131 Years (PUBLISHED)

De nicoleannenuna

184K 8.5K 6.9K

Dalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matuko... Mais

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Ang Aking Lihim
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
131 Years Book Giveaway
Book Giveaway Winners
131 YEARS is coming to the MIBF!
El Último Capítulo (The Last Chapter)

Epilogo

4.4K 232 299
De nicoleannenuna



MANILA, 2092

"Ito ang kuwento naming dalawa. Ang walang hanggan naming pag-iibigan, isang daan at tatlumpu't isang taon man ang aming pagitan..."





Isinara ko ang hawak kong nobela. Buti na lang ay nasa likuran nakapuwesto ang upuan ko ngayon sa klase kaya walang makakapansin sa pagtulo ng luha ko.

131 Years.

Iyon ang pamagat ng binasa kong libro. Ewan ko ba kung bakit sobrang bigat sa dibdib noong mabasa ko ang huling linya roon. Pakiramdam ko ay totoong-totoo sila, na parang nag-exist talaga sila noon.

Kaso, 'di hamak na karakter lamang sila na nabubuhay sa pagitan ng mga pahina.

Hindi sila totoo.

"Bakit kahit alam natin na masakit ang pagwawakas ng isang kuwento, binabasa at tinatapos pa rin natin ito?"

Tanong ng Philippine History professor ko na si sir Paterno. Marami ang nagtaas ng kamay, because I know na madali lang namang sagutin ang question niya, but I remained silent. Pakiramdam ko kasi ay may kulang sa'kin. Eversince na mabasa ko ang libro na 'yon, It felt like I found a piece of myself and at the same time, may nawala.

Nanatili akong nakatingin sa sahig. I was blocked by the hands of my blockmates na pilit na sumasagot for the recitation. Maging ang bestfriend ko na si Sophia na tamad sa History class ay willing din sumagot.

"Miss Lia?" narinig ko ang boses ng professor ko, pero parang sabog pa rin ako.

"Lia, ikaw raw," siniko ako ng kaibigan ko.

"Ha?"

Napasapo siya sa noo. "Sabog ka ba, girl? Tinatawag ka ni sir."

"A-Ako?" itinuro ko ang sarili ko saka, tumayo. Naglaglagan pa ang mga libro ko sa desk dahil sa pagmamadali. Isa-isa ko pa iyong pinulot.

All eyes are on me. Napabuntong-hininga ako. Bahala na.

"Hindi naman po nababase ang ganda ng isang kuwento kung paano ito nagtapos," panimula ko. "For me, sir, it's about the journey of the characters. Kung paano sila nagsimula, kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok, at kung paano nila tatanggapin ang mapait na kapalaran nila sa dulo."

Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "We finish a story kahit pa alam natin na masasaktan tayo sa dulo dahil parte na tayo nito. Gusto nating malaman kung paano magtatapos ang kuwento ng mga karakter na minahal at sinubaybayan natin. We shared laughter, anger, and tears with them as if we were part of their story."

Nakarinig ako ng palakpakan from my blockmates. Natawa na lang ako sa reaksiyon nila.

"Very good, Miss Lia," komento ni sir.

Naupo na ako at kinindatan si Sophia na proud na proud sa naging sagot ko.

"As you all know, nalalapit na ang upcoming Buwan ng Wika dito sa ating university. Kaya naman, you are all required to wear traditional clothes." Sabi ni sir Paterno.

Nagkaroon ng mga bulungan sa klase. Sino ba naman ang magkaka-interes na pumasok sa school nang nakagano'n, 'di ba?

"Exempted na sa Midterms ang mga students na magpa-participate." Dagdag ng professor namin.

Naghiyawan ang mga blockmates ko. All of a sudden, ang pag-aalinlangan nila ay nauwi sa kasiyahan.

"Class, I'm also going to inform you na ito na rin ang last day ko as your professor since effective na ang resignation ko this week. For the meantime, hintayin niyo na lang ang bagong professor niyo for this class."

Napairap na lang ako. Kung kailan natutuwa na ako kay sir Paterno, doon naman siya aalis.

No'ng vacant, walang ginawa si Sophia kun'di ang ikuwento ang boyfriend niyang paulit-ulit naman siyang niloloko.

"After we made up, we—"

Itinulak ko siya palayo bago niya ituloy ang sinasabi niya. "Shut up, Sophia, ayaw kong marinig ang tungkol sa sex life niyo ni Michael." Reklamo ko.

"Palibhasa, hindi uso sa'yo ang concept o idea ng pagmamahal," tudyo niya. Kinuha niya ang libro na nakapaibabaw sa iba pang librong hawak ko. "What's this, Lia?" tanong niya sa'kin.

"Kuwento lang ng isang babae mula sa modernong panahon na nakapag-time travel sa taong 1889," sagot ko.

Napahinto siya sa gitna ng hallway at binuklat ang ilang pahina ng libro. "Seriously? At naisipan mong dalhin ang ganiyang kalumang libro in public? Baka masira ito."

Kinuha ko ang libro sa kaniya. "Dahan-dahan nga sa pagbuklat, baka masira mo," inipit ko ang libro sa pagitan ng iba pang libro ko. "Ibinigay lang ng isang pari sa'kin 'yan noong magpunta ako sa simbahan ng Binondo no'ng nag-21st birthday ako."

