South Boys #1: Kiss Master (P...

Av JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... Mer

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 19

180K 10.5K 7.7K
Av JFstories

AFTER THE PROM, hinatid ako ni Arkanghel pauwi sa amin nang nakamotor. As in, nakagown ako at siya nakatux pero nakamotor kami. Napapatingin ang mga nadadaanan namin sa amin. Panibagong kakaibang experience na naman.


Hindi naman delikado kasi wala nang masyadong sasakyan noong madaling araw. Mabagal lang rin magpatakbo si Arkanghel plus we're wearing helmets.


"Problema ni Hugo?" siniko ako ni Carlyn.


Monday at nag-aayos kami ng requirements para sa paparating na clearance namin.


"Ewan," tamad na sagot ko dahil busy ako sa ginagawa ko. Ako kasi ang inutusan ng teacher namin na magcheck ng index card ng mga classmates ko for the last period.


"Di mo ba alam?" panay salita si Carlyn habang nags-stapeler ng mga naipon niyang essay. "After nang prom, najombag 'yan ni Mrs. Aguilar. Gago lang kasi, sa mismong convention ba naman niya niyari iyong jowa niya. Iyong maganda, pero laging tabingi ang kulot ng buhok at hindi pantay ang blush on."


Napangiwi ako. Nabalitaan ko nga iyon. Balita ko rin, nakainom si Hugo. Ang tanong lang, paano nakapuslit ang alak sa convention? At bakit nag-inom si Hugo?


Ah, bakit ba naitatanong ko pa? Syempre ang sagot ay dahil in born pasaway siya. Nakakadiri at doon pa niya talaga sa prom naisipang gumawa ng milagro with his new girlfriend. As in new dahil doon lang sa prom mismo naging sila.


Maaga ang uwian namin ngayon dahil may meeting. Nauna akong lumabas dahil idinaan ko pa ang mga index cards sa faculty. Paglabas ko ay nakita ko si Jordan na nakatayo at patingin-tingin sa suot na wristwatch. Naka-uniform pa siya ng pang DLSU. Kulay itim ang backpack na nasa likod niya.


May mga dumaraan na napapatingin sa kanya. Iyong isa, hindi na nakatiis at tinawag siya. "Jordan, 'ginagawa mo rito?"


"Jordan, sa La Salle ka pala. Bagay sa 'yo uniform mo."


"Hi Jordan! Lalo kang gumuwapo, ah!"


Pero kahit sino sa kumausap o bumati sa kanya, hindi naman niya pinapansin. Typical Jordan Moises Herrera, Hindi pa rin siya nagbabago, suplado pa rin.


Ako naman ang tumawag sa kanya. Siguro hindi naman niya ako i-snobin dahil nagkakilala na kami noon. Madalas pa nga, naiiwan kami sa faculty kapag dumadalaw siya sa mommy niya. "Hi Jordan, hinihintay mo ba si Carlyn?"


Binanggit ko rin si Carlyn para talagang hindi niya ako snobin. Pero tiningnan niya lang rin ako. Ouch.


Hindi ko pinansin ang kasupladuhan niya. Ngumiti ako nang matamis. "Nag-CR lang siya. Pupunta na iyon dito. Saka tanda mo ba ako? I'm Susana Alcaraz. Sussie for short. Lagi tayo nagkikita sa faculty noong hindi ka pa graduate-"


"Ok," sagot lang niya. Iniwas na rin niya ang paningin sa akin.


Ok...


"Baby!"


Nananakbo si Carlyn palapit sa amin. Hinihingal-hingal pa siya.


"Bakit ka ba tumatakbo?" sita ni Jordan sa kanya pero sa mahinahon namang boses.


"Exercise!" nakatawang sagot naman ni Carlyn. "Ito naman, hindi naman krimen tumakbo. Masakit nga lang sa boobs kasi naalog—"


"Carlyn!" Ako na ang sumita sa kaibigan ko dahil mukhang hindi na comfortable si Jordan. In fact, namumula na ang mukha ng lalaki.


Tatawa-tawa pa rin si Carlyn. "Sussie, si Jordan nga pala. BF ko. Jordan, she's Sussie. My best friend. Alam ko namang nagkikita na kayo before but since taong robot 'tong BF ko, alam ko rin na di pa kayo nagkakakilala nang formal."


