FATED TO F*CK YOU✔

TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... Еще

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

EPILOGUE 2

10.3K 427 73
TitaAmor07

EPILOGUE 2: Black and Grey, Green and Purple.

Dalawang buwan na ang lumipas nang nagpakalayo si Katleya. Wala ng komunikasyon ang pamilya niya sa kanya dahil sa huling mensahe na ipinadala niya kay Black. Sinabi niya na maayos siyang nakarating sa pinuntahan niya at wala na silang dapat ipangamba ang pamilya niya. Nagpaalam din siya na pansamantala muna niyang hindi kokontakin ang mga ito. Malaki ang tiwala ng pamilya niya sa kanya kaya kampante na ang mga ito na masaya siya sa California.

Kasalukuyang nasa Mall si Purple at namimili ng pansariling gamit. Habang naghahanap ito ng store para pagbilhan, napataas ang kilay niya nang makita si Fuchsia na may kasamang lalaki, magkahawak pa ang mga kamay. Ang pagkakaalam niya, kasintahan ito ni Black. Nang pumasok si Fuchsia at ang kasama nitong lalaki sa isang restaurant, sinundan ito ni Purple. At para hindi siya nito makilala, kinuha niya ang sumbrero sa loob ng bag niya at isinuot ito. Pagkatapos, pumasok din siya roon sa restaurant para magmanman. May kakaiba kasi siyang nararamdaman. Sa palagay niya, niloloko nito ang kapatid niya at hindi niya iyon hahayaan.

“Ang perfect ng kapatid ko para lokohin mo, kung totoo man itong kutob ko,” galit na pagbulong ni Purple sa hangin.

Dahil wala pang sapat na ebidensya si Purple na niloloko ni Fuchsia ang kapatid niya, nagawa pa nitong uminahon. Kasi para sa kanya, ang paghahawakan ng kamay ay puwedeng gawin lang ng magkakaibigan. Sa sandaling ito, may isang bagay siyang hinihintay na gawin ng dalawa.

“Bullsh*t!” biglang sigaw ni Purple sabay tayo sa kinauupuan niya. Nakita niya kasing hinalikan ng lalaki si Fuchsia sa labi. Para sa kanya, sapat na iyon na ebidensya para magwala sa loob ng restaurant.

Nanlaki ang mga mata ni Fuchsia nang makita ang nagliliyab sa galit na si Purple.

“Ate?” mahinang sambit ni Fuchsia. Makikita mo sa mga mata niya ang takot.

“Huwag mo akong tawaging, Ate! Magkasing-ganda lang tayo!” sigaw ni Purple. Lumapit siya kay Fuchsia at dinuro ito. “Sino ka ba sa inaakala mo para lokohin mo ang kapatid ko?”

“May ibang lalaki ka, Kaye?” takang tanong ng kasamang lalaki ni Fuchsia. Tumulo ang luha nito dahil hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng girlfriend niya sa kanya.

“W-wala. Ikaw lang ang mahal ko,” nauutal na sabi ni Fuchsia.

“F*ck! Ang guwapo ng kapatid ko para i-deny mo!” sigaw ni Purple sabay hampas sa mesa.

“Ate,” nanginginig na sambit ni Fuchsia.

Kinuwelyuhan ito ni Purple. “Bakit mo niloko ang kapatid ko?!”

Susuntukin na sana ito ni Purple sa kaliwang kamay niya, pero napatigil ito nang sumigaw si Fuchsia.

“Si Zyrille ang boyfriend niya! Magkaibigan lang kami ni Black!” nakapikit niyang sigaw. Nanginginig pa ang katawan niya dahil natatakot siyang masuntok sa mukha.

“A-ano?” gulat na tanong ni Purple. Binitawan niya ang kuwelyo ni Fuchsia. “Paki-ulit nang sinabi mo?”

Ibinuka ni Fuchsia ang mga mata niya at tiningnan sa mga mata si Purple. “Sila ang may relasyon. Nagpatulong lang siya sa akin tungkol sa kapatid ko.”

“Ang ibig mong sabihin, bakla ang isa sa dalawa?” hindi makapaniwalang tanong ni Purple.

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, mahal nila ang isa’t isa.”

“Sorry,” mahinahon na sabi ni Purple. Tiningnan niya ang kasintahan ni Fuchsia. “Sorry rin, brad. Ipagpatuloy niyo na ang date niyo.”