"What? Bakit naman ibibigay ng pari sa'yo 'yan? Weird." Komento niya.

"I don't know. Siguro, pinagsawaan na niya at sa tingin niya ay mahihiligan ko 'yong ganitong kuwento."

"Ibenta mo, vintage 'yan!" suhestiyon ni Sophia.

"No way!" singhal ko. "Masiyado kong mahal ang libro na 'to, lalo na 'yong bidang si—"

"Watch out!" hindi ko namalayan na may nabangga na pala akong lalaki, kaya naman, nagliparan ang mga papel kong nakaipit sa libro.

What a cliché.

"Ano ba 'yan, Sophia! Ang daldal mo kasi," sigaw ko sa kaniya habang pinupulot isa-isa ang mga papel na nagkalat sa sahig.

Habang nakayuko ako ay nakita kong pinulot ng lalaki 'yong isa sa mga drawings ko. Bago ko 'yon mahablot sa kamay niya ay iniangat niya iyon.

"Nice drawing," komento niya.

Tinitigan ko ang lalaking nabangga ko. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, at brown ang buhok niya. May bahid din ng pagkapilyo ang kaniyang ngiti.

"Akin na 'yan," kukunin ko 'yong papel sa kaniya, pero maagap niyang inilayo sa'kin 'yon.

"Is that how you greet your old friend?"

"What are you talking about?" kumunot ang noo ko. Naramdaman ko na lang ang paghampas sa'kin ni Sophia na kinikilig ngayon.

"My name is Leo, by the way," inilahad niya ang kamay sa akin.

Tinignan ko lang ang kamay niya. Ang aga-aga, amoy alak ang lalaking 'to!

"Pake ko?" buwelta ko.

"Damn, wala kang pinagbago," natawa siya. "Nakaka-miss ka pala ano, Lia?"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko—"

"Sino nga pala 'tong nasa drawing mo?" tanong niya bigla.

Ipinakita niya sa'kin ang taong ginuhit ko sa papel. Sandali akong napatitig doon at natauhan lang ako noong ma-realize ko na wala dapat sa kamay niya 'yon.

Inagaw ko sa kaniya ang drawing ko na muntikan pang mapunit.

"That is none of your business," tugon ko. "And don't you dare come near me again."

Noong naglakad ako palayo sa kaniya, lumingon ako pabalik at nakita ko lang siya na nakangiti sa'kin. I can't explain it, pero parang nakita ko na siya noon.





NOONG MAKAUWI ako, dumiretso ako sa kuwarto at inilabas ko ang drawing na palagi kong iniingatan.

Nakabihis heneral ang lalaking ginuhit ko. Maamo ang kaniyang mukha, mestizo, matangkad, at maganda ang kaniyang pangangatawan.

Lapis lang ang ginamit ko para iguhit siya, pero detalyadong-detalyado ito. Siya ang lalaking madalas kong napapanaginipan sa gabi. Hindi malinaw kung ano'ng pakay niya, pero masaya ako kapag nakikita ko siya.

Dinampot ko ang librong kakabasa ko lang. Naaalala ko noong magsimba ako noon sa simbahan ng Binondo para magpasalamat sa panibagong taon na nadagdag sa buhay ko, hanggang sa lumapit sa'kin ang kurang nagmisa at iniabot ang librong ito.

Hindi ko malilimutan ang huli niyang sinabi bago ako umalis.

"Sumang-ayon na sa inyo ang panahon..."

Nagpunta ako sa balkonahe dahil masiyadong mabigat ang nararamdaman ko. Mula no'ng matapos ko ang librong 'yon, nagkaganito na ako.

Nakasanayan kong tumingin sa langit kapag malungkot ako o masaya. Minsan, magkukuwento ako ng mga karanasan ko kahit mag-isa lang ako rito. Hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko ay may nakikinig sa akin.

"May gumagawa rin kaya ng ginagawa ko ngayon?" tanong ko sa hangin. "Ang tumingin sa langit kapag masaya o malungkot?"

Umihip ang malakas na hangin. Napapikit ako at dinama iyon, sabay hawak sa kuwintas kong namamayapa sa aking dibdib.

Isang kahilingan ang lumabas mula sa aking bibig.

"Sana makita kitang muli..."





"Kuya, make sure na masasamahan mo ako sa patahian bukas," bungad ko kay Kuya Anton sa tawag kinaumagahan. "Kailangan ko 'yong filipiniana na 'yon para exempted ako sa midterms exam."

Si Kuya Anton lang naman ang nag-iisa kong kapatid. Apat na taon ang tanda niya sa'kin at ngayon ay abala siya sa pagpupursigi sa pangarap na maging isang chef. Ako? Hindi pa talaga ako sigurado kung ano ang pangarap ko sa buhay.

Kaming tatlo lang nina Kuya at Daddy ang magkakasama sa bahay namin sa Sampaloc, Manila. Namatay si Mommy noong ipinanganak niya ako kaya hindi ako nagkaro'n ng pagkakataon na makita siya o maramdaman ang kalinga ng isang ina.

"Sure, basta dumaan ka muna sa talyer to check kung okay na 'yong sasakyan ko. Kapag hindi ka pumunta, hindi kita sasamahan." Aniya.

"Hindi mo ba kayang pumunta ro'n nang mag-isa?"

"May kailangan lang akong tapusin na trabaho rito, bunso. At isa pa, wala ka namang pasok ngayon and I'm sure na puro shopping lang ang gagawin mo ngayong araw."

I sighed. Kun'di lang talaga para sa midterms ko, hindi ako magpapakahirap na puntahan ang talyer na 'yon.

t

"Kuya, asan na ba 'yong sinasabi mong talyer dito? Kanina pa ako naghahanap dito." Reklamo ko kay Kuya Anton sa telepono. Kanina pa ako paikot-ikot sa kahabaan ng España, pero hindi ko naman makita ang sinasabi niya.

"Basta, tignan mo lang 'yong address na sinend ko, tapos, kapag lumundag na ang puso mo, 'yon na 'yon."

"The hell? Ano'ng pinagsasabi mong—"

Napatingin ako sa phone ko. Binabaan niya ako ng tawag! Alam naman niyang inis na inis ako sa ganoon. At anong pinagsasabi niya na lulundag ang puso ko? Ang weirdo talaga ng kapatid ko.

Matapos ang ilang minutong pag-iikot at pagtatanong ay namataan ko rin ang sinasabi ni Kuya Anton na talyer. Mausok at mainit ang lugar, kaya panay ang pagpaypay ko gamit ang kamay.

Sa may bandang entrance, nilapitan ko ang isang matandang lalaking abala sa pagbabaklas ng gulong ng sasakyan.

"Excuse me po, nandito po ba 'yong sasakyan na ipinagawa ni Anton Delgado? Heto po 'yong resibo." Ipinakita ko sa kaniya 'yong resibo.

Umangat ang ulo niya at tumingin sa'kin. "A, 'yong itim ba na sasakyan kamo? Nandoon o, inaayos pa ng bata ko," aniya, sabay turo do'n sa sasakyan ni Kuya na nasa likod katabi ng ilang sasakyan na nakahilera at ginagawa rin.

"Salamat po," sagot ko sa kaniya.

Maingat kong hinakbangan ang mga nakabalandrang tools, makina, at gulong habang papunta sa sasakyan ni Kuya Anton. Noong marating ko ang sasakyan niya, nakita ko ang lalaking gumagawa nito. Nakapailalim siya sa sasakyan, kaya naman, ang ibabang bahagi lang ng katawan niya ang nakikita ko.

"Uh, excuse me, Manong, mga anong oras matatapos 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Walang sagot.

"Excuse me? I said, mga anong oras po ba matatapos 'yan para ma-pick up na ng kuya ko ang sasakyan. My gosh, ang init dito, ha!" reklamo ko.

'Di nagtagal ay lumabas ang lalaking gumagawa ng sasakyan ni Kuya. Kulay puti ang suot niyang shirt na ipinares sa maong na pantalon. Matangkad siya at maputi kung tignan. Ayon nga lang, punong-puno ng dumi ang mukha niya.

"Magandang umaga," pagbati niya sa'kin sabay ngiti. In fairness, ang puti ng ngipin niya, ha.

"Umaga lang, walang maganda," sagot ko.

Ano ba ito? Manggagawa o taong-grasa?

"Paumanhin kung ganito ang hitsura ko, kanina pa kasi ako nagtatrabaho para maayos itong sasakyan ng kuya mo." Paliwanag niya. At nagkuwento pa talaga siya!

Hindi ko pinansin ang explanation niya. "Kailan ba matatapos 'yan, Manong?"

Natawa siya. "Huwag mo naman akong tawaging manong, halos ka-edad lang yata kita." Ipinatong niya ang kamay sa bubong ng sasakyan, kaya nakita ko nang bahagya ang braso niya. Umiwas ako ng tingin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Sure ka? Mukha ka nang gurang sa akin," puna ko.

Sumilay ulit ang ngiti sa labi niya. Tanging bibig lang naman niya ang nakikita ko nang maayos dahil sa bumabalot na makapal na dumi sa mukha niya.

"Sa Sabado, makukuha na ng kuya mo itong sasakyan niya. Ako na lang ang tatawag sa kaniya." Wika niya.

"Fine. Just make sure na sa Sabado na talaga, para hindi na ako bumalik sa lugar na ito." I said.

"Ikaw rin, baka ma-miss mo ako kapag hindi ka bumalik dito," tugon niya. What the!

"Excuse me? Masiyado na yatang marami ang nalanghap mong usok kaya nagkakaganiyan ka." Tudyo ko.

"Nakakatuwa talaga kapag napipikon ka," pakli niya. "Hindi ka nagbago."

"What?"

Inilahad niya ang kamay sa'kin. "Ako nga pala si—"

"I don't care," sagot ko sabay irap sa kaniya. As if naman hawakan ko ang maputik at marumi niyang kamay.

Napailing siya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Ikaw talaga," sambit nito. "Mag-iingat ka pag-uwi."

