IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

De Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... Mais

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

KABANATA 25

3.1K 85 14
De Lorenzo_Dy


Naniningkit kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama mula sa sliding door ng veranda. Naaninagan ko rin ang pagpasok ni Señorito Primo na galing mula sa veranda, umupo ito at isinandal niya ang likod sa headboard ng kama bago haplusin ang mukha ko habang nakapulupot pa rin ang makapal na kumot sa hubad kong katawan.

"Buongiorno, darling..." (Good morning, darling.) Hinayaan ko lang na haplusin niya ang mukha ko pati ang buhok ko na sinusuklay ng mga daliri niya.

"Aww!" Daing ko dahil may kumirot sa bandang gitna ko nang subukan kong bumangon.

"Sorry..." Sambit naman ni Señorito Primo na inalalayan akong makaupo at naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko habang nakaupo kami sa kaniyang kama. Amoy shampoo ang kaniyang maiitim at makapal na buhok kaya nasisiguro kong bagong ligo lang ito kaya nahiya tuloy ako dahil hindi pa ako naliligo tapos niyayakap niya na ako.

"Does it hurt?" Nahampas ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko dahil nakangisi niyang sinabi iyon na parang nagmamalaki pa ito sa sugat na ginawa niya sa 'kin sa baba.

"Ang sabi mo tulog lang?!" Nanunumbat kong sambit na ikinatawa lang ni Señorito Primo.

"Sometimes it's not bad to exercise before we sleep, darling." Pasiring kong nilingon ito dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Akala ko, lips lang ang hinahalikan pero bakit pati ano ko?" Inis at may halong hiya kong saad dahil naalala ko kung ano mga pinag-gagagawa niya roon.

"Ah. It's called midnight snack, darling." Lalo akong nahiya dahil sa pagtawa ni Señorito Primo habang inaamoy ang batok ko.

"Maliligo na ako." Turan ko at sinubukan ko sanang kumalas mula sa mga yakap niya pero humigpit lang ang yakap nito.

"I want to eat breakfast." Bulong nito sa 'kin.

"Bumaba ka na, susunod na lang ako." Sagot ko naman.

"I want to lick fresh pinkish mussel darling..."

"Kumakain ka ng tahong?" Namamanghang kong sambit. Hindi ko naman kasi akalain na kumakain pala siya no'n.

"Yeah, since last night darling. And I want to taste it again and again." Napangiwi ako dahil iba pala ang tinutukoy niya!

"Señorito Primo!" Pagpigil ko sa mga daliri niyang nagsisimula na namang maglakbay papasok sa kumot na nakayakap sa hubad kong katawan.

"Okay, behave na ako darling. There's another way to calm myself." Turan nito at isang mabilisang halik sa labi ko ang iginawad nito bago pumasok sa kaniyang banyo.

Tapos na siyang maligo ah.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa kwarto ni Señorito Primo at mabilis na nag-tungo sa aking silid para maligo.

Natagalan ako sa pagligo dahil sa paghapdi ng baba ko sa tuwing lumalandas doon ang malamig na tubig at sa tuwing pipikit naman ako ay naalala kung paano maingat at marespetong inangkin ni Señorito Primo ang katawan ko. Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari dahil kusa kong ibinigay ang aking sarili sa kaniya at masaya ako na siya ang lalaking nakakuha sa pagkababae't birhen ko at siya lang ang una at huling pag-aalayan ko nito.

Naririnig ko ang masayang usapan sa kusina kaya dahan-dahan akong naglakad papasok. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging kilos ko sa harapan nina nanay Carlotta at Señor Freigo lalo na kapag nandiyan si Señorito Primo.

"Magandang umaga po, Señor Freigo... Nanay Carlotta." Mahinang usal ko at hindi ako makatingin ng diretso kay Señorito Primo na naka-upo sa silya na lagi niyang inuupuan.

"Aren't you going to great me too, darling?" Sinimangutan ko lang si Señorito Primo dahil may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"Darling?" Napalingon ako kay nanay Carlotta na mabilis na lumapit sa 'kin. "Yon ba ang tawagan niyo, anak?" Sobrang hiya ang nararamdaman ko at wala man lang balak na magsalita itong si Señorito Primo.