Jordan just nodded at me.


"See?" Carlyn laughed again. "Snob 'to sa personal pero wag ka, girl. Kapag kami na lang, malikot 'to."


"Stop it," namumula na bulong ni Jordan sa kanya.


Ano ba? Hindi ba siya nakakaramdam na hiyang-hiya na si Jordan sa pinagagagawa niya?


"Ah, sige, girl. Alis na kami." Ibinigay niya na ang bag niya sa lalaki. "Pupunta kami sa kanila e. Excited na akong bwisitin si Jillian."


"Ingat kayo," sabi ko na lang. Wala talagang preno ang bibig niya. Ako na ang nahihiya para sa kanya.


Hindi ako nag-aalala kay Carlyn dahil alam kong mabait at matino si Jordan. Ang alam ko nga, never nanligaw o nagka-GF si Jordan kaya mukhang seryoso ang lalaki sa kaibigan ko. Hindi iyon katulad ng ibang guys na magti-take advantage o lolokohin siya.


Worried lang ako dahil sa tingin ko, masyadong matino, seryoso at matured si Jordan para kay Carlyn. Baka magcrash ang mga ugali nila. Sana lang maging okay sila. Sana rin dahil kay Jordan, makalimutan na ng kaibigan ko si Isaiah.


"Sila ba?"


Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pag-uusap ng mga estudyanteng nakatambay sa pahabang upuan na gawa sa semento. Mga nagce-cellphone sila pero pasulyap-sulyap sa akin.


"Siya lang ang isinayaw ni Arkanghel."


"Ang sweet pa nga nila. Nagsolo rin sila ng table."


"Ang taba naman niyan." Sinundan pa ng tawa.


Sana naisip man lang nila na hindi mahina ang boses nila para hindi ko marinig.


"Kaya nga. At least si Zandra, sexy."


"Kawawang Zandra. Wala na kasi rito kaya ipinagpalit na. Uso talaga agawan ngayon," sabi naman ng isa.


Sa gate ay naroon na si Arkanghel at naghihintay sa akin. Dala niya ngayon si Wolf, ang matte black niyang Click. Inabutan niya agad ako ng helmet.


Helmet na kulay pink. Cute lang iyon, hindi takip na takip ang mukha. Binili niya iyon from his own baon para magamit ko kapag aangkas ako sa kanya.


"Thanks," sabi ko at umangkas na. Patagilid ang angkas ko dahil ayaw niya na nakabukaka ako sa motor dahil nakapalda ako.


Pagkapaandar niya sa motor ay kumapit na agad ako sa bewang niya. Kung noon ay ilang na ilang ako, ngayon hindi na. Manigas ang lahat ng makakakita sa amin. Mainggit sila. Mainggit sila sa mataba!


Dahilan din kaya dala ni Arkanghel ang motor niya ngayon ay dahil birthday ni Isaiah. Doon kami sa kanila ngayon didiretso. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makikilala ko ang parents ni Arkanghel.


Sa labas pa lang ay natatanaw ko na ang mga tolda sa loob. Naririnig na rin namin ang tunog ng videoke. Mukhang nagsisimula na ang birthday party ni Isaiah.


"Marami bang inimbita si Isaiah?" tanong ko pagbaba ko ng motor ni Arkanghel.


Sa labas niya lang ipinarada ang motor dahil sa garahe nila nakatirik ang tent plus pa ang mga mesa at upuan sa loob na para sa mga bisita.


"Hindi. Onting relatives lang na taga Sta. Clara, Pabahay saka Tierra Nevada. Sa schoolmates naman, sina Miko lang."


Pupunta rin kaya ngayon si Vivi? Tanong ko na sinarili ko na lang.


Dahil iisang compound lang sila ni Isaiah ay pagpasok sa gate, nandoon na agad ang mga bisita. Hindi naman maraming bisita pero may nag-iinuman din sa gilid na tingin ko ay mga kamag-anak nila.


"Anghel, sino 'yan?" isa sa mga nag-iinuman ang tumawag sa kanya. "Aba, binata na si Anghel o."


"Schoolmate ko, Tito," sagot niya. "Si Sussie po."


"Aba, magaling pumili, ah. Ang ganda. Samahan mo na lang magjogging," biro ng tito niya.


"Sa side 'yan ng papa ko," bulong niya sa akin. Inaalalayan niya ako papunta sa bahay nila. "Pasensiya ka na, maloloko talaga mga tito ko."


Hindi naman ako na-offend dahil biro lang naman. Saka mukha namang mababait ang mga relatives ni Arkanghel. Saka sinabi namang maganda ako, okay na iyon.


Ah, kung ganoon ay sa side siguro ng father niya namana ang kulay grey niyang mga mata. Lahat kasi ng nasa labas ay bagamat may mga itsura, wala namang mukhang foreigner.


"Dito na ako, Ma. May kasama ako."


Kung anong ikina-ingay sa labas ay siya namang ikinatahimik sa loob ng bahay nila Arkanghel. Saradong-sarado ang mga bintana.


Mula sa kusina ay lumabas ang isang petite na babae. Sa tantiya ko ay nasa forties. Naghahalo ang tapang at lungkot sa maputlang mukha. "Good afternoon po," magalang na bati ko kahit kinakabahan.


Tiningnan niya lang ako saka binalingan si Arkanghel. "Sino naman 'yan? Nasaan si Zandra?"


Napakamot naman ng ulo si Arkanghel. "Di ko alam, Ma. Di naman kami nagkakausap noon."


"Hindi mo kasi kinakausap. Hindi mo nga raw siya nire-replyan."


Nang makababa na sa sala ang papa ni Arkanghel ay tumingin siya sa amin. "Arkanghel, dalhin mo muna 'yang kaibigan mo sa kabila, anak." Nagulat ako nang makitang hindi grey ang mga mata niya. Kung ganoon, kanina nagmana si Arkanghel?


Ni isa sa mga magulang niya ay wala siyang kamukha—


Naramdaman ko ang paghawak ni Arkanghel sa kanang kamay ko. "Doon na lang muna tayo kina Isaiah." Seryosong-seryoso ang mukha niya nang tingalain ko siya.


"Kiel, 'wag mo na akong pinapakialaman! Pinaglololoko mo lang ako kaya wala kang karapatang pakialaman ako!" Naghysterical na ang ginang.


Lumapit ang papa ni Arkanghel para pigilan sa pagwawala ang asawa. "Roda, ano ba?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo! Lahat na ibinigay ko sa 'yo! Ano pa bang kulang ko?!"


"Wag mo akong lokohin, iyon ang gusto ko, Kiel! Ibalik mo ang anak ko! Ang anak ko! Hayup ka wala kang kwentang asawa!"


"Nandito ang anak mo at may bisita siya! Mahiya ka naman!"


Nagpatianod na ako sa paghila ni Arkanghel. Ramdam ko sa pagkaseryoso niya na nahihiya siya sa akin dahil sa mga magulang niya.


"Pasensiya ka na sa parents ko. Hindi ko alam kung bakit bumalik na naman sila sa pag-aaway nila..."


"Okay lang..." mahinang sabi ko.


Tumingin siya sa akin.


"Okay lang talaga." Ngumiti ako. "Tara na kina Isaiah. Excited na akong kumain e. Ano ba mga handa niya?"


Saka lang siya ngumiti at napailing. "Oo na tara na."


Maraming handa si Isaiah at mababait ang parents niya. Inasikaso kami agad nang pumasok kami sa bahay nila. Si Isaiah naman ay hindi na maalis ang atensyon sa hawak na cellphone.


"Wag mo nang hintayin, di na iyon darating," tukso ni Arkanghel. Nasa iisang sofa lang kami magkakatabing nakaupo.


"Pwede ba? Si Sussie na lang pakialaman mo, wag ako!" Mukhang mabilis mapikon ngayon ang birthday celebrant.


"Isaiah, ano ba 'yan?" Malaking babae ang mama ni Isaiah pero mukhang mabait. Lumapit ito sa amin at pinamewangan ang anak. "Sino ba ang hinihintay mo? Babae? Sinasabi ko sa 'yo, pag-aaral ang unahin mo! Wag mong sayangin ang pagpapakahirap ng ama mo sa abroad para mapag-aral ka!"


Mama ni Isaiah. Mabait na medyo matapang pala ang dating nito.


"Mama naman!"


"Hala, maghugas ka roon ng plato!"


"Mama, birthday ko, paghuhugasin mo ko ng plato!"


Nang umalis na ang mama niya ay sinitsitan ko si Isaiah. "Kayo pa ba ni Vivi?"


Lalo siyang sumimanggot. "Di na muna."


"Arkanghel, kuha mo pa ako. Pansit naman." Ibinigay ko ang plato ko kay Arkanghel dahil katatapos ko lang maubos ang kanin at ulam. "Palagyan din ng salad, ha? Penge rin Coke!" habol ko kay Arkanghel.


"Ano pa? Gusto mo iyong buong lechon, dalhin ko rin dito?"


Sinamaan ko siya ng tingin kaya ayun, umalis na siya.


Binalingan ko ulit si Isaiah sa tabi ko nang dalawa na lang kami sa sofa. "Anong di na muna kayo ni Vivi? Pwede ba iyon?"


Nagkibit-balikat siya. "Basta hindi muna kami. Pag namiss ako nun, makikipagbalikan iyon. Bale, stand by lang ako."


Napanguso ang nagmamantika ko pang mga labi. "Ang gulo niyo."


"Siya lang magulo."


Nang makabalik si Arkangel ay nagback to eating na ulit ako. Bago niya ako inihatid sa amin ay ipinagpabalot niya pa ako ng ulam sa mama ni Isaiah para maiuwi ko sa amin.


Finally the day of our graduation has come. Umaga pa lang, nalululuha na si Tatay Bear na akala mo gagraduate na ako ng college. Sa sobrang pamumugto ng mga mata niya, nauna na muna ako sa school. Doon din kasi gaganapin ang gradaution.


Bago magsimula ang ceremony ay pumunta pa ako sa room para makapagpaalam sa mga classmates ko. Everyone is busy and excited. May mga nagpapaalaman, umiiyak at nagpapalitan ng goodbye letters.


Matapos kong makipag-usap sa mga kaklase ko ay hinanap ko si Carlyn at Hugo. Sila lang kasi ang wala rito.


"Sussie!" humahangos ang kaklase kong si Mayette. Bitbit niya na ang toga niya.


"O Mayette, bakit?"


"Sina Carlyn at Jillian..." humihingal siya. "Nasa likod ng building ng Grade 7!"


"Ha? Anong ginagawa roon?" At bakit magkasama sila? Hindi naman sila close, ah?


"Puntahan mo sila!" Hinawakan ako ni Mayette sa braso. "Nagsasabunutan sila!"


Nang magsink in sa akin ang sinabi niya ay agad kong tinabig ang kamay niya at saka ako nanakbo paalis. Nagpapanic na ako kaya hindi na ako nakapagpaalam kay Mayette.


"Hoy, saan ka pupunta?!" Nakasalubong ko si Hugo sa hagdan.


"Tabi!" sigaw ko sa kanya.


Sumunod siya sa akin. "Hoy, saan nga?! Bakit ka nananakbo?!" Nakitakbo na rin siya.


Busy ang lahat sa paligid at ang mga classrooms na hindi ginagamit ng senior high ay mga sarado at madidilim. Sa likod ng Grade 7 building ko natagpuan sina Carlyn at Jillian na parang mga manok na nagigirian.


Hindi pa ako makapaniwala nang una. Hindi kasi ang klase ng estudyante na katulad ni Jillian na sobrang mahinhin at walang kibo ang makikipag-basag-ulo.


Napapalatak si Hugo. "Ay shet, may sabong!"


"Malandi ka! Niloloko mo lang ang kuya ko!" tili ni Jillian habang hatak-hatak sa buhok si Carlyn. "Malandi! Manloloko!"


Hindi naman nagpatalo ang best friend ko. Hatak-hatak din niya ang buhok ni Jillian. "Wala kang pakialam! Ikaw ba niloloko ko? Masyado kang affected!"


"Ano ba? Tumigil kayo!" sigaw ko. "Ano, bakit walang umaawat sa kanila?!" sumbat ko sa mga limang estudyante yata na naririto na nakikinood lang.


Halos magkahubaran na ang dalawa sa pag-aaway, wala talagang umaawat.


Itinulak ko si Hugo. "Awatin mo!"


Kakamot-kamot man ng ulo ay mabuti sumunod si Hugo. "Tama na 'yan! Pag-uuntugin ko kayo!"


Dahil mas matangkad si Hugo at malalaki ang kamay, mahahaba ang mga daliri ay nagawa niyang hawakan sa mga ulo ang dalawa gamit ang dalawa niyang kamay. Wala siyang kahirap-hirap na napaghiwalay ang mga ito.


"Ano ba?! Pakialamero!" bulyaw ni Carlyn. "Bitiwan mo ako, kakalbuhin ko pa 'yang Jillian na 'yan!"


"Kayo? Di pa kayo aalis? Kokonyatan ko kayo isa-isa!" banta ni Hugo sa iilang umuusyoso. "Imbes tumawag ng teacher, nakikinood lang kayo, tangina niyo, ah!"


Takot na nag-alisan naman ang mga ito.


Hinatak ko na si Carlyn palayo bago pa siya makabalik kay Jillian. Ang ginawa niya, nagdirty finger na lang siya sa kalaban.


Nagsisisigaw naman si Jillian sa inis. "Maldita ka talaga!"


"Mas maldita ka, wag kang papatalo!"


"Ano ba, Carlyn?!" sita ko sa kanya. Pilit ko siyang inaawat dahil nakita kong pasira na ang school blouse na suot niya. Mahuhubaran na siya taliwas sa blouse ni Jillian na buo pa rin. Mukhang kahit gigil siya sa kaaway ay iningatan niya pa rin na hindi niya ito mahubaran.


Dinuro naman siya si Jillian na ngayon ay inaawat ni Hugo. "Malandi ka kasi! Niloloko mo lang naman ang kuya ko!"


Sigaw na naman si Carlyn. "Anong niloloko? Siraulo!"


"Oo manloloko ka naman talaga! Malandi ka kasi! Wag mo nang ikaila, huling-huli kita kahapon, kahalikan mo si Isaiah!"


Sukat ay biglang nanahimik si Carlyn sa gilid ko. Si Hugo naman ay pasimpleng napaungol.


"O di ba? Malandi talaga!" sigaw ni Jillian.


Hinarap ko ang best friend ko. "Carlyn, totoo ba iyon?"


Nakatitig lang siya sa akin. Walang salita na lumalabas sa bibig niya.


"Carlyn, kayo ni Jordan. Ang sabi mo, mahal mo siya. Bakit mo siya niloko?" seryoso ang boses ko dahil kung tunay na nangcheat siya, hindi ko siya kakampihan.


"Jillian." Isang malamig bagaman kalmado ang boses na nagpatahimik kay Carlyn at sa aming lahat dito.


Nang makita ko ang pamumutla ng best friend ko ay saka ko lang narealized kung sino ang dumating. It was Jordan Moises Herrera.


"Kuya!" Patakbong nilapitan ito ni Jillian.


"Bakit ka nakikipag-away?" mahinahon lang ang boses ni Jordan sa kapatid.


"Because of that bitch!" Itinuro ni Jillian sa Carlyn. "Niloloko ka lang niya, Kuya!"


Bumitiw si Carlyn sa akin. "Jordan, mali ang pagkakaintindi mo. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko—"


"Let's go, Jillian. Magsisimula na ang ceremony niyo." Hinila na ni Jordan ang kapatid at hindi man lang nag-abalang lingunin si Carlyn. O kahit tapunan man lang ng tingin.


"Tangina naman!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Carlyn. "Jordan, ano ba?! Hindi mo man lang ba papakinggan ang explanation ko?!"


Nahinto naman sa paglalakad paalis si Jordan pero hindi pa rin siya lumilingon.


"Kuya, wag mo siyang pakinggan!"


"Tangina mo, Jillian talaga! Ipagdasal mo na hindi kami magkabalikan ng kuya mo at hindi kami magkatuluyan dahil tangina ka, bubwisitin kita buong buhay mo!"


Doon lang lumingon si Jordan. "Hindi na kailangang magdasal ng kapatid ko, Carlyn," Jordan said with his usual composed voice. "Dahil hindi na magiging tayo."


Napatda si Carlyn sa narinig.


"Dating you was a mistake, Carlyn."


"Mistake?" Naluluha ang mga mata pero tumawa si Carlyn. "E gago ka pala e!"


Tumalikod na ulit si Jordan at nagpatuloy na sa pag-alis.


"Jordan!" tili ni Carlyn. "Tandaan mo, kapag hindi ka bumalik, wala ka nang babalikan! Para lang aware ka, m-mahal na kita!"


Huminto si Jordan pero muli ring humakbang paalis.


"Jordan!" Napaiyak na si Carlyn. "Totoong mahal kita, tangina mo!" sigaw niya.


"Car..." Niyakap ko si Carlyn na ngayon ay luhaan na at nanginginig.


Hindi na nga muling lumingon pa at bumalik sina Jordan at Jillian. Awang-awa ako kay Carlyn nang hilahin ko na rin siya paalis. Katulong ko pa si Hugo sa pag-alalay sa kanya.


"Putanginang puppy love 'to!" iyak niya. "Puppy love lang naman 'to e! Kaso bakit ang sakit?! Tangina niyong mga lalaki." Nang maabot niya ang ulo ni Hugo ay sinabunutan niya ito. "Isa ka pa, babaero kang hindot ka! Mamatay ka na sana!"


"Aray! Bat ako nadamay?!"


"Carlyn, ano ba? Tama na!" Hinaltak ko siya palayo kay Hugo. "Hugo, kaya ko na 'to. Doon ka na, please!"


"Bwiset ako pa nasisis, amputa." Bubulong-bulong na lang si Hugo na umalis.


Ako naman ay hila-hila si Carlyn pabalik sa room namin. Aayusan ko muna siya bago magstart ang ceremony dahil baka magtaka ang mommy niya sa ayos niya.


"Sussie, maswerte ka dahil mahal ka ni Arkanghel. Wag mo siyang ipapaagaw sa iba! Bihira na lang ang mga lalaking ipaglalaban ka!" nakayukong sabi ni Carlyn nang matapos ko siyang suklayan.


"Kung talagang maswerte ako sa kanya, hindi siya magpapaagaw sa iba," mahinang sagot ko.


Sumandal sa pader na katabi ng inuupuang upuan si Carlyn. "Pero kahit gaano kabait ang isang tao, kapag naiipit na sa sitwasyon, nakakagawa pa rin ng mga bagay na kahit labag sa prinsipyo niya."


Hindi na ako nagsalita pero napaisip nang malalim.


Tinapik niya ang kamay ko. "Mapagkakatiwalaan si Arkanghel, di ba? Kung sa tingin mo ay oo, isagad mo na ang tiwala mo."


Nagsimula na ang graduation ceremony at pumila na ang mga estudyante at mga magulang para isa-isang dumaan sa pagitan ng mga naka-assemble na CAT cadets at tumuloy sa kanya-kanyang upuan sa harap ng stage.


After the ceremony ay niyakap ako ni Tatay Bear. Masaya siya dahil kahit transferee ay nakakuha ako ng award. 


"Congrats, Sussie!" Ibineso ako ni Mrs. Aguilar.


Kahit pa naging close na talaga siya kay Tatay Bear ay naiilang at nahihiya pa rin ako sa kanya.


"Sa amin na kayo dumiretso, ha? Naghihintay na roon ang daddy ni Hugo. Hindi siya nakahabol dito dahil nagka-emergency sa business namin sa Manila, and of course he's working on his surprise dahil sa wakas, graduate na ang aming unico hijo."


"Hindi na, Norma. Naghanda rin kasi kami sa bahay. Kaunti lang at simple pero ayos na iyon sa aming mag-ama ni Susana."


"Sus, tumigil ka, Andres. Tara na sa bahay. Bukas niyo na kainin kung ano man ang inihanda niyo."


Hindi na kami nakaangal si Tatay Bear dahil nahila na rin siya ni Mrs. Aguilar. Saka wala rin naman kaming bisita. Niyaya ko si Carlyn kanina pero tumakas naman ito sa akin.


Papalabas kami nina Tatay Bear, Hugo at Mrs. Aguilar ng gate nang madaanan namin ang papa ni Arkanghel at si Zandra.


"Ninong Kiel, bakit hindi pumunta si Tita Roda? Grad ni Arki ngayon," dinig kong tanong ni Zandra.


Hindi naman siya sinagot ng papa ni Arkanghel.


"Nasaan na ba si Arkanghel? Bigla na lang nawawala. Nakita ko lang iyon kanina kasama nina Miko e. Nakakainis talaga iyon, ang pasaway!"


Nang umalis si Zandra ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Saan niya hahanapin si Arkanghel? At anong sasabihin niya? 


"Susana, ano ba? Nahuhuli ka," nakakunot ang noo ni Tatay Bear nang lingunin ako.


"Po?" Nauna na pala sila sa sasakyan ni Mrs. Aguilar.


"Hoy bilis, taba!" sigaw naman ni Hugo. Mabilis naman siyang binatukan ng mommy niya.


"Hugo, mauna ka nang pumasok sa backseat!" utos ni Mrs. Aguilar.


Tinakbo ko si Tatay Bear para alalayang makapasok sa passenger's seat. Nang isara ko na ang pinto ay dumungaw ako sa nakabukas na bintana. "Tay, pwede po ba na susunod na lang ako?"


"Ha?" Nauna pang mag-react si Hugo sa backseat.


"Ihahatid naman po ako ng kaibigan ko," hindi ko na binanggit kung sino mang kaibigan. "Importante lang po talaga. Safe naman po ako dahil marami kami kaya sige na po, una na po kayo. Please?"


"O siya, sige. Pero sumunod ka agad dahil gabi na, Susana." Nasa mga mata ni Tatay Bear ang pagtutol pero pumayag naman siya.


"Thank you, Tatay Bear!"


"Hoy!" Akma namang bababa si Hugo pero nakalock na ang pinto. "Mommy!"


"Magtigil ka, Hugo Emmanuel!"


Nang makaalis na ang kotse ay bumalik ako sa loob ng school. Kailangang maunahan ko si Zandra na mahanap si Arkanghel. Kaht kandabunggo-bunggo na ako ng mga dumaraan paalis ay dire-diretso pa rin ako sa pagpasok.


Umalis ako at bumalik sa may stage kung saan may ilaw pa pero wala na ring mga tao maliban sa mga staff na nagliligpit ng mga upuan at mga cadets na nagpapahinga.


Nang magbeep ang phone ko sa bulsa ay agad ko iyong kinuha.


Future Suitor:
Umuwi ka na?


Napangiti agad ako bago magtipa.


Me:
Hindi pa. Pinauna ko sila Tatay Bear.


Hindi na siya nagreply kaya nagtipa ulit ako habang naglalakad papunta sa sulok.


Me:
Nasaan ka?


Wala pa ring reply pero biglang may nagsalita.


"Dito sa likod mo."


Gulat akong napapihit. "Arkanghel!"


Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Hawak niya sa kaliwang kamay ang phone niya. "Kanina pa kita sinusundan."


"Bwisit ka, hindi mo man lang ako tinawag!"


Nahirapan akong hanapin siya tapos nakikita niya na pala ako, hindi pa siya lumapit. Magagalit-galitan pa sana ako nang may iabot sa akin ang right hand niya, isang stem ng white rose.


"Congrats, Sussie."


Pigil ang pagngiti nang tanungin ko siya. "Nanliligaw ka na ba niyan?"


"Oo di ba sabi ko nga ngayon na? Promise ko iyon na after graduation, liligawan na kita di ba? Bakit nakalimutan mo na dahil sa kilig?"


Oo, hindi na ako magde-deny, kinikilig naman talaga ako. Kanina pa nga lang sa pagtingin ko sa screen ng phone ko habang nag-aalarm iyon, parang sasabog na ang puso ko.


Tumupad siya. Tumupad siya sa promise niya na maghihintay siya. Sobrang naappreciate ko. Sobra...


Nangingilid ang mga luhang napasinok ako. "Alam ni Tatay Bear 'yan?"


Nagkamot siya ng ulo at tumango. "Hindi naman niya kailangang mag-alala dahil makakapaghintay naman ako sa sagot mo hanggang sa makagraduate ka ng college. Di ba sabi ko rin, hindi kita mamadaliin."


"Alam pala ni Tatay Bear na ngayon mo na ako liligawan... Pero hindin niya alam na..."


"Na ano?" bakas sa mukha niya ang kaba.


"Alam lang niya na ngayon ka magsisimula manligaw. Ang hindi niya alam na..."


"Ano?"


Humakbang ako palapit sa kanya. "Na ngayon na rin kita sasagutin."


Tumingkayad ako para abutin siya at halikan siya sa labi nang isang mabilis.


Napatitig sa akin ang nanlalaki niyang mga mata.


"Arkanghel, tayo na."


JF

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
798K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...