Tinalikuran ko na siya at nagmadaling lumabas ng talyer. Hindi ko namalayang napalingon ulit ako roon, at nairita ako noong makita kong kumakaway ang lalaking nakausap ko na parang masaya pa siya sa ginawang pang-aasar sa'kin.

Binaling ko na lang ang atensiyon ko sa kalsada. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon, at habang papalayo ako sa talyer na 'yon, hindi ko maipaliwanag ang pananabik na nararamdaman ko.





"Lia, ang tagal mo namang mag-ayos," narinig kong reklamo ni Kuya mula sa labas ng patahian. Sinamahan niya kasi ako rito gaya ng napag-usapan.

"Wait, Kuya, ang hirap naman kasing suotin nito." Naiirita kong sinabi habang inaayos ang filipiniana na susuotin ko para sa Buwan ng Wika event ng school.

"By the way, hindi na ako babalik sa talyer na iyon," dagdag ko. "'Pag inutusan mo pa ako ro'n, isusumbong kita kay Daddy."

"Nagkita na ba kayo?" tanong niya na labis kong ipinagtaka.

"Nino? Ni Daddy?"

"Noong lalaki sa talyer na nag-ayos ng sasakyan ko?"

"Yes. Alam mo, ang manyak ng matandang iyon, kumaway-kaway pa pag-alis ko."

"Hindi matanda iyon, Lia," saad niya na halatang natatawa. "Judgemental ka lang talaga."

"Well, sinasabi ko lang ang totoo."

Kinatok niya ang pinto ng dressing room. "Dalian mo—"

Bago pa siya magwala ay binuksan ko na ang pinto, dahilan para mapaatras siya sa kinatatayuan niya. Noong makita niya ako na suot ang makalumang pananamit na kulay krema, halos mapanganga siya.

Kinuha ni Kuya Anton ang kamay ko at iginiya ako sa harap ng malaking salamin kung saan kita ang buong kasuotan ko.

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ko. Kagaya niya, I was speechless for a moment. Ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng makalumang damit, at hindi ko itatanggi na ang ganda pala nitong tignan sa'kin. Hindi ko napigilang ngumiti.

"Ang ganda mo, bunso," saad ni Kuya na manghang-mangha sa'kin habang parehas kaming nakatingin sa salamin. "Masaya ako para sa'yo."

Tumaas ang isa kong kilay. "Uh, thanks?"

Iniayos ko ang nakalugay kong buhok. Sanay naman akong magsuot ng magagandang damit, pero iba ang epekto ng suot ko ngayon.

Hinarap ko si Kuya Anton at ngumiti. "Bagay ba?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi hugger si Kuya, kaya naman, sobra akong nagulat noong ginawa niya iyon. May kakaibang aura din ang bumabalot sa kaniya, na parang ang saya-saya niya.

Bakit ang weird ng mga tao sa paligid ko ngayon?





DUMATING NA ang araw ng Buwan ng Wika sa university namin. Maaga akong gumising para mag-ayos dahil gusto kong maging presentable ngayong araw na 'to.

Sobrang tagal kong nakatingin sa salamin sa kuwarto ko. Sinuklayan ko ulit ang nakalugay kong buhok na kinulot ko nang kaunti. Hindi kasi ako mapakali sa hindi maintindihang dahilan.

Narinig ko na ang pagbusina ng sasakyan ni Kuya Anton mula sa labas ng bahay. Dali-dali naman akong bumaba at sumakay ng sasakyan niya.

"Ayos lang ba, Kuya? Maganda ba?" tanong ko sa kaniya.

"Tatlong oras kang nag-ayos, hindi pa ba maganda 'yan?"

Umirap ako sa kaniya. Isinalpak ko na lang ang earphones ko at pinatugtog sa phone ang Moonlight Sonata ni Beethoven. Bata pa lang ako ay paborito ko na ang tugtog na ito.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid sa labas, pakiramdam ko ay nasa pelikula ako kung saan ako ang bida. Abala ang mga tao sa kani-kanilang gawain, at lahat ay may kani-kaniyang destinasyon kung saan iba-iba ang haharapin naming kapalaran.

Saka ko naitanong sa sarili ko...ano kaya ang kapalaran ko sa mundong ito? Saan kaya ako dadalhin ng agos ng buhay?





NOONG MARATING ko ang school ko, nagulat ako sa kasuotan ng mga tao sa loob. Pakiramdam ko tuloy ay nasa panahon ako ng Kastila. Mukhang mga maginoo ang mga lalaki sa paligid at makukulay naman ang mga baro't saya at filipiniana ng kababaihan.

Nakita ko si Sophia na kapit na kapit sa boyfriend niya. Nilapitan ko siya at itinupi ko ang hawak kong abaniko bago iyon inihampas sa braso niya.

"Sophia, ano ba! Bigyan mo naman ng respeto ang suot mo. Mag ala-Maria Clara ka naman!" puna ko.

Natawa siya. "Hello? Ako ang modernized version ni Maria Clara." Aniya. Tinignan niya ang boyfriend niya. "Honeycakes, iwan mo muna kami ni Lia at sasabunutan ko lang itong kaibigan ko. Hanapin mo muna mga friends mo." Hinalikan pa niya ito sa pisngi.

Tumango naman si Michael at nagpaalam na sa aming dalawa.

Tinignan ako ni Sophia mula ulo hanggang paa. "I never knew na babagay ang ganiyang damit sa'yo. Parang nabubuhay ka talaga noong 1800's," ibinuka niya ang pamaypay na hawak at pinaypayan ang sarili. "Kahit ano ang aking gawin, hindi ko batid kung bakit nalalamangan mo pa rin ako sa kariktan." Pagbibiro niya na parang ginagaya ang paraan ng pagsasalita noon. Kinukumpas pa niya ang pamaypay sa mahinhin na paraan.

Umiling ako. "Hindi bagay sa'yo, Sophia, you look ridiculous." Komento ko. Ako naman ang nagbukas ng hawak kong abaniko. "Nais ko sanang ipagtapat ang pag-ibig ko sa iyo, ang aking pagmamahal ay tapat at dalisay—AY, GINOO!"

Nagitla ako noong maramdaman kong may nakayapak sa dulo ng saya ko. Pagharap ko ay isang pamilyar na mukha ang tumambad sa'kin. "Aba, at sino naman ang malas na ginoong pagtatapatan mo ng pag-ibig mo?" puna niya.

Nandito na naman ang lalaking nakasalamuha ko last week na ubod ng yabang at kapal ng mukha. Si Leo.

"Tama ba ang narinig ko? Na umaamin ka sa isang ginoo?" tanong niyang muli.

Nagningning naman ang mata ni Sophia sa presensiya ni Leo. "Nagpapanggap lang kami ni Lia na kunwari ay nabubuhay kami sa panahon ng Kastila." Paliwanag ng kaibigan ko.

Hinila ko na siya palayo sa lalaking iyon. Narinig ko siya na patawa-tawa pa sa likod. "Tara na sa auditorium, Sophia, baka hindi pa tayo masama sa attendance." Pagyaya ko sa kaniya.

Pagpasok namin ni Sophia, marami nang mga tao ang nasa loob ng auditorium ng university. Magaganap kasi rito ang mga events gaya ng sabayang pagbigkas, pagtula, pag-awit, at pagsayaw sa makalumang pamamaraan bilang pagbibigay importansya sa pagiging Pilipino.

Nasa unahang bahagi kami naupo ni Sophia. Medyo madilim na rin sa loob dahil malapit nang mag-umpisa ang event.

Nag-umpisa ang event sa pagkanta namin ng Pambansang Awit, pagkatapos no'n ay naupo na kami. Malamig sa loob ng auditorium, buti na lang at mahaba ang suot ko ngayon. Kahit papano pala ay komportable ring suotin ang filipiniana.

May mga sumayaw ng Tinikling, Pandanggo sa Ilaw, at Cariñosa. Aliw na aliw naman kami ni Sophia dahil sa nakikita namin lalo na't panay ang pagturo niya sa mga lalaking naguguwapuhan siya. Buti na lang at hindi niya kasama ang boyfriend niya.

"Nakita mo na ba 'yong professor na papalit kay sir Paterno?" bulong niya sa'kin bigla.

Nanatiling nakatuon ang atensiyon ko sa nagtatanghal sa stage. "Nope, why?"

Napasapo siya sa noo. "I'm telling you, kapag nakita mo siya, baka lumambot 'yang matigas mong puso pagdating sa mga lalaki."

"What do you mean? At paano mo siya nakita, e hindi pa nga nagsisimula 'yong klase natin sa kaniya?"

"Duh. Gano'n talaga kapag member ng Student Council. Maraming perks. Naloka nga ang ilan sa mga students na nakakita sa kaniya last week. Sobrang guwapo! As in, para siyang hulog ng langit."

"Well, let's see. To see is to believe, ika nga nila." Tugon ko.

Sa entablado, may umaawit ng Kundiman. Nakakahalina ang boses ng babaeng kumakanta na nakatanggap ng masigabong palakpakan mula sa amin.

Mayroon namang nagsabayang pagbigkas. Sa mukha nila ay mayroong pintura kung saan may disenyo iyon ng bandila ng Pilipinas. Sabay-sabay nilang ibinibigkas ang kinabisadong piyesa.

Ilang oras din ang ginugol ng bawat estudyanteng nagtanghal sa entablado, hanggang sa dumating na ang oras para sa mga estudyanteng sasabak sa pagsalaysay ng tula.

Nagulat ako dahil lumabas mula sa malalaking kurtina si Leo na may hawak na isang papel. Kilig na kilig naman si Sophia sa tabi ko. "Totoo ba 'to, girl? Magtutula siya?"

"Shh, 'wag ka munang maingay." Suway ko sa kaniya.

Noong nasa unahan na siya ng stage ay ngumiti siya sa madla. "Magandang umaga sa inyong lahat," panimula niya. "Narito ako ngayon upang handugan kayo ng isang tula mula sa aking butihing kaibigan. Siya ang sumulat ng tulang ito at nais ko 'tong ibahagi sa inyo."

Kahit iritable ako sa kaniya, itinuon ko ang buong atensiyon ko kay Leo.

Napabuntong-hininga siya bago sinimulang basahin ang tula.