"Maupo ka na apo." Saad ni Señor Freigo kaya umupo na rin ako. "Saan ka natulog kagabi?" Humigpit ang hawak ko sa kubyertos dahil sa seryoso ang boses ni Señor Freigo. Nilingon ko si Señorito Primo na tinaasan lang ako ng kilay.

"Anak, bakit may mga namumulang pantal sa leeg at batok mo?" Puna ni nanay Carlotta na iginilid ang mahaba kong buhok at naramdaman ko ang pagdutdot ng daliri niya sa leeg pati sa batok ko.

"Ang dami oh! Ano bang nangyari diyan?" Palihim kong sinipa ang paa ni Señorito Primo sa ilalim ng mesa.

"Apo, bakit mo sinipa ang paa ko?" Nagugulat kong nilingon si Señor Freigo na nakakunot ang mga noo. Paa pala ni Señor Freigo ang natamaan ko! Natatawa lang na umiiling si Señorito Primo kaya lalo lang akong nakaramdam ng inis dahil wala man lang itong balak na tulungan akong sagutin ang tanong nina nanay Carlotta at Señor Freigo.

"Kinagat ka ba ng lamok, anak?" Nagtatakang tanong ni nanay Carlotta.

"Opo. Lamok po na matinding kung mangagat." Pinanliitan ko ng mga mata si Señorito Primo na nagkibit balikat lang na mukang proud pa sa ginawa niyang mga marka sa leeg at batok ko.

"Hayaan mo anak at lilinisin ko ang kwarto mo para mawala ang mga lamok." Presinta ni nanay Carlotta habang sinasalinan ng tubig sa baso si Señor Freigo.

"Mabuti pa nga po nanay Carlotta, hindi na rin po ako magpapakagat ulit sa lamok na 'yon!" Inis kong tinusok ng tinidor ang ham na nasa maliit na platito at nakita ko ang pagsalubong ng makapal na kilay ni Señorito Primo dahil siguro nakuha nito ang nais kong iparating sa sinabi ko.

"Narinig mo iyon, Señorito Primo? Huwag puro kagat." Giit ni Señor Freigo.

"Nonno!" (Lolo!) Mariing sambit ni Señorito Primo kay Señor Freigo na tinawanan lang ang iritasyon sa mukha ng Señorito na seryoso ulit na bumaling sa 'kin pero binalewala ko lang dahil mas naiinis ako sa kaniya.

Pinapaliguan ko ang kabayo kong si Puti matapos itong ihatid ni manong Mario sa mansion kaninang umaga. Ilang araw ko rin itong hindi nakita kaya talagang sinulit ko ang pagpapaligo rito at balak ko ring mangabayo patungong Azìenda Agrìcola para dalawin ang mga nagbabantay roon lalo na si Nana Lina at mang Karding. Nakapag-paalam naman na ako kay Señor Freigo na dadalaw ako ngayon sa Azìenda Agrìcola at pumayag naman ito basta't huwag lang daw akong mag-papagabi.

"Darling.." Hindi ako lumingon at pinag-patuloy ko lang ang pagpunas sa likod ng kabayo ko. "Are you still mad at me?" Tanong nito na binuhusan ulit ng tubig ang kabayo kahit tapos ko na itong paliguan. Nag-ingay tuloy ang kabayo ko dahil sa ginawa niya.

Nang-aasar talaga!

"Papansin lang talaga 'yan Puti." Turan ko sa kabayo ko na iginalaw naman ang buntot dahilan para mapaatras si Señorito Primo kaya't hindi ko napigilan ang tumawa.

"Really funny." Sarkastikong sambit ni Señorito Primo bago umupo sa may fountain at panoorin ako sa ginagawa ko.

"Ayan, puwede na tayong umalis." Giit ko at tinapik ko pa ang likod ng kabayo ko.

