#11

De LillMissBlue

1.1K 35 12

What if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as... Mais

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Eleven

107 1 0
De LillMissBlue

Chapter Eleven

Pagkagising ko ay napagpasyahan ko nang kunin ang mga gamit ko. Alas-sais na kasi ng gabi at panigurado ako, wala na akong mga kaklase roon. Kahit sila Adrian, Rizza at Helena ay paniguradong umuwi na dahil hindi naman nila alam kung nasaan ako kaya wala silang mapagtatambayan.

Pagkarating ko sa classroom namin ay nakita kong maayos pa rin yung mga gamit ko na nakapatong sa upuan ko at nakakapagtaka. Pero nang lumapit ako, roon ko nakita yung mga gula-gulanit kong mga libro at notebook.

Bumuntong hininga ako. Siguro inayos na lang ito nila Adrian. Mabuti na lang talaga may mga kaibigan pa akong katulad nila. Panigurado kapag nakita ito ni mama, papagalitan na naman niya ako dahil sa pagiging careless at burara ko, na hindi naman talaga totoo.

Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Hindi ko sinasabi kay mama kung anong nangyayari sa akin tapos ang masakit pa, turing sa akin ng mga kaklase ko bully.

"Bakit ka nag-cutting?"

Bigla akong napasigaw at naibato ko pa yung gamit na hawak ko kung saan. Sino ba ito? Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil sa madilim na at hindi siya natatamaan ng kaunting ilaw sa labas ng classroom.

Nakaramdam din ako ng takot dahil naalala ko yung mga pinagkukuwento sa akin nila Rizza na may mga gumagala raw ditong mga ligaw na espiritu kapag madilim na. Sana naman hindi siya multo.

"Si...sino ka?" tanong ko habang mahigpit kong hawak yung libro ko sa Math, na sobrang kapal, kahit alam kong hindi tinatamaan ng kahit na anong bagay ang mga multo, mas maganda na rin yung sigurado.

"Bakit mo tinatanong? Natatakot ka sa akin? Huwag kang mag-ala- Aray!" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil binato ko na sa kanya yung librong hawak ko at tumumba siya. Confirm, hindi siya multo. "Hindi ka pa nakuntento sa paninikmura mo sa akin kanina?"

Dahil sa sinabi niyang iyon, napagtanto ko na kung sino iyon. Linapitan ko siya para tulungang makatayo. Kahit na inis na inis ako sa kanya, marunong pa rin naman akong makonsensya. Isa pa, alam ko rin namang mali ako at nagpadala ako sa emosyon ko.

"Bakit ka pa ba nandito?" tanong ko sa kanya habang hinahanap ko yung mga gamit ko na naibato ko.

"Hinihintay ka."

"Okay." Iyan na lang ang tangi kong nasabi.

"Galit ka pa rin ba? Biro lang naman kasi yung kanina. At isa pa, masakit din kaya sa damdamin masabihan na wala akong abs lalo na kapag gusto mo yung tao."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba yung pagkakarinig ko? At kung tama man, ba't ba ang lakas ng trip niya sa akin? Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na huwag pansinin yung pangti-trip niya. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa.

"Minsan kasi iba yung epekto ng mga ginagawa o sinasabi mo sa iyo at sa ibang tao. Kung nakita mong biro iyon, puwes sa akin hindi. Sana maging aware ka sa mga nararamdaman ng ibang tao."

Nakaramdam na ako ng pagbigat ng katawan pero hindi pa rin ako puwedeng umuwi dahil hindi ko pa makita yung isa kong libro. Nasaan na kaya iyon? Saan ko ba naibato iyon?

"Sorry." Tumayo ako ng maayos at bumuntong hininga.

"Fine. Pasensya na rin. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang pananakit kapag naiinis. Sorry."

"So friends na tayo?"

Pagkarining ko sa katagang friends parang natakot ako. Pakiramdam ko hindi puwedeng magsama sa isang pangungusap ang pangalan naming dalawa at ang salitang kaibigan. Kapag nagsama kasi iyon, baka hindi lang ganito ang abutin ko.

"To be honest, gusto rin kitang maging kaibigan, pero nakita mo ba yung nangyari kanina? Kaya sana maintindihan mo."

"Just yes or no. Also, I don't accept no as an answer."

Nakalimutan ko nga pala, napaka-bossy ng kausap ko. Gusto lahat ng gusto niya nasusunod at laging yes lang dapat ang isasagot mo sa tanong niya.

"So wala akong choice?"

"Oo."

"Bakit ka pa nagtanong?"

"Because I want to hear your voice and talk to me."

Sa mga ganyang pahayag, natatakot na akong magtanong ng why o bakit dahil pakiramdam ko, hindi ako handa sa magiging sagot nila kapag nagkataon.

"Nonsense. Basta ayaw ko pa rin."

"Kapag hindi ka pumayag, hindi ko ibibigay sa iyo ito," sabi niya at ipinakita niya sa akin yung gamit ko na hinahanap ko kanina pa. "Grabe, ganito ba talaga palagi yung mga kaklase mong babae sa iyo?"

"Akin na nga 'yan."

"Ayaw. Sabihin mo munang puwede na tayong maging magkaibigan."

Ang kulit din ng lalaking ito. Anong oras na. Mamaya hinahanap na ako ni mama. Hindi ko pa naman dala yung cellphone ko. Nakakainis. Bahala na nga siya. Kinuha ko na yung bag ko at isinukbit sa mga balikat ko.

"Bahala ka na sa buhay mo," sabi no at lumabas na ng classroom namin.

"Sandali lang," sabi niya habang hinahabol ako sa paglalakad. "Bakit ba ayaw mo akong maging kaibigan?" Binagalan ko na rin yung paglalakad ko dahil napagtanto ko na ako lang din naman ang napapagod.

"Hindi pa ba sapat na dahilan yung nangyari kanina?" tanong ko at mabilis kong kinuha yung gamit ko pero naitaas niya kaagad iyon. Kainis.

"Hindi. Natatakot ka ba sa kanila?"

"Hindi. Ayaw ko lang ng may kagalit akong babae."

"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.

"Ayaw ko ng drama, ayaw ko ng maraming satsat at higit sa lahat, ayaw ko yung nagpaplastikan at mga backstabber. Ayaw ko rin yung iiyak siya sa iyo at magso-sorry tapos uulitin at makikipagplastikan. Gusto ko kapag may problema sa aking ang isang tao, sasabihin niya na kaagad at kung hindi madadala sa maayos na usapan, e 'di sa suntukan. Ngayon, naiinitindihan mo na? Akin na yung libro ko."

"Ang weird mo pero unique. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, ikaw lang yung pinakakaiba."

"Ganoon ba? Be thankful. Akin na yung libro ko. Kung gusto mo ng autograph e 'di sana sinabi mo kanina pa para nabigyan kita" sabi ko sa kanya habang kinukuha pa rin yung libro ko.

"Hindi ko ibibigay ito hangga't hindi ka pumapayag."

Kainis. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdire-diretso na lang ako sa paglalakad pero sinusundan pa rin niya ako. Dito ba siya nakatira? Bakit hindi pa siya humihiwalay sa akin?

"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Umiling siya. "Bakit?"

"Ihahatid kita. Delikado kaya panahon ngayon."

Ibang tao inaalala niya pero sarili niya hindi niya inaalala. Hindi na lang kaya mga babae ngayon ang dapat mag-ingat kapag kapag madilim na.

"Saan ka ba umuuwi?"

"Sa Valenzuela."

"Sa Valenzuela?!" medyo napalakas kong tanong sa kanya. "Sa ibang tao nag-aalala ka pero sa sarili mo hindi? Bakit ba hindi ka pa umuwi kanina?"

"Hinihintay ka."

"Bakit naman? At isa pa, paano mo nalaman na nandoon pa ako sa school?"

"Nandoon pa kasi yung gamit mo. Pasalamat ka nga inayos namin iyon ng mga kaibigan mo." Aba, utang na loob ko pa sa kanya iyon?

"Paano kung hindi ako nagpakita? Magdamag kang maghihintay roon?"

Bigla siyang napaisip. Kita mo. Ano ba kasing pumasok sa kukote nito o ano yung makabuluhang dahilan na mayroon siya para hintayin niya ako sa classroom namin?

"Pupuntahan kita sa bahay niyo."

"Nonsense. Paano ka uuwi niyan?"

"Nag-aalala ka ba sa akin?"

Bigla akong napaisip. Bakit nga ba ako nag-aalala sa kanya? Dahil ba sa kabaitan na ipinapakita niya at paghahatid niya sa akin dahil inaalala niya ako. Ako na malapit lang ang bahay sa eskwelahan habang siya ilang sakay pa?

"Oo. Masaya ka na?"

"Mas sasaya ako kapag sinabi mong magkaibigan na tayo."

"Ganoon ba talaga ka-big deal sa iyo iyon?" Tumango siya. Siguro wala na nga talaga akong choice. Huminga ako ng malalim. "Sige na, magkaibigan na tayo. Akin na yung libro ko."

"Talaga?"

"Oo nga. Ayaw mo ba? Mas okay." Umiling siya at ibinigay na sa akin yung gamit ko.

"Pero joke lang." Bigla siyang sumimangot nung sinabi ko iyon at parang nakonsensya ako kaya binawi ko na lang ulit. "Biro lang ulit."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay namin. Niyaya ko siyang pumasok pero umiling lang siya pero pinipilit ko pa rin siya. Ayaw ko kasing magkaroon ng utang na loob kaya as much as possible, binabayaran ko na iyon kaagad.

"Okay lang Ange. Isa pa, gabi na rin," katwiran niya.

"Ba't hindi ka na lang magpasundo sa kuya mo?" tanong ko na ikinagulat niya. "Naikuwento sa akin nina mama at Potie yung nangyari kagabi. Sa...salamat nga pala sa inyo ng kuya mo at sa paghahatid mo sa akin," pautal-utal kong sabi habang nakuyuko. Nakakahiya kasi.

Bigla kong naramdaman yung kamay niya sa itaas ng ulo ko kaya tumingala ako para tingnan siya. Mas matangkad siya sa akin kaya malaya niyang nagagawa iyon.

"Okay lang 'yun. Asahan mo na lagi na kitang ihahatid," sabi niya at ginulo niya yung buhok ko.

"Ewan ko sa iyo. Tigilan mo na nga 'yang panggugulo mo sa buhok ko. Umuwi ka na." Ngumiti siya.

"Oo na. Huwag kang mag-alala, tatawagan kita mamaya kapag nakauwi na ako sa bahay."

Teka, papaano niya nalaman 'yung number ko? Itatanong ko sa kanya 'yun pero malayo na siya. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ko man lang siya nasabihan ng ingat pero isinigaw ko na lang 'yon.

"Ingat!"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Pagkatapos ay kumaway siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-ngiti ko.

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kuwarto ko. Doon ay inayos ko yung mga gamit ko na gula-gulanit. Sana huwag silang bibitaw hanggang matapos ang school year.

Habang nag-aayos ng gamit ay bigla kong napansin ang pag-ilaw ng cellphone ko. Pagkakuha ko niyon ay nakita kong may unknown number na tumatawag. Si Justin na ba 'to?

"Hello? Sino po ito?"

"Kanina lang magkasama tayo tapos ngayon nakalimutan mo na ako? Masakit," sabi ni Justin sa kabilang linya. Ang drama.

"Ang aga mo namang makauwi?"

Nakakapagtaka kasi. Napakalayo ng Valenzuela dito sa Bulacan, lalo na kapag sa Arbor pa siya umuuwi. Halos isang oras yata ang biyahe pero wala pa namang sampung minuto ang nakakaraan noong magkasama kami.

"Sumilip ka sa bintana mo."

Sa mga ganitong linyahan, inaasahan ko nang nasa harap ng bahay namin yung taong nagsasabi nito sa akin. Hindi ka naman kasi nila uutusan na tumingin sa bintana kung wala sila roon 'di ba?

"Don't tell me hindi ka pa nakakauwi?"

"Nakauwi na ako. Basta sumilip ka lang sa may bintana."

Ilang beses kong sinabing ayaw ko pero dahil sa kakulitan niya ay napilit niya pa rin ako. Ano ba kasing gusto niyang ipakita? Samantalang yung nakakainis niyang mukha lang naman ang makikita ko.

Pagkasilip ko ay wala akong nakitang Justin. Kahit anino niya ay wala. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kalsada na madilim. Nang aasar na naman ba ito?

"Iyan. Nakasilip na ako. Masaya ka na?"

"Hindi pa. Hindi mo naman nakita 'yung gusto kong makita. Tumingala ka kaya."

Napaka-demanding niya pero ginawa ko na lang 'yun gusto niya. Ewan ko nga ba't ako nagpapauto sa kanya e. Para siguro matapos na lang?

Kaso naiinis na rin ako. Ano bang gusto niyang makita ko? Maulap at madilim na kalangitan. Maiintidihan ko sana siya kung may mga bituin pero wala e.

"Naiinis na ako."

"Ang cute mo palang mainis," sabi niya at narinig ko siyang tumawa.

Anong nakakatawa? Dahil ba sa nauuto niya ako ngayon? Pero teka? Papaano niya ako nakikita? At paano niya nalalaman yung mga ginagawa ko?

"Nasaan ka?" tanong ko habang pinagmamasdan ko yung buong paligid ko.

"Dapat nakita mo na ako kanina. Siguro kung ahas lang ako baka tinuklaw na kita."

"Seriously? Alam mo marami pa akong gagawin pero kung pagti-trip-an mo lang ako-"

"Nasa harap mo lang ako."

Pagkasabi niyang iyon, doon ko lang siya napansin na nakatayo sa harap ng bintana sa harap ng bahay namin. Suot-suot niya pa rin yung uniform namin.

"Akala ko ba sa Valenzuela ka umuuwi?" tanong ko habang nakatingin sa kanya at nakita ko siyang umiling. "Bakit ka pa naglakad palayo kanina?"

"Trip ko. Bakit ba?"

"Seriously?" tanong ko at bumuntong hininga. "Nga pala, saan mo nakuha number ko?"

"Sa mga kaibigan mo."

Lagot talaga yung mga yun sa akin bukas pero hindi nga pala ako papasok. Basta. Lagot yung mga yun sa akin.

"Leche talaga yung mga yun. O siya, gagawin ko pa yung mga libro ko. Bye."

Ibaba ko na sana yung linya pero pinigilan niya ako. Wala ba 'tong balak na pagpahingain ako? O kaya tigilan muna ako sa pangti-trip niya?

"May nakita ka ba sa mga libro mo?"

"Wala naman. Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Wala. Sige. Bye."

Pagkasabi niyang yun ay ibinaba na niya yung kabilang linya. Pagkatapos ay kumaway siya sa akin mula sa bintana niya bago nagmadaling umalis. Ang weird niya. Bakit parang matatae yung mukha niya?

Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ay tumayo ako para ilagay na sana yung mga gamit ko sa bag ko, pero naupo ulit ako dahil may napansin akong nalaglag na papel. Ito kaya yung tinatanong ni Justin kanina?

Inilapag ko ulit yung mga gamit ko at pinulot ko yung papel. Pagkabaligtad ko ay bigla akong napangiti. Kahit alam niyang inis na inis ako sa kanya at sa kabila ng lahat ng ginawa ko, pinapagaan pa rin niya loob ko. Siguro panahon na para magbago ang pakikitungo ko sa kanya at pati na rin ako 

_________________________     

|      You're not a bitch.              |

|   You're more than that.          |      

| P.S. Sorry  :(                           |

| P.P.S. May abs ako.  :P          |

|________________________|

/-----------/

Author's Note: Waaaah *O* Chapter 11 of #11. Hahaha. Ang kyotie lang. Lol. Anyway, first update for the year 2015 *sabog confetti* Hahaha. Sorry na kung bangag ako, pasukan na bukas e. Last day of vacay. Sino pa hindi handang pumasok bukas? *taas kamay with paa*. Anyway, salamat po sa pagbabasa. Sana magustuhan niyo po. Godspeed.

Continue lendo

Você também vai gostar

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
69.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023