Narito ako ngayon sa Karagatan ng Hangganan kung saan kita huling nakita.

Ilang taon man ang lumipas ay hinahanap ko pa rin ang iyong presensiya.

Sa mga gabing nag-iisa ako, umaasa ako na masisilayan ko ang iyong mga ngiti kahit sa panaginip lamang.

Ang pagmamahal mo ay ang nagbigay sa akin ng lakas. Lakas upang lumaban at lakas upang ipagpatuloy ang ating nasimulan.

Bumaling ang tingin ni Leo sa'kin habang binabasa niya ang piyesa ng tula. Tila wala na akong marinig kun'di ang mga sinasabi niya lang.

Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti, ngiti na parang may ibig siyang iparating sa'kin.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa.

Sa muli nating pagkikita, maaalala mo pa kaya ako? Ako pa kaya ay tawagin mo sa aking ngalan na kay sarap pakinggan kapag nanggagaling sa'yo?

Dibale, kahit ano'ng mangyari ay ikaw pa rin naman ang iibigin ko.

Mahal kita, at umaasa ako na darating ang araw na pagbibigyan na tayo ng panahon.

Itinupi na ni Leo ang hawak na papel na naglalaman ng tula.

Nagpalakpakan ang mga estudyante at naghiyawan sila nang dahil sa narinig.

Hindi nawala ang titig ko kay Leo. Napatango siya nang ilang beses habang nakangiti sa'kin. Napahawak ako sa puso kong walang awat sa pagkabog.

Bakit ganoon na lang ang epekto ng tulang binasa niya sa entablado?

Nag-bow na siya at nagpasalamat sa madla.

Napalingon ako kay Sophia sa tabi ko na maluha-luha na pala. Kumuha pa siya ng tissue galing sa bag. "Sino naman ang gagawa ng ganoon? Sobrang nakakalungkot." Aniya.

Muli akong napatingin sa entablado. May mga sumasayaw na ro'n, pero wala na ang focus ko sa kanila dahil sa tulang iprinisinta ni Leo.

Napalinga ako sa paligid sa pag-asang makita ko si Leo, pero sa kasamaang palad, wala na siya.

"Lia, ano'ng nangyari sa'yo at para kang nakakita ng multo?" kinalabit ako ni Sophia.

"S-Si Leo, nakilala na ba natin noon ang lalaking iyon? Parang pamilyar siya sa akin, e."

"What? Ngayon lang nagpakita ang guwapong nilalang na 'yon sa buhay natin. Bakit, bet mo?"

"Hindi...parang kilala ko talaga siya." Tugon ko.

"Hay nako, Lia. Noong nakaraan, sabi mo na napanaginipan mo ang isang binatang heneral, tapos ngayon, parang kilala mo ang lalaking nagbasa ng tula? Kakabasa mo 'yan!"

Napasandal na lang ako sa upuan. I closed my eyes and I tried to distract myself from the things na gumugulo sa'kin.





AFTER THE event, isa-isang nagbukasan ang mga ilaw sa auditorium. Isa-isa ring naglabasan ang mga estudyanteng pinag-uusapan ang tungkol sa mga napanood nila. Alas-siete na rin ng gabi noong lumabas kami ni Sophia.

"I did not expect na ma-e-enjoy ko ang performances kanina," ani Sophia na panay ang pagse-selfie sa bawat anggulo ng kaniyang mukha. "Ikaw, Lia?"

Siniko niya ako noong mapansin na tahimik pa rin ako. "Hello? Nako, kanina ka pa wala sa sarili, Lia. Sinasapian ka na ba?"

Napahawak ako sa leeg ko. Hindi ko nakapa ang kuwintas na palagi kong suot. Hinawakan ko kaagad si Sophia sa braso. "Pia, nakita mo 'yong kuwintas ko?"

"Ano'ng kuwintas?" tanong niya.

"'Yong may pendant na maliit na orasan. Nakita mo ba?"

Umiling siya. "Hindi, bes. Sorry." Aniya.

Yumuko ako at tinignan ang sahig. "Hindi puwedeng mawala iyon, Sophia," nag-aalala kong sinabi sa kaniya.

"Wait, bakit ba sobrang halaga ng kuwintas na 'yon sa'yo? Marami pa namang kagaya no'n siguro." Wika niya.

"Hindi mo naiintindihan. Naalala mo noong ikinuwento ko sa'yo na ibinigay iyon ng isang batang lalaki na nagligtas sa'kin sa tulay noong bata pa ako?"

"'Yong batang tinutukso ko na first love mo?"

Umirap ako. "Oo, Sophia, kaya hindi puwedeng mawala 'yon."

Pinauna ko na si Sophia dahil ayaw ko namang maabala siya. Tumingala ako sa langit. Kitang-kita ko ang bilog na buwan kung nasaan ako ngayon.

Naisipan kong bumalik sa auditorium dahil baka do'n ko nahulog 'yong kuwintas. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko namalayan na nakayapak ako ng sapatos ng isang lalaki.

"Sorry," sabi ko. Muntik pa akong matapilok pero maagap niya akong naalalayan sa siko.

Noong tignan ko siya ay halos matulala ako sa angkin niyang kakisigan. Matangkad, moreno, at matapang ang kaniyang mukha. Suot niya ang itim na kamiso at brown na pantalon. Bagay na bagay sa kaniya iyon.

Sandali siyang napatingin sa'kin. "Mag-iingat ka sa susunod," aniya, at kahit hindi ko naman siya kilala ay nginitian niya ako. Inialis din niya kaagad ang kamay niyang nakaalalay sa siko ko.

"S-Salamat," nahihiya kong tugon.

"Lampa ka pa rin pala talaga," narinig kong bulong niya. Napailing pa ito at napayuko na parang itinatago ang ngiti sa labi.

"What?"

"Wala," bakas ang pagiging tahimik at seryoso ng taong nasa harapan ko ngayon.

Natauhan ako sa boses ng isang lalaking sumigaw. Papalapit siya sa'min ngayon. "Manuel! 'Wag mo nang pormahan 'yan!" nagulat ako dahil ang nagtatawag pala sa kaniya ay si Leo.

Manuel pala ang pangalan niya.

"Nakilala mo na pala ang kaibigan ko," wika niya. "Guwapo, 'no? Mas guwapo naman ako. Pero, mas guwapo 'yong isa ko pang kaibigan. Nasaan na ba 'yon?"

Siniko siya ni Manuel na halatang nahihiya sa panunukso ng kaibigan. "Tumigil ka nga," awat niya rito.

Inakbayan naman siya ni Leo. "Tara na, baka masaktan ka na naman kay Lia. History repeats itself, ika nga nila."

Ano'ng pinagsasabi nito?

Tumingin ulit sa'kin si Manuel. "Pagpasensiyahan mo na 'tong kaibigan ko, Lia," pabiro niyang sinuntok sa braso si Leo. "Paano ba 'yan? Mauuna na kami." Paalam niya.

"S-Sige,"

"Paalam, Lia," aniya.

Ginulo ni Leo ang buhok niya. Panay pa rin ang panunukso nito sa kaniya hanggang sa makaalis na silang dalawa. Napakurap na lang ako nang ilang beses. Ang weird talaga ng lahat.

Saka ko naalala ang kailangan kong gawin. Pumasok na ako sa loob ng auditorium at sinalubong ako ng tahimik at madilim na lugar. Wala na kasi ang mga estudyanteng nandito kanina.

Sa entablado, dim light na kulay dilaw lang ang mayro'n. Napansin ko rin ang itim na piano na nakapuwesto sa gilid ng stage.

Inilabas ko ang phone ko at binuksan ang flashlight. Inilawan ko ang sahig at ang mga upuan sa pag-asang makita ko ang kuwintas. Nag-umpisa ako sa likod hanggang sa mapunta ako sa bandang gitna. Hindi ko mapigilang malungkot dahil hindi ko pa rin iyon mahanap. Pakiramdam ko tuloy ay sobra akong naging pabaya.

Iniangat ko nang konti ang saya ko dahil naaapakan ko na iyon. Katawa-tawa siguro akong tignan dahil halos gumapang na ako sa carpet, mahanap lang ang kuwintas na 'yon.

Hanggang sa isang pangyayari ang nagpatigil sa'kin.

Sa entablado, isang lalaki na nakasuot ng puting kamiso ang tumutugtog ng Moonlight Sonata sa piano. Nakatalikod siya sa'kin habang naghahari ang napakagandang musika na nagmumula sa kaniya.

Kagyat kong nakalimutan na may hinahanap pala ako. Hindi ko maintindihan kung bakit dinala ako ng sarili kong paa palapit sa taong tumutugtog ng piano. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa aking puso na tila nagwawala ngayon.

Para akong hinihila palapit sa kaniya. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, nagdudulot iyon ng bugso ng damdamin na hindi ko mawari. Magkahalong saya, lungkot, at takot ang namamahay sa puso ko ngayon.

Hindi niya napapansin ang dahan-dahan kong paglapit sa kaniya dahil abala siya sa pagpipiyano. Isang estranghero ang tumutugtog ng musika na kilalang-kilala ko.

Dumaan ako sa gilid ng entablado at inakyat ang kaunting baitang ng hagdan.

Hindi pa man niya ako nakikita, huminto na ang musika.

Iniangat niya ang ulo at nagtama ang tingin namin.

Parang alam niya na nandito ako...alam niya na darating ako.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Tumayo ang misteryosong lalaki. Matangkad, maputi, at matangos ang kaniyang ilong. Ang mga mata niya'y mapungay at may ngiti siyang nagdadala ng liwanag sa buong silid.

Noong makalapit siya sa'kin nang tuluyan ay mas lalo kong nakita ang hitsura niya. Sobrang amo ng mukha ng binatang nasa harapan ko, animo'y isang anghel kung titignan.

Siya. Siya ang lalaking laman ng panaginip ko. Siya ang lalaking iginuhit ko. Hindi ako puwedeng magkamali.

"Magandang gabi, Binibini." Pagbati niya sa'kin. Napatingin ako sa kasuotan kong makaluma. Kaya siguro ganoon na lang ang pagbati niya.

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Gulong-gulo ang utak ko ngayon.

Kinapa niya ang bulsa at inilabas ang isang kuwintas. "Hinahanap mo ba ito?" tanong niya.