“Ate, galit ka ba? Natatakot lang silang aminin dalawa. Ako lang din ang may alam sa pamilya namin,” paliwanag ni Fuchsia.

Hindi na sumagot si Purple at umalis na lang. Hindi siya makapaniwala na nakipag-relasyon ang kapatid niya sa kapwa lalaki.

Pagdating niya sa bahay nila, dumiretso lang itong pumasok sa kuwarto ni Black. Naabutan niyang nakipag-video call ito kay Grey habang nakadapa sa kama. Gamit ng binata ang laptop niya. Umupo naman si Purple sa tabi ng kapatid niya.

Nilingon ni Black ang kapatid niya. “Hindi ba sinabi kong kumatok ka kapag pumasok ka rito, Ate.”

“Hi, Ate,” pagbati ni Grey mula sa linya.

“Sinong bakla sa inyo? Kakalbuhin ko,” anang Purple. Nanlaki ang mga mata ng dalawa lalo na si Black. “Akala niyo hindi ko malalaman? Muntikan ko pang suntukin ang kapatid mo, Grey. Akala ko niloloko niya itong kapatid ko. Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Napahiya ko tuloy ang tao.”

Bumangon si Black at tiningnan ang ate niya nang may pangamba. “Ate. Sorry.”

“Hindi naman ako galit. Sana sinabi niyo na lang sana ang totoo, nandamay pa kayo ng ibang tao,” litanya ni Purple.

“Sorry. Hindi ko kasi alam paano sasabihin, natatakot kasi ako sa iyo,” paliwanag ni Black.

“Grey!” sigaw ng isang babae, si Fuchsia. Napatakip ito sa bibig nang makita ang mukha ni Purple sa screen ng kapatid niya.

“Huwag kang mag-aalala, hindi ako galit. Pinagsabihan ko lang ang dalawa,” mahinahon na sabi ni Purple.

“Akala ko talaga. Salamat, Ate.” Tinapik ni Fuchsia si Grey. “Mukhang hindi na ako kailangan dito. Mauna na ako. Bye!”

“Ate? Hindi mo ako aawayin?” tanong ni Black.

Tiningnan ito nang masama ni Purple. “Baka gusto mo? Hahanapin ko ang amygdala riyan sa utak mo at ipakain ko sa iyo.”

Bumuntonghininga si Black. “Salamat naman.”

“Pero— wait! Sino ang bakla sa inyong dalawa? Ikaw ba?!” singhal ni Purple sa kapatid niya.

“Hindi, ah!” mabilisang sagot ni Black.

Napatingin si Purple kay Grey sa laptop. “So ikaw?”

“Hindi rin, ha. Maybe bisexual? Kasi nagkakagusto kami sa babae at lalaki. Nagkataon lang na nabihag ako ni bebe boy,” nakangiting sabi ni Grey. Kinilig lang ito.

“Yuck!” Kinurot ni Purple ang pisngi ni Black. “Ikaw? Kailan mo sasabihin sa parents natin?” Tiningnan niya rin si Grey. “Paano kong malaman ng Mommy mo? Paano kong magagalit sila? Ipaglalaban mo ba itong kapatid ko?”

Natahimik si Grey at napa-isip. “Hindi ko alam. Pero sana matanggap nila kami.”

“See? What if kung hindi?” tanong ni Purple.

“Hindi ko alam talaga, Ate,” pag-amin ni Grey.

“Iyang pag-ibig na pinasukan niyo sa mundong katulad nito. Kailangan niyo ng pusong nagliliyab nang tatag. Dahil kung mahina kayo, talo kayo sa mga salitang ibabato sa inyo. Kaya kung ako sa inyo, ihanda niyo na ang sarili niyo,” pagpapa-alala ni Purple.

Napalingon si Black sa screen ng laptop niya. “Ano, bebe girl? Laban?”

“Just promise me sa akin ka lang lalandi. I will win this fight. We will gonna win this fight.”

“Sa iyo at sa iyo lang, bebe girl. I love you,” saad ni Black.

Napatayo si Purple. “Iba iyong relationship niyo. Parang multo. Nakakatayo ng balahibo.”

Napatawa sina Grey at Black.

“Bitter si Ate. Patulan mo na kasi si Green,” anang Grey.

Naalala ni Purple iyong bakat ni Green na nakita niya sa condo ni Blue noon kaya napailing ito. “Hindi ko kaya. Ew.”

Simula nang araw na iyon. Naiinis na siya sa sarili niya dahil biglang lalabas lang iyong imahe na iyon sa isipan niya. Kahit nasa gitna siya ng trabaho, laging nagpapakita ang bukol nito.

