PROJECT BREAK-UP (Editing)

De dimplesyoung

1.5K 194 4

Mais

PROJECT BREAK-UP
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25- FIN
A/N

Chapter 14

35 7 0
De dimplesyoung

Chapter 14

 

            Palipat-lipat lang ang tingin ko kay kuya John at kay JC. After kasi nilang mag-usap kahapon, di na sila nagpansinan. Ano kayang nangyari sa kanila? Mukhang wala din namang balak mag-share ni JC.

            “What do you think we can do to make our last day funnier?” I broke the silence. Kanina pa kasi ako nabibingi sa katahimikan, tila wala man lang ni isang may gustong magsalita.

            “I have an idea.” Full of energy na sabi ni Ate Maegan. 'Yan ang gusto kay ate, she knows when she need to set a mood. “How about a barbecue party? We haven’t done that for awhile.”

            “That’s a great idea.” Pagsang-ayon ni Ate Marionne.

            Nagsipagsang-ayon na rin ang iba kaya naghanda na kami para sa party. At least we’re not required to wear formal dresses. Mas makakakilos ako ng maayos.

            Tahimik na tumutulong si JC sa paghahanda at kuya is just looking at her. Buti na lang umalis na si Bernadette dahil board exam nya ngayon kaya walang away na pwedeng maganap. War freak pa naman ‘yon pag nagseselos.

            Linapitan ko si JC. “You alright?” Kanina pa kasi ito walang kibo.

            Hindi sya tumingin sakin. ”I wish.”

            Yeah, she’s not ok. Mukhang wala rin ito sa mood magkwento ngayon kaya hinayaan ko na lang muna sya. “Talk to me when you’re ready.” I tapped her shoulder then leave. Minsan ito ang problema sa bestfriend ko, it's hard for her to share and though I understand her, it still bothers me. Muli kong tinapunan ng si JC, bakas sa mukha nito ang kahungkagan. But I know better than to force her to share.

            Tumulong na lang ako sa pag-iihaw. Busy na din kasi ang lahat at nakakahiya naman kung tutunganga lang ako.

            I was enjoying what I'm doing when suddenly, an unwanted particle appeared beside me. I just ignored him.

        Ewan ko ba kung bakit andito pa rin ang lalaking ‘to. His presence annoys me a lot.

        “Need a hand?” He asked.

          ”I can manage.” I didn’t even bother to look at him.

            I heard him sigh. “Hanggang kelan mo ba ako balak iwasan?”

            “Hmm. Let me think about it.” Nagkunwari akong nag-iisip. “Maybe forever. Did I answer your question?” Mataray kong sagot. Maybe he’ll stop bothering me now.

            “Why do you hate me?” Bat parang nasasaktan sya? Diba dapat ako ‘yong nasasaktan?

            “I don’t hate you. I just don’t like your presence.” As if may kaibahan ang dalawang ‘yon.

            “Can’t you even try to like me?” Ano bang sinasabi nito? Kung alam nya lang ang totoo kong nararamdaman, baka humagalpak na sya ng tawa.

            “And how the hell am I supposed to do that?” Nagkibit balikat na ako.

            “Date me.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Now I know, he’s really out of his mind. There’s no way I’ll date him.

            I laughed sarcastically. “ Nice try dude, but sorry I’m quite busy.” Tinalikuran ko na sya but he kept on following me. “Ano ba? Tigilan mo nga ang pagsunod sakin.” Asar na saway ko dito.

            “Not until you say yes.” Haisst. Ang kulit ng lahi.

            “Bahala ka. Ikaw din ang mapapagod dahil kahit anong gawin mo, di mo ako mapapapayag.” I said with a final tone.

            Napagod din ata sa kakasunod ang mokong. Not until I say yes pala ah. Pssh. Puro salita. Di naman pala kayang panindigan.Teka, bakit ba ako naiinis?

            “Mukhang bad trip ka sis.” Nasa tabi ko na pala si Ate Marionne.

            “I’m not.” Inismiran ko sya. Tsk. If I know, nakikisagap lang ‘to ng balita. Tsismosa talaga.

            “What’s with you and Stephen?” Bigla akong napatingin sa kanya. May alam ba ‘to? Tss. Sa pagkakaalam ko si ate Mhyca ang reporter, hindi si ate Marionne.

            “What are you saying?” Pag-mamaang-maangan ko.

            “Tss. Tigilan mo nga ako.” Umalis na ito at bumalik sa pag-iihaw.

            “Neil, hijo. Buti naman nakapunta ka.” Bati ni Uncle Ricky kay Neil na kakarating lang. Isa ito sa mga Inimbitahan namin.

            “Thanks for inviting me sir.” Magalang nitong sagot.

            “How many times do I have to tell you not to call me sir? Para ka namang ibang tao. Just call me Uncle Ricky ok? Kundi isusumbong talaga kita sa Daddy mo.” Tinapik ni Uncle Ricky ang balikat nito saka inakay palapit saming lahat.

            “Hi Neil.” Tumabi sya sakin. “I’m glad you came.” I smiled sweetly at him.

            “Thanks Ash.” Ang ganda ng pagkakangiti nito sakin.

            Biglang tumayo si Ate Marrione. “Excuse me.” Anong nangyari don? Parang sya naman ang bad trip ngayon. Dumating lang si Neil. Teka? Biglang may ideyang pumasok sa utak ko. Oo nga no? Bat ngayon ko lang naisip ‘yon? She likes him. May gusto si ate kay Neil!

            “How are you?” Biglang tanong ni Neil.

            “Huh?” Naguguluhang tanong ko bago tukuyang nagsink in sa akin ang tanong nya. Oo nga pala, nakita nya kong umiiyak last time. “I’m good. Thanks pala uli.” Again, I gave him a sweet smile and from my peripheral view, I saw Stephen gritted his teeth.

            Hmm. I’m enjoying this, mukhang nasasaktan ang ego neto. Well then, I’ll keep on doing playing this game. “Neil, try this.” Sinubuan ko sya ng barbecue. “Masarap ba? I made that.” Pasweet pa ring sabi ko.

            “Hmm. It’s delicious.” He said kahit na mukhang nagtataka ito sa kinikilos ko. Nagthumbs-up pa ito.

            Ngumiti ako. “May amos ka.” Balewalang pinunasan ko ang bibig nya.

            Muntik na akong mapahagalpak ng tawa ng makita kong namula ito. Nang tingnan ko naman si Stephen, para akong nakakita ng black aura sa paligid nito. Buti nga sa kanya.

Continue lendo

Você também vai gostar

9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1.2M 63.9K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
4.3M 272K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...