Kinuha ko ang kuwintas mula sa kamay niya nang hindi man lang sumasagot. Para akong naparalisa sa presensiya niya.

Napansin ko ang mga nakapatong na libro at papel sa ibabaw ng piano. Masiyadong marami iyon para sa isang estudyante.

"P-Professor ka?" sa wakas ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob magsalita.

Tumango siya. "History professor," paglilinaw niya. "Alam mo naman na pangarap ko na 'yon dati pa." Sumilay ang napakagandang ngiti sa labi niya.

Dati pa.

Sa sinabi niya ay parang may mga alaala kaming pinagsamahan.

"Gano'n po ba?" inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Ako pala si Lia," pagpapakilala ko. Kinamayan naman niya ako at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko noong magkahawak ang kamay namin.

Yumukod ako sa kaniya bilang respeto. "M-Mauuna na po ako, sir, pasensiya po at naabala pa kita. Salamat po sa kuwintas, mahalaga kasi talaga sa'kin 'to." Binitawan ko na ang kamay niya.

Tinalikuran ko na siya at humakbang palayo, hanggang sa narinig ko ang pagtawag niya sa'kin, dahilan para matigilan ako.

"Dalia..."

Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya sa pangalan ko.

Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Walang imik at walang galaw.

"Kumusta ka?" tanong niya. "Pangit na siguro ako kaya mo ako tinatalikuran," malambing at banayad ang boses niya. Lalo pang naantig ang puso ko noong bahagya siyang natawa.

Hindi ko pa rin siya hinaharap. Napaatras ako noong magsimulang magbago ang paligid ko. Unti-unting naglaho ang auditorium kung nasaan kami at napalitan iyon ng kalsada kung saan maraming kalesa sa paligid. Para kaming napunta sa panahon ng Kastila. Nakasuot ng mga makalumang damit ang mga tao at lahat sila ay abala sa kani-kanilang gawain. Nagtataka akong napatingin sa kanila, ngunit parang hindi naman nila ako napapansin.

Noong harapin ko ang lalaki, binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

Habang pinagmamasdan ko siya nang matagal, tila daan-daang alaala ang bumalik sa aking isipan. Ang lahat ng sakripisyo, sakit, at ligaya na pinagsaluhan namin sa nakaraan ay muling nanumbalik sa kasalukuyan.

Sa lugar kung saan ang lahat ay gumagalaw, kami ang nanatiling nakahinto.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi na kailangan ng salita. Sapat na ang mga mata naming nagsisilbing instrumento sa damdamin na nais ipagsigawan.

Sa isang iglap, nakilala ko na ang kaninang estranghero lang sa akin. Nahanap ko ang kasagutan sa kaniyang mga mata.

Humakbang ako palapit sa kaniya nang may luha sa aking mata.

"Vicente..." pagsambit ko sa ngalan niya.

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mata niya. Bagama't may kaba akong lapitan siya, hinayaan ko ang sarili ko na punasan ang luha niya sa pisngi. Totoo nga ang lahat. Totoong nandito siya sa harap ko.

Parehas naming hindi mahanap ang salitang nais naming sabihin...parehas kaming hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Hi," nakangiti kong sinabi. "Inte..."

"Hi," lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi. "Akala ko, hindi mo na ako maaalala."

Hindi ko na napigilang yakapin siya. Sobrang pamilyar pa rin ng amoy niya sa'kin. Ipinulupot niya ang kamay sa baywang ko at hinaplos ang buhok ko. Sa piling niya ay protektadong-protekado pa rin ako.

Noong magkawalay kami sa pagkakayakap ay hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

Noong mapatingin ako sa paligid ko, bumalik na kami sa entablado ng auditorium. Nawala na ang mga kalesa at ang mga taong naka-kamiso at baro't saya.

Bumaba siya ng entablado, dahilan para magulat ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Inilahad niya ang kamay sa'kin. Hinawakan ko iyon at hinalikan niya ang kamay ko.

"Sa wakas," aniya. Punong-puno ng emosyon ang kaniyang mga mata. "Sa wakas, Dalia."

Hindi pangkaraniwang pakiramdam ang kumintal sa puso ko gayong nasa harap ko na siya. Kahit nasa iba na kaming katauhan, parehas naming batid ang mga alaalang pinagsaluhan namin sa nakaraan.

Ito ang kuwento naming dalawa na minsa'y sinubok ng panahon.

Isang daan at tatlumpu't isang taon.

Wakas

Continue lendo

Você também vai gostar

62.8K 3.9K 52
Thou shall fear humans. --- *Season One: Left.* *Season Two: Returned.* *Season Three: Despair.* Date Started: 12/25/17 Date Ended: 12/01/20
31.9K 1.5K 76
Ito ay ang istorya ng isang arista na nasanay na mag isa, isa syang magandang artista ngunit masama ang kanyang ugali lalo na sa mga lalaki, galit na...
220K 12.7K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
Detective Buddies De Nathalia

Mistério / Suspense

11.6K 376 50
Solve and be stressed with Vivienne and Aiven. Let's join their mysterious experiences and travels. Who is the devil behind those innocent face? Star...