•••

“Black, sunduin mo ako later here sa bar. Susubukan ko munang lumandi. Turning 29 na at ito desyerto,” natatawang sabi ni Purple.

“Kadiri mo, Ate. Umuwi ka na nga,” inis na sabi ni Black sa linya ng tawag.

“Pstttt. Sunduin mo ako, ha? Nandito ako sa G-Bar.”

Natawa bigla si Black. Naririnig naman iyon ni Purple mula sa linya kaya napataas ang kilay nito.

“Ano ang meron?” takang tanong ni Purple.

“Alam mo ba, suwerte iyang bar na ’yan. Sa labas niyan nakita ko ang totoong pag-ibig sa katauhan ng bebe girl ko.”

“Talaga? Sakto na nasa labas pa ako.” Inilibot ni Purple ang kanyang tingin sa paligid. “Cliche naman ang mga mukha sa paligid. Ew.”

“Baliw. Anyway, kina Green ’yan,” paalala ni Black.

“Green? Iyong kaibigan niyo? Iyong malaki ang...” Napatigil ito sandali at huminga nang malalim. “Mata. Malaki ang mga mata?”

“Oo.”

“Aalis na nga,” sagot ni Purple.

Pinatay na ni Purple ang phone niya at tumalikod na para umalis. Pero hindi niya inaasahan na bumungad sa harapan niya ang lalaking hindi na niya masyadong kinaiinisan. Ngunit gumugulo ito sa kanyang isipan dahil sa naksaksihan niyang may malaki itong sandata.

“Ate?” sambit ni Green. Pormal ang suot nito dahil kakatapos lang ng duty niya sa kumpanya nila.

“Hey. Uuwi na ako,” ani Purple.

Inilapit ni Green ang ilong niya sa bibig ni Purple kaya napaatras ito. Inamoy niya lang ang hininga nito.

“Hindi ka pa nga umiinom,” anang Green.

“Nakakatakot ka naman,” pagrereklamo ni Purple. Inakbayan naman siya ng binata kaya napataas ang kilay niya. “Bitawan mo nga ako.”

“Uminom na muna tayo sa loob. Minsan na nga lang ako mag-aya.”

“Okay. Pero bitawan mo na ako.”

“Ang arte,” sagot ni Green at hindi man lang binitawan ito.

Pagdating nila sa loob, pina-upo agad ni Green si Purple. Nagtawag siya ng tauhan at inutusan ito na dalhan sila ng bestseller sa bar nila. Minuto ang lumipas, pagkahatid ng tauhan sa inumin, agad na uminom si Purple.

“Ang sarap, ha?” pagpuri ng dalaga.

“Pero mas masarap ako,” anang Green.

Napataas ang kilay ni Purple. “Ang cliche mo talaga. Kung bumanat ka, iyong bago naman. Iyong masarap sa tenga. Hindi mga gasgas na salita.”

“Sorry, I forgot. Later, iiwasan ko maging cliche.”

“Hey, Green! Wazzup men!” bungad ng isang lalaki sabay upo. Nang makita nito si Purple, napangiti ito. “Hi, Miss beautiful.” Tiningnan niya si Green. “Who is she?”

“My tita,” mabilisang sagot ni Green.

Napanga si Purple sa sagot nito. “W-what?”

“You hate cliche, right?” pagpapa-alala ni Green.

“Stupid.” Tiningnan ni Purple ang lalaking nasa harapan niya. “Bata pa ako. Hindi pa ako, Tita. I’m 24-year-old woman.”

Napatingin sa kanya si Green at binigyan nang pang-aasar na tingin. Alam kasi ng binata na nagsisinungaling ito sa edad niya.

“She’s 28, bro, but look, she’s hot as fire.” Kinindatan niya ang dalaga matapos sabihin ito.

“28?” gulat na tanong ng lalaki sa harapan nila. “But honestly, she looks around 2O. What a beautiful woman.”

“Thank you. At dahil diyan, sa iyo ako tatabi,” sagot ni Purple sabay lipat ng puwesto.

“What the!” napailing na sabi ni Green.

Nagpatuloy na sila sa pag-iinuman. Oras ang lumipas, natamaan na ng espirito ng alak si Purple. Makikita sa kinikilos nito na wala na siyang pakialam na panay pisil na ang lalaki sa braso niya.

“Bro, itigil mo ’yan,” seryosong sabi ni Green.

“Gusto niya, bro. Please let me do this.”

“I said stop it!” sigaw ni Green.

“Hey, bata! Bakit ka sumisigaw!” inis na sabi ni Purple.

Tumayo si Green at inalalayan si Purple. Inakbayan niya ito at sinamahan papunta sa labas. Balak niyang ihatid ito sa bahay nila.

“Gusto ko pang uminom,” giit ni Purple. Tiningnan niya ang binata. “Nauuhaw pa ako.”

Napangiti si Green. “Huwag na. Binabastos ka na.”

“Hinayaan mo sana. I’m turning 29 at ang tuyot ko na. Pressured na ako. Gusto ko ng mabuntis.”

Natawa si Green sa narinig. “Ganoon ba iyon?”

“Sa sobrang pili ko sa lalaki, wala na akong boyfriend. And now, desperada na ako. Ayaw kong tumandang dalaga.” Tiningnan niya muli ang binata. “Ikaw na lang. F*ck me as a friend. Buntisin mo ako.”

Napahalakhak si Green. Hindi siya makapaniwala sa hiniling ni Purple. Pero matapos niyang tumawa ay tiningnan niya ito nang napakaseryoso.

“I will.”

•••

“Zyrille, come here,” malamig na sambit ni Melchora. Kakauwi lang nito galing sa guesting sa isang talkshow. Pag-upo nito sa sofa ay may inilipag siyang mga larawan.

Nanlaki ang mga mata ni Grey sa nakita. Ito ay isang larawan nila ni Black na magkahawak ang kamay sa isang hotel.

Pumasok na ang ama niya. Kagagaling lang nito sa labas ng bahay nila. Magkasama lang itong dumating sa ina niya. Pero nagpaiwan lang ito dahil may inayos sa sasakyan nila.

“Galing ’yan sa kaibigan ng ama mo. Check in sa isang five star hotel with a model named Blackarlito.” Hinampas ni Melchora ang maliit na mesa sa harapan nila. “Holding hands! Ano ito, Zyrille!”

“Hindi ka namin pinalaki na makipagrelasyon sa kapwa mo lalaki,” sabi ng ama nitong si Carlo.

Tahimik lang si Grey at hindi na sumagot pa. Hindi niya alam na may nakakita pala sa kanila.

“Wala kang sasabihin? Kung ano ang relasyon mo na meron ka sa kanya, itigil mo na ’yan,” galit na sabi ni Melchora.

“Hindi kami natutuwa,” ani Carlo.

“Mahal ko siya,” mahinang sabi ni Grey. Nakayuko lang ito dahil natatakot siya sa mga magulang niya.

Napabuntonghininga si Melchora. “Naririnig mo ba ang sinabi mo?”

Tiningnan na niya ang ina niya. “Oo. Mahal ko siya. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan naming dalawa kahit sa tingin niyo ay mali.”

Sinampal ni Carlo ang anak niya. “Nababaliw ka na!”

“Dad!” sigaw ni Fuchsia. Kakarating lang nito. Napatakbo si Fuchsia at niyakap ang kapatid niya. Tiningnan niya ang mga magulang niya. “Bakit niyo siya sinaktan?”

“Iyang kapatid mo, nakikipagrelasyon lang naman sa kapwa niya lalaki!” sigaw ni Carlo.

“Alam ko. Pero hindi naman tamang saktan niyo siya,” giit ni Fuchsia. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ng kapatid niya. “It’s okay. Don’t cry.”

“And you’re tolerating his bad doing! Anong klaseng kapatid ka?” tanong ni Melchora.

“Walang masama sa pag-ibig na pinili niya. Ito ang nagbibigay ng saya sa kanya. Ipagkakait niyo ba iyon, Mom?” Tiningnan niya ang ama niya. “Dad?”

“Hiwalayan mo siya, Zyrille,” maawtoridad na utos ni Melchora.

“Hindi ko gagawin,” mabilisang sagot ni Grey.

“Then leave,” ani Carlo.

“Dad!” singhal ni Fuchsia.

“Fine,” sagot ni Grey sabay tayo.

“Zyrielle,” sambit ni Fuchsia.

Tahimik lang na umalis si Grey papunta sa kuwarto niya para magligpit ng gamit. Nang naka-impake na ito, lumabas na siya ng kuwarto. Umiiyak na pinigilan siya ni Fuchsia, pero buo na ang desisyon niya. Pagdating niya sa sala, nagpaalam pa siya sa magulang niya. Ngunit wala siyang sagot na nakuha rito. Kahit ganoon ang nangyari, umalis pa rin siya. Gusto niya lang ipakita sa magulang niya kung gaano niya kamahal ang kasintahan niya.

•••

“Blackarlito MonteRiru Fufu,” pagtawag ni Purple.

“Mahirap ba na bigkasin ang Black at complete name ko pa talaga ang itatawag mo?” pagrereklamo ni Black. Naiinis kasi talaga siya kapag tinawag ang buong pangalan niya.

“Nabili mo ba iyong manggang hilaw?” tanong ni Purple.

Isang buwan na rin ang lumipas nang may nangyari kina Green at Purple. Matapos ng gabing iyon ay nahihiya ang dalaga sa binata. Hindi niya kasi malilimutan na siya pa ang nag-aya rito na may mangyari sa kanila.

“Oo. Nandoon sa mesa,” sagot ni Black.

“Balatan mo. Dalhin mo rito,” maawtoridad na utos ni Purple. Nakahiga ito sa kama ni Black habang abalang nanunood ng Netflix.

“Ano ka? Sinusuwerte?” mayabang na sagot ni Black habang tinitingnan nang masama ang kapatid.

“Pumili ka ng sementeryo,” diin na pagbitaw ng salita ni Purple.

“Oo na. Babalatan ko na.”

“Bilis!” sigaw ni Purple.

“Aba!” pagrereklamo ni Black.

Tinaasan ito ng kilay ni Purple. “May problema?”

“W-wala. Hindi ka ba nagsasawa sa mangga? Isang linggo ka ng pabili nang pabili sa akin. Inuubos mo na ang pera ko.”

“Kuripot nito. Pero sa condom na binibili ko para sa p*wet ng bebe girl mo, nagreklamo ba ako?” inis na tanong ni Purple.

Napakamot sa ulo si Black. “Oo na!”

Biglang napabangon si Purple at tumakbo papunta sa banyo. Sinundan ito ni Black at nakita niyang sumuka ito.

“Ano’ng nangyari sa iyo?” takang tanong ni Black.

“Nahihilo ako.” Sumuka itong muli. “Kadiri.” Tiningnan niya si Black. “Bilisan mo ang mangga.”

Napatakbo palabas si Black at dumiretso sa kanilang kusina. Binalatan na niya ang mga mangga na binili sa palengke.

Tumunog naman ang doorbell ng mansion nila.

“Manang may tao sa labas. Pakitingnan,” utos ni Black.

“Okay po, sir.” Lumabas na ang kasambahay. Pagtingin niya sa screen sa gilid ng gate, namukhaan niya ito. Binuksan na niya. “Good eve. Si sir Black ba?”

“Oo,” pagtango ni Grey.

“Okay. Wait lang po, sir.”

Bumalik na sa loob ang kasambahay at nilapitan si Black na inaasikaso ang sawsawan ng mangga.

“Sir, may naghahanap sa iyo sa labas, kaibigan mo. Iyong sobrang guwapo,” bungad ng kasambahay.

“Si Be—” Napatigil ito. “Si Grey?”

“Hindi ako sigurado sa pangalan. Basta iyong pinakaguwapo sa inyong lahat,” saad ng kasambahay.

“So si Grey nga. Sige po, pakihatid na lang ito kay Ate. Nasa kuwarto ko.”

“Buntis ba si Ma’am Purple, Sir?”

Napatawa si Black. “Wala nga iyong boyfriend.”

“Parang kasi. Ganoon kasi ako noon.” Kinuha na ng kasambay ang plato na puno ng mangga at sawsawan. “Sige, mauna na ako.”

“Okay, Manang. Thank you.”

Habang palabas si Black, nagtataka siya kung bakit nandito si Grey sa bahay nila. Hindi rin ito nag-text at biglaan lang ang lahat.

Pagbukas niya ng gate, nanlaki ang mga mata niya nang makitang may dalawang maleta si Grey. Namamaga rin ang mga mata nito.

“Ano ang nangyari?” takang tanong ni Black.

“Alam na nila ang relayson natin. Pinalayas ako. Puwede ba ako sa inyo? Nahihiya kasi ako kina Kuya. Ikaw na lang maaasahan ko,” paghingi ng tulong ni Grey. Kinapalan na niya ang mukha niya.

Hindi nakasagot si Black sa gusto ni Grey. Wala pa kasing alam ang magulang niya sa relasyon nila. Natatakot siya.

“Pero alam mo naman ang sitwasyon natin, bebe girl.” Nang makita ni Black na paparating ang sasakyan ng magulang niya ay tinaboy niya paalis si Grey. “Magkita na lang tayo mamaya o bukas. Sa hotel ka muna. Paparating na sina Mom. Bebe girl, alis na.”

“Ipinaglaban kita sa magulang ko, pero ikaw, ikinahihiya mo ako,” anang Grey sabay tulo ng luha sa mga mata niya.

“Bebe girl, huwag mong mamasamain ang ginawa ko.” Huminto na ang sasakyan ng magulang ni Black. Kaya nataranta na ito. “Umalis ka na, please.”

Bumababa na sina Ezmeralda at Fernardo.

“Grey,” sambit ni Fernando.

“Magandang gabi, Tito,” pagbati ni Grey. Kahit durog na siya, kailangan niyang maging magalang.

“Beautiful boy. Pumasok ka muna,” anang Ezmeralda.

“Aalis na ’yan, Mom,”  sagot ni Black.

“W-wait. Bakit may dala kang maleta?” tanong ni Ezmeralda.

“Nakabili kasi siya ng condo, Mom.  Puwede ko ba muna siyang samahan sandali?” tanong ni Black.

“Sure,” sagot ni Ezmeralda. “Sige, papasok na kami sa loob. Ingat sa inyo.”

Pagkapasok ng magulang ni Black, kukunin niya sana ang isang maleta sa kamay ni Grey ngunit itinulak siya nito.

“Duwag!” sigaw ni Grey. Humagulgol ito. “You asked me to fight pero ikaw itong hindi lumaban.”

“Bebe girl,” naluluhang sambit ni Black.

“Walang forever sa endearment na ’yan. Tapos na tayo!” sigaw ni Grey.

Ipinasok na niya ang gamit niya sa loob ng kanyang sasakyan at nagpaharurot ng takbo.

Bumuhos ang luha ni Black habang nakaupo sa kalsada. Hindi siya makapaniwala na sa gabing ito nagtapos ang relasyon nila dahil sa kanyang pagkaduwag. Napatigil naman siya sa pag-iyak nang bumukas ang kanilang gate. Nang makita niya ang kasambahay nila, nilapitan niya ito.

“Manang, ano ang meron?” takang tanong ni Black.

“Walang tigil sa pagsusuka ang kapatid mo tapos ang putla,” sagot ng kasambahay.

“Ano?!” sigaw ni Black dahil sa pag-aalala.

Paglabas ng van nila, sumama siya rito. Pagdating nila sa hospital, agad inasikaso si Purple. May mga kaibigang doctor ang pamilya Quizo kaya may special treatment ito. Kinunan na ito ng laboratory mula sa ihi, dugo, at iba pa.

Dalawang oras ang lumipas, bumalik na ang doctor sa loob ng kuwarto kung saan naka-confine si Purple. Napangiti pa ito habang tinitingnan ang dalawang kaibigan niya.

“May sakit ba ako, doc?” tanong ni Purple na nanghihina. May kunting hilo pa rin ito.

“Ano ang resulta, Renzo?” tanong ni Ezmeralda sa kaibigan. Kinakabahan na ito.

“Ganito lang naman, Lolo at Lola na kayo. Buntis ang anak niyo.” Tiningan ng doctor si Purple. “You are 3 weeks pregnant. Congratulations!”

Nagtinginan ang buong miyembro sa pamilya. Hindi sila makapaniwala na mabuntis ito gayong wala itong kasintahan na naipakilala sa kanila.

“Sino ang ama, Ate?” takang tanong ni Black.

Napayuko si Purple habang nakangiti. Masaya siya sa narinig niya dahil ito iyong gusto niya. Gusto na niya kasing mabuntis at ibinigay iyon agad ng Panginoong Diyos sa kanya.

“Daliri ko,” nakangiting sagot ni Purple. Hindi maitago sa mukha nito ang saya.

“Purple,  umayos ka na nga!” suway ni Ezmeralda.

Bumuntonghininga ito. “Fine. Iyong bata, si Green.”

“Ano?!” sabay na sigaw ng lahat.






~~~

Продолжить чтение

Вам также понравится

1.5M 37.6K 51
One night that changed everything.
7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...
214K 4.8K 67
In the same blood, We both ended, The Forbidden Love, We both started.
Wreck The Game (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...