"Sasama ako." Tumayo si Señorito Primo at pinalpagan ang likod ng suot niyang jeans habang nakaleather boots ito at itim na shirt.

"Mangangabayo lang ako." Sagot ko habang inaayos ang tali at ang sapin sa likod ng kabayo ko.

"Darling..." Pumulupot na naman ang mga braso nito sa baywang ko galing sa likod ko at ipinatong pa ang baba niya sa balikat ko. Naglalamabing. "Please..." Nakanguso pa nitong dagdag kaya suko akong napatango.

"Marunong ka bang mangabayo?" Tanong ko at ngumisi muna ito bago sumagot.

"Ibang pangangabayo ang alam ko. Do you want me to show it to you, darling? Let's go to my room, then." Napangiwi ako bago sumampa sa kabayo ko para itago sa kaniya ang pamumula ng pisngi ko.

"Tara na." Ngumuso lang ito dahil mukhang hindi niya alam kung paano sasampa sa likod ng kabayo kaya't bumaba ulit ako para turuan siya na nakuha niya naman agad.

"Kumapit ka ng mabuti." Paalala ko rito.

"Like this, darling?" Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Señorito Primo na mahigpit ang pagkakayakap sa baywang ko.

"Hindi naman na ako maka-hinga ng maayos." Angal ko pero tumawa lang ito.

Sakto lang ang pagpapatakbo ko sa kabayo habang mahigpit naman ang yakap sa 'kin ni Señorito Primo at minsan pa nga ay hahalikan pa nito ang batok ko.

"I love you..." Bulong niya sa 'kin habang mabagal ang takbo ng kabayo ko dahil nasa gitna na kami ng liblib na daan patungong Azìenda Agrìcola. Sinilip niya ang mukha ko kaya sigurado akong nakita niya ang pamumula ng pisngi ko kaya ngumiti ito at ginawaran pa ako ng isang halik sa pisngi bago ulit ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Narito si Lady Bella at Señorito Primo!" Sigaw ng nagbabantay sa tarangkahan ng Azìenda Agrìcola kaya naman nagsilapitan sa ilalim ng malaking puno ang iba pang mga taong nagbabantay sa Azìenda Agrìcola. Itinali ko ang kabayo sa puno at hinayaan itong sumasabsab ng damo.

"Magandang araw po Señorito Primo at Lady Bella." Bati sa 'min ng mga nagbabantay.

"Bene giorno!" (Good day!) Nakangiting bati pabalik ni Señorito Primo.

"Bella?" Pagtawag sa 'kin ni Nana Lina na nasa dulo ng mga nakapalibot sa amin. "Ikaw nga, namiss kita!" Mahigpit akong niyakap ni Nana Lina at niyakap ko naman ito pabalik, ilang linggo din kaming hindi nagkita.

"Bakit ho kayo naparito?" Tanong ni mang Karding kay Señorito Primo na nilingon naman ako.

"Bibisita lang ho mang Karding, nais lang sumama sa 'kin ni Señorito Primo." Nakangiti kong saad at bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin ni Señorito Primo na pinagsaklop niya. Nagkaroon ng bulungan mula sa mga nagbabantay ng Azìenda Agrìcola at kalaunan ay ngumiti sila sa 'min ni Señorito Primo lalo na si Nana Lina na matamis ang ngiting ipinukol sa'kin.

Mag kahawak ang mga kamay namin ni Señorito Primo habang nag-iikot sa buong farm at pinagmamasdan ang mga kambing, baka, kalabaw at mga kabayong malayang sumasabsab ng damo sa malawak na farm.

Ang mga bibe na lumalangoy sa batis at ang mga tumatalon na isda ay napaka-gandang pagmasdan. Hindi masyadong mainit ngayon dahil kalat ang purong puting mga ulap sa himpapawid na sumasangga sa sinag ng haring araw.

Bumalik sa mga kani-kanilang ginagawa ang mga nagbabantay sa Azìenda Agrìcola at pagkatapos naming dalawin ni Señorito Primo ang kwadra ng mga kabayo ay bumalik na rin kami sa lilim ng puno kung saan ko itinali ang kabayo kong si Puti.

"Ito ang pinakapaborito kong lugar dito sa Casa Bel Palazzo." Nakangiti kong sambit habang tinatanaw ang kabuoan ng Azìenda Agrìcola.

"I'm always here before with my dad and my sister when they're still alive." Naramdaman ko ang pag-yakap sa 'kin ni Señorito Primo mula sa likod. "I also have a horse back then and I named her Prezioso, pero mukhang wala na siya rito." Napakurap ako at dinungaw ko ang mukha ni Señorito Primo na nakapatong sa balikat ko.

"Siya ang nanay ng kabayo kong si Puti!" Nasambit ko. Nalaman ko noon kay mang Mario na Prezioso raw ang pangalan ng nanay ng kabayo ko at dati nga itong alaga ng kambal na sina Señorito Primo at Lady Giada Prima na ngayon ko lang naalala.

"Really? Nasaan na ngayon ang kabayo ko?" Nakanguso ang mga labi ni Señorito Primo habang iginagala ang paningin nito sa buong farm.

"Nagkasakit ang mga kabayo noon at isa si Prezioso ang kabayong nanay ni Puti sa mga namatay." Malungkot na sagot ko humigpit naman ang yakap ni Señorito Primo sa baywang ko.

Nagpaalam na kami kay Nana Lina at mang Karding na nagpapahinga sa kubo, kapag wala si mang Karding sa sakahan ay nandito ito sa Azìenda Agrìcola para dalawin si Nana Lina.

"Mag-iingat ho kayo Señorito Primo at Lady Bella!" Kumaway pa sa 'min ang mga nagbabantay sa Azìenda Agrìcola habang palayo na kami sa tarangkahan.

Sinadya kong bagalan ang takbo ng kabayo ko para makita ni Señorito Primo ang sakahan at sentro gulayan, lahat ng mga magsasaka ay tumitigil sa pag-aararo at pagtatanim para lang kumaway sa 'min. Pagdating namin sa may ubasan ay saglit na ipinatigil ni Señorito ang kabayo at bumaba kami para kausapin niya si tatang Nestor na sumalubong agad sa 'min.

"Maganda naman ho Señorito Primo ang lagay ng mga ubas." Nakangiting imporma ni tatang Nestor kay Señorito Primo na inuusisa ang bawat puno ng ubas na hitik sa bunga.

"Grazie mille dahil hindi ninyo pinapabayaan ang ubasan." Sinserong saad ni Señorito Primo na pumitas pa ng isang hinog na bunga ng ubas at kinain iyon. Kinamusta rin ni Señorito Primo ang iba pang mga naglalagay ng pang-abuno ng ubas at saglit pa kaming nakipag-usap sa mga ito.

Pahapon na at nagsisimula ng magliparan ang mga ibon sa himpapawid, malakas din ang may kainitang ihip ng hangin kaya natatangay ang buhok ko habang nangangabayo kami.

"Can we go to Cascata Calmo, darling?" Mahinang usal ni Señorito habang nakabaon ang mukha niya sa balikat ko, inaantok siguro. "Kahit saglit lang." Dagdag pa nito kaya wala na akong nagawa kun'di papasukin sa gubat ang kabayo ko patungo sa talon.

"Nandito na tayo." Mabigat ang katawan ni Señorito na halos nakasandig na sa likod ko. "Señorito Primo." Tinapik ko ng mahina ang mga bisig niyang nakayakap sa baywang ko.

"I love you, Bella..." Napangiti ako at nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil sa sinabi ni Señorito Primo na nagdulot ng kiliti sa dibdib ko.

"Baba na, baka mahulog pa tayo." Saad ko at maingat namang bumaba si Señorito Primo na inalalayan din ako sa pagbaba.

"Saglit lang tayo, huh. Malapit ng mag gabi. Baka-" putol na saad ko dahil sa paghawak ni Señorito sa palapulsuhan ko habang itinatali ko ang kabayo ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Ssshhhh..." Saad ni Señorito Primo na nilingon ako habang naka-lagay ang kaniyang hintuturo sa gitna ng labi niya.

"Cerva Bianco." Aniya.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong at sinundan ng mga mata ko ang tinuturo niya sa may gilid ng talon.

"Puting usa!" Magiliw kong saad.

"Psh. You're so loud, darling!" Saway sa 'kin ni Señorito Primo dahil napalakas ang boses ko kung kaya't nilingon kami ng puting usa na tahimik na umiinom ng tubig sa may gilid ng talon.

"Darling, what are you doing?" Tanong ni Señorito Primo dahil mabilis akong naglakad papalapit sa puting usa.

"Halika! Tingnan mo, gusto niyang hinahaplos siya." Masayang sambit ko habang hinahaplos ang likod ng puting usa.

"Are you sure?" Nagdadalawang isip na tanong ni Señorito Primo na dahan-dahang umupo sa kabilang gilid ng puting usa hanggang sa haplusin na rin niya ang likod nito. "Dati-rati tumatakbo agad ito palayo kapag may tao sa paligid niya. Eccezionale!" (Nakamamaangha!) Hindi makapaniwalang sambit ni Señorito Primo.

Minsan ko na itong nahawakan noon pero saglit lang, ibang-iba sa ngayon na parang gustong-gusto nitong hinahaplos siya.

"Darling, look over there!" Agad sinundan ng mga mata ko ang tinuturo ni Señorito Primo mula sa itaas ng talon pati. Napatayo na ako habang namamanghang pinagmamasdan ang grupo ng mga puting usa na mga nagtatampisaw sa itaas ng talon. "And there!" Lumingon naman ako sa likod namin ni Señorito dahil sa dami ng puting usa na mabilis na tumakbo papalapit sa gilid ng talon para uminom.

Agad na naghubad ng damit niya si Señorito Primo hanggang sa boxer na lang ang natira at mabilis na tumalon sa gitna ng malinaw na tubig. Nakakamangha na hindi man lang nagsitakbuhan ang mga puting usa dahil sa ginawang pagtalon ni Señorito Primo sa tubig.

"Bella..." Nakangiting kumaway sa 'kin si Señorito Primo bago ito lumangoy papalapit sa gawi ko. "Don't missed this moment!" Aniya na umahon na mula sa tubig para lang hatakin ako pagbagsak sa tubig.

"Señorito!" Sigaw ko dahil sa sobrang gulat sa ginawa niya, ni hindi ko man lang nagawang hubarin ang bistida ko. Binabasa niya ako ng tubig kaya wala akong nagawa kundi ang gumanti hanggang sa makalapit ito sa 'kin at hulihin ang mga kamay ko.

Napapikit na lamang ako nang siilin ni Señorito Primo ng halik ang mga labi ko at may mga pagkakataon napapakapit ako sa mga batok niya dahil sa nawawalan ako ng balanse sa tuwing nararamdaman ko ang sensasyon dulot ng kaniyang malambot na dila sa loob ng aking bibig at hindi lamang natapos sa mainit na halik ang mga tagpong iyon.

Nasa ibabaw kami ng malapad na bato habang nakasandal ako sa basang dibdib ni Señorito Primo, nanginginig at nanghihina pa rin ang katawan ko. Karamihan sa mga puting usa ay nagsiaalisan na dahil siguro sa palubog na ang araw pero may mga iilan pa ring naglalaro sa may taas ng talon.

"Darling?" Malambing na saad ni Señorito kaya sinilip ko ang perpekto niyang mukha.

"Hmmm?" Tugon ko at pinagsaklop ko ang aming mga palad, napangiwi ako dahil doble ang laki ng palad ni Señorito Primo sa palad ko.

"Does it hurt?" Aniya at napanguso ako dahil nahiya ako sa tanong niya.

"Medyo lang." Nahihiya kong sagot bago pinagkrus ang mga hita kong natatakluban ng kaniyang itim na t-shirt.

"How is it now?" Siniko ko si Señorito Primo na tumawa lang. "What? You saw it before when I'm eighteen, tinatanong ko lang kung may pagbabago ba sa hitