si Amara at hawakan ang sentido nito. Makalipas ang ilang sandali ay lumayo na si Cita at malungkot na nginitian si Amara bago maglaho ng tuluyan. Puno ng takot at pangamba ang mga mata ni Amara na ipinagtaka ni Alexander.


"Kailangan na nating maghanda. Dagdagan natin ang pagsasanay ang ating mga kawal at simula ngayon ay pati ang mga mamamayan na maaaring lumaban ay sasanayin na rin. Hindi maaaring umasa na lamang sila sa mga kawal at dugong-bughaw. Kailangan nilang matutunang proteksyonan ang kanilang mga sarili," saad ni Haring Clarence na sinangayunan naman ng lahat.


"Alexander, Natara," tawag ni Emperor Lloyd sa dalawa. "Hindi lingid sa kaalaman ninyong dalawa na binabalot na ng takot ang ating mga mamamayan dahil sa mga pangyayaring ito. Nais kong tanggalin ninyong dalawa ang takot na iyon sa puso ng mga Allarian at kayo ang magsilbing pag-asa para sa kanila. Na sa kabila ng mga kaguluhan ay tayo ay nagkakaisa at nananatiling matatag."


"What do you want us to do, Emperor Lloyd?" tanong ni Alexander. Kitang-kita ng mga makahulugang ngiti ng Emperor at hari ng Phyrania habang nakatingin sa kanilang mga anak na ikinakunot ng noo ni Alexander.


"We will continue the postponed engagement of my son to the Allarian princess," pahayag ni King Xavier sa lahat. Nagulat si Alexander ngunit unti-unting namuo ang ngiti sa kanyang mga labi ng maintindihan ang sinambit ng kanyang ama.


Ang tulalang si Amara naman ay nabalik sa ulirat ng marinig ang sinabi ng hari. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at marahas na nilingon ang hari.


"Hindi pwede," bulong niya. Dahil katabi niya si Alexander ay narinig niya ang sinambit ng dalaga na ikinawala ng kanyang ngiti.


"I will not marry him, not in this lifetime," madiing sabi ni Amara na ikinagulat ng lahat. Napapikit naman si Alexander at ikinuyom ang kamao para pigilan ang kumakawalang niyang apoy dahil sa matinding emosyong kanyang nararamdaman.


"Anak, hindi ba't bata pa lamang kayo ay nakatakda na kayo para sa isa't-isa? Anong dahilan at nagbago ang iyong isip?" takang tanong ng Emperor.


"Dahil ayoko. Wala ng iba pang rason, Dad," saad ni Amara na ikinakunot ng noo ng Emperor. Mabilis namang tumayo si Alexander at hinawakan ang palapulsuhan ni Amara.


"Excuse us Emperor," saad niya bago hilahin si Amara papalabas sa silid. Ng makarating sila sa isang bakanteng silid ay doon lamang niya binitawan si Amara.


"What?" tanong ni Amara habang nakapaskil ang blangkong mukha niya. Lumambot naman ang ekspresyon ni Alexander dahil doon.


"Baby..." nagsusumamong tawag niya at tangkang hahawakn muli niya ang kamay ni Amara pero iniiwas ito ng dalaga.


"Wag mo akong tawaging ganyan. Hindi yan ang pangalan ko," malamig na saad niya na ikinakuyom muli ng kamao ni Alexander.


"Why don't you want to marry me? Tell me. I will do anything, tanggapin mo lang ako, Nate," pagmamakaawa niya.


"Hindi mo naiintindihan Blaz. Marriage is a lifetime commitment of two people who loves and trusts each other unconditionally. How can we marry if we are not even in a relationship?! Hindi ko nga alam kung totoong mahal mo ako eh. And you think we will work out?" saad ni Amara.


Nanlaki naman ang mga mata niya ng lumuhod sa harap niya si Alexander. Hinawakan nito ang kamay niya at ramdam niya ang pangininig nito na ikinatulala niya. "Please. I beg you, baby. I love you. I really do. I lot of things are not clear to me, pero alam kong mahal kita, doon, sigurado ako. We can make it work, Nate, together. Please, marry me."


"In another life, maybe we can be together, but not in this life, Blaz." Pilit tinanggal ni Amara ang kamay niya sa hawak ni Alexander. Pagkalabas ni Amara sa silid ay doon tuluyang bumuhos ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. Nasasaktan ang kanyang puso para sa prinsipe. Gusto niya tanggapin ang alok, ngunit hindi na maaari. Hindi na maaari.


Si Alexander naman ay napasandal na lamang sa pader at napatingala para pigilan ang luha na nais lumabas sa kanyang mga mata. Muli niyang naalala ang sinabi ng tinig noong mabuhay muli si Amara.


'Ihanda mo sana ang iyong puso sa bagsik ng kapalit na haharapin mo.'


"I guess you're really right. I should have prepared my heart because the consequence was really... massive." Kumawala na rin ang apoy sa kanyang katawan na kanina pa niyang pinipigilan. Kinain nito ang silid na kinaroroonan niya at halos papuno na ng apoy at usok ang paligid ngunit nanatili siyang tulala at nakatingin sa malayo.


Katelyn's POV

"Oh, nandito na pala ang Great Pretender of All Time!" Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin si Kiana at ang kanyang mga kaibigan. Nilampasan ko silang tatlo pero napasigaw ako ng hilahin niya ang buhok ko. "Don't turn your back on me bitch! Wala kang karapatan!" sigaw niya bago ako pagsasampalin.


Nanatili akong tahimik habang iniinda ang sakit ng mga sampal na iginagawad niya sa akin. Pinipigilan ko rin ang aking sarili na huwag gumanti dahil tama siya, wala akong karapatan. Napakalaki ng kasalanan ko sa Allaria at alam kong kulang pa ang mga sampal niya para pagbayaran ko yun. Nakita kong dumaan si Shen pero parang wala man lang siyang nakita at dire-diretsto pa rin sa paglalakad.


"Ang kapal-kapal rin talaga ng mukha mo na manatili dito sa academy ano? Hindi ka na nahiya!" sigaw pa ng mga kasama niya. Pumikit na lang ako at hinintay na tumama sa akin ang mga tadyak nila. Pero lumipas ang ilang segundo ay wala pa ring tumatama sa akin kaya naman napamulat ako.


Napasinghap ako ng makita ang prinsesa sa harap ko. Sina Kiana naman ay nakatungo sa kanya bilang paggalang. "Wag niyo na siyang saktan Kiana. Alam kong galit kayo sa kanya, pero sana ay respetuhin niyo pa rin siya bilang tao," saad niya.


"We're sorry, princess. It's just that, every time I see her, my blood boils. Hindi ko matanggap na naloko niya kami!" inis na saad ni Kiana. "I'm sorry again, Princess Natara. We're going." Sinamaan pa niya ako ng tingin bago maghairflip at maglakad papalayo sa amin.


Tumingin sa akin si Natara at nagulat naman ako ng ngumiti siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. I hesitantly hold her hand before standing up. Tumungo ako para magbigay-galang. At hindi ko na yata kaya pang iangat ang aking ulo. Nilalamon ng kaba at hiya ang aking sistema. Kung tatanungin niyo kung sino ang pinaka may karapatang saktan ako... siya yun, silang dalawa si Alex.


"Okay ka lang ba?" tanong niya. Napakalambing ng boses niya at hndi man lang yun kahihimigan ng galit o inis, samantalang kaharap niya ang babaeng nagpanggap na siya. Lalo akong nagui-guilty. She's too pure.


"O-opo," nauutal na sagot ko. Natawa naman siya ng mahina na mas ikinatungo ko. Nakakahiya.


"Hey, wag ka ng tumungo sa akin. Wag mo na rin akong masyadong galangin. Magkaedad lang naman tayo diba?" She smiled. Tumango na lang ako sa kanya dahil alam kong mauutal na naman ako kapag nagsalita pa ako. "May I talk to you, Kate?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Gusto niya akong kausapin? Paparusahan na ba niya ako?


Kahit kinakabahan ay tumango uli ako. Hindi ko naman pwedeng suwayin ang utos o pabor ng isang dugong-bughaw. Alam ko yun dahil naranasan ko na ring maging prinsesa, kahit hindi totoo, kahit peke.


Pumunta kami sa hardin ng academia at doon naupo. Ilang minutong binalot kami ng katahimikan bago niya mapagpasyahang magsalita na. "Kate, I know you have your reason for doing that, and I will not force you kung hindi ka pa handing sabihin," she said. Kinutkot ko ang aking mga kuko habang nakikinig sa kanya. Isa itong mannerism sa tuwing kinakabahan o natatakot ako. "Alam ko rin na mabuti kang tao. I felt that when we were together."


Napalingon ako sa kanya at hindi ko maiwasang pangilidan ng luha ng marinig ang sinabi niya. She was the only one who said that. Kasi silang lahat masama ang tingin sa akin, isang impostora na hindi na dapat pang mabuhay. Hindi ko maisip ang rason kung bakit napakabuti ng puso niya. Walang paghahambingan ang kagandahan ng panlabas at panloob niyang anyo. Napakaperpekto niya. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ni Alex.


I looked at her and hesitantly smiled before telling her my story.


"Papa, pwede ba akong sumama sa'yo? Gusto ko po kasing makita ang prinsesa. Sabi po kasi ni Ate sobrang ganda daw po niya," excited na saad ni Kate sa kanyang Papa, si Minister Nilo.


"Hindi pwede Katelyn! Hindi ka maaaring makita ng kahit sinong dugong bughaw! Madudungisan ang aking pangalan kapag nalaman nilang may anak ako sa labas! Dito ka na lamang at wag na wag ka aalis sa kwarto mo," madiing utos nito na ikinalungkot ni Kate. Kahit alam niya ang sagot ng Papa niya ay hindi pa rin niya mapigilang umasa na baka payagan siya nito.


Nakita niya ang kanyang Ate Shen na bihis na bihis na. Inalalayan ito ng kanyang Papa bago sumakay sa karawahe papunta sa palasyo kung saan gaganapin ang ikawalong kaarawan ng nag-iisang prinsesa ng Allaria.


Hindi maiwasan ni Kate na makaramdam ng inggit sa kanyang Ate. Nais niya ring makaramdam ng pagmamahal sa kanyang Papa, nais niya ring magsuot ng magagarbong damit, nais niyang makilala ng mga tao. Ngunit hindi maaari, sapagkat isa lamang siyang anak sa labas na hindi pinagtutuunan ng pansin. Isang salot sa pamilya.


"Kung sana ay ako na lang si Ate Shen, magiging masaya din ako. Mamahalin din ako ni Papa," malungkot na bulong niya bago tumalikod at bumalik sa kanyang kwarto, ngunit natigilan siya ng tawagin siya ng isang katulong.


"Lady Shen! Naiwan na kayo ng inyong ama! Halika at ihahatid kita sa palasyo," nagmamadaling saad nito. Nangunot naman ang noo ni Kate dahil sa narinig. Napalingon siya sa salamin at nanlaki ang mata niya ng makita ang kanyang itsura. Kamukha niya ang kanyang ate!


Ng mapagtanto niyang lumabas na ang kanyang kapangyarihan ay hindi niya mapigilang matuwa. Kaya niyang kumopya ng wangis ng tao! Sabik na sabik siya habang nakasakay sa karawahe at hindi niya mapigilang mamangha ng makita ang makapalaki at mapakaeleganteng palasyo sa harap niya.


"My lady, kaya niyo na bang hanapin ang inyong ama sa loob? Pasenya na ngunit hindi kami maaaring pumasok sa loob sapagkat kami ay hamak na alipin lamang," saad ng katulong.


"Opo, kaya ko na po." Nagulat pa siya ng marinig na kaboses na kaboses din niya ang kanyang ate. Ang katulong naman ay nagulat din sapagkat hindi pa niya naririnig na rumespeto si Shen sa kahit sino sa kanila.


Pagpasok ni Kate sa palasyo ay mas kuminang ang kanyang mga mata sa magarbong mga kagamitan sa loob. Napakarami rin ng mga nagagandahang bisita na halatang pinaghandaan talaga ang okasyon base sa kanilang mga magarbong damit at nagkikinangang alahas.


Ng ipakilala ang prinsesa ay hindi niya maiwasang mainggit dito. Napakaganda nito at hindi maipagkakailang masaya at buo ang kanyang pamilya. Hinalikan pa ng emperor sa pisngi ang anak dahilan para mapaiwas ng tingin si Kate. Sa buong buhay niya ay hindi man lamang siya bingyan ng lambing nga kanyang ama.


Nakita rin niya ang batang prinsipe na katabi ng prinsesa. Isinayaw niya ito at kita niya ang mga ngiti sa labi ng dalawa. Samantalang siya, mag-isa lamang palagi at walang kaibigan. Wala na rin ang kanyang ina na sana ay kanyang masasandalan. Katulong lamang ang nagbabantay sa kanya kapag siya ang may sakit. Walang nagmamalasakit sa kanya. Ngunit ang prinsesa, lahat ng Allarian ay mahal na mahal ito, pati ang kanyang Papa.


Nagkagulo ang lahat ng sumugod ang mga Miletrian sa palasyo. Marami na ang sugatan at hindi mapigilan ni Kate na manginig at umiyak dahil sa takot. Sa kasamaang palad ay may nakakita sa kanyang isang kawal-Miletrian kaya agad siyang nagtatakbo papalayo.


Nakita niya ang prinsesa at prinsipeng magkasamang tumatakbo at pinapabulusukan ng prinsipe ng apoy ang mga kalaban na nagtatangkang lumapit sa kanila. 'Mabuti pa siya, may prumoprotekta sa kanya' isip ni Kate. Hindi niya alam na unti-unti ng nagbabago ang kanyang wangis at nagiging kamukha na ng prinsesa.


Lumingon siya sa likod at nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala ng sumusunod sa kanya. Agad siyang nagtago sa isang sulok upang walang makakita sa kanya. Pinagmamasdan lamang niya kung paano protektahan ng prinsipe ang prinsesa laban sa mga Miletrian.


"Nate!" Napatakip na lang siya ng bibig ng may tumamang palaso sa puso ng prinsesa mula sa likod. Hindi niya mapigilang mapaluha at manginig sa nasaksihan. Pinilit niyang baguhin ang kanyang wangis dahil sa takot na baka patayin rin siya pero kahit anong gawin niya ay hindi na siya bumalik sa dati.


Nakita niya kung paano nasunog at naging abo lahat ng Miletrian dahil sa sigaw ng prinsipe. Nakakatakot ito. Agad na ihiniga ng prinsipe sa kanyang hita ang prinsesa. "Nate, Nate, wake up. Don't leave me," iyak nito.


"B-blaz, I'm okay. P-papagalingin ako ni Tita Zelle k-kaya wag ka ng umiyak ha? I will not... l-leave you. M-magpapakasal pa tayo, d-diba?" saad ng batang prinsesa sa prinsipe na patuloy pa rin ang pag-iyak. Tumango ito at hinalikan ang noo ng kanyang pinakamatalik na kaibigan.


"Yes, I will still marry you, so don't you dare close your eyes," nanginginig na saad niya.


"P-pero Blaz, i-inaantok na ako. M-mamaya na lang t-tayo mag-usap p-pagkagising ko h-ha?" nanghihinang saad nito na mas ikinaiyak ng batang prinsipe.


"No! Nate! Don't sleep! Wag please," nagsusumamong pahayag nya ngunit isang ngiti lamang ang pinakawalan ng prinsesa bago ito tuluyang kuhanin ng walang hanggang kadiliman.


Madiing tinakpan ni Kate ang kanyang bibig upang pigilan nag pagkawala ng kanyang mga hikbi. Hindi niya alam na kaakibat ng pagiging prinsesa ay ang walang hanggang panganib na nagdulot ng kamatayan nito.


Nawalan ng emosyon ang mukha ng prinsipe habang tulalang nakatingin sa natutulog na prinsesa. Iyon ang huling bagay na kanyang nakita bago siya mawalan ng malay.


"Nagising ako sa bahay ng isang tagapagsilbi ng palasyo na nasa taas ng bundok, si Nana Merlyn. Alam niya na hindi ako ang totoong prinsesa at hindi ko na maibalik ang dati kong wangis pero kinupkop pa rin niya ako at pinalaki. Hindi na ako nagtangkang bumalik pa sa amin dahil alam ko namang hindi nila ako hinahanap. Baka nga masaya pa sila na nawala na ako eh," mapait na sambit ko.


"Walang kahit sino ang nakakita sa akin ng sampung taon, ngunit ng bumaba ako para tumungo sa bayan ay hindi ko inaasahan na pagtatangkaan akong kunin ng mga Miletrian." Tahimik namang nakikinig si Amara sa akin kaya ipinagpatuloy ko ang pagku-kwento.


"Natakot ako na baka balikan nila ako, kaya ng dalhin niyo ako sa palasyo ay sinabi kong ako nga ang prinsesa. Kaligtasan ko lang ang nasa isip ko ng mga panahon na iyon kaya nagsinungaling ako, kasi alam kong kaya nila akong protektahan. Wala na rin naman ang totoong prinsesa kaya akala ko ay ayos lang na maging ako siya."


"Patawarin mo ako kung kinuha ko ang katauhan mo. Natakot kasi akong maging mag-isa uli. Kasi sa pagiging ikaw, nagkaroon ako ng kaibigan, ng pamilya, ng karamay, na hindi ko naramdaman buong buhay ko. Naramdaman ko kung anong pakiramdam na importante ka, na may magliligtas sa'yo. I'm sorry. I'm really sorry." Naglandas ang luha sa mga mata ko na agad ko ring pinahid.


Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "I understand," she said. Mas lalo namang bumuhos ang mga luha ko ng yakapin niya ako. "Kate, hindi mo naman kailangang maging ako para maging masaya at makaramdam ng pagmamahal. Just be yourself."


"I'm an impostor who was hated by all, princess. How can I be wonderful?" malungkot na ngiti ko.


"Did you know that butterflies can't see their own wings? So, they have no idea how beautiful they are." She smiled. "Maybe you're a butterfly. You're a wonderful person, you just don't see it."


"Thank you," I whispered.


A comfortable silence enveloped us until she broke it again. "Now that I've heard your story, can you listen to mine?" Napalingon naman ako sa kanya at dahan-dahang tumango. She's trusting me, and I'm so lucky to have that trust.


"I saw my death, my 4th death to be exact," she said na ikinalaki ng mata ko. "Andami kong buhay no? Pero andami ko rin kamatayan," natatawang saad niya.


"Alam mo ba kung ano ang kapalit ng hiling ni Blaz?" tanong niya. I shook my head dahil hindi ko talaga alam. It was supposed to be my soul, but Alex failed to do it. Handa na akong mamatay ng mga oras na yun. Iniisip ko ito na siguro ang kabayaran sa kasalanan ko, pero nabuhay pa rin ako, at nagpapasalamat ako para dun.


"The consequence is to end the life of the person who is controlled to kill all the Allarians during the war," saad niya na ikinakunot ng noo ko.


"How will that be the consequence? It was natural to kill that person because she will kill every Allarian alive if she wasn't stopped," saad ko. Nilingon niya ako at tumulo ang luha sa mga mata niya na ikinagulat ko.


"It was me." Umawang ang labi ko dahil sa pagkagulat. How can Alex kill... her? It's impossible. He can't do that. "Ewan ko na lang kung hindi niya pagsisihang binuhay niya uli ako. Sana hindi niya na lang ginawa." She wiped her tears but no matter how she tried it doesn't stop.


"They asked me to marry him, pero paano ko siya papakasalan kung alam kong iiwan ko din siya? Ang selfish ko naman kung ganon. I can't marry him because marriage is for people who will love and stay with each other for a long time. Hindi ko yun magagawa. Mas mahihirapan din siyang patayin ako kung mag-asawa kami."


"I don't want to kill my people. I don't want to make it hard for Blaz. Ayoko. So Kate, please do me a favor," she said, "Kill me. Mas mabuti pa na ako ang mamatay kaysa ako ang pumatay sa kanila. Kate please." She handed me a dagger using her trembling hands. Itinutok niya ito sa puso niya na mas ikinakaba ko.


Agad ko itong inagaw at ihinagis papalayo. Kukunin na sana niya ito pero agad ko siyang pinigilan at niyakap. Napahagulgol siya sa balikat ko at wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Walang-wala ang pinagdadaanan ko kumpara sa kaniya. Ngayon ko lang ipinagpasalamat na hindi ako siya, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung saakin mapapapunta ang problema niyang ito.


Ng tumahan siya ay bumitaw na siya sa yakap at natawa ng mahina. "Pasensya ka na ha? Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko," saad niya, "Alam ko na. ito na lang ang pabor na hihingin ko sa'yo."


"Sana manatili ka para kay Blaz. Yun na lang Kate," she pleaded. "Alam ko namang gusto mo siya eh." Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ako makaangal dahil alam ko sa sarili kong totoo iyon.


I tried to stop my feelings, but I hate myself because I can't. Naiinis ako sa sarili ko kasi natutuwa ako. Natutuwa ako na hindi sila pwede. Natutuwa ako kasi umaasa ako na baka may pag-asa pa ako kay Alex.


Alam kong sa kwento niya ay hindi ako ang bida. Ako ang karakter na kinagagalitan ng mga mambabasa dahil ako raw ang kontrabida sa istorya nilang dalawa. Pero wala akong pakialam sa sasabihin nila, dahil nagmahal lang naman ako eh, pero hindi sa sarili kong kwento.


Masakit. Syempre. Masakit na nakikita kong may mahal siyang iba, at wala man lang akong panama sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Napakaperpekto niya eh. Napakasakit, pero wala man lang akong magawa, kasi ginusto ko ito. Kung yun lang ang tanging paraan para mapalapit sa kanya, titiisin ko.


"I will," sagot ko na ikinangiti niya.


"Salamat, Kate."


Ipaglalaban ko siya, kahit alam kong hindi ako ang babaeng gusto niyang ipanalo. Ipaglalaban ko siya kahit na alam kong sa huli ay hindi ko siya maaangkin, dahil pagmamay-ari na siya ng iba... niya.


______mistyrhynn______

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Perfect Strangers zz द्वारा

किशोर उपन्यास

5.1K 864 59
A girl who'd rather spend her time playing a mobile game called 'Mobile Legends' instead of reading love stories And a Boy who'd rather spend his tim...
33.5K 1K 56
Meet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
17.1K 512 38
Know Me Well Series #1 (Tertiary) Canary Violin likes Strummer more than anything else pero kumbaga sa istorya ni Strummer palamuti lang siya.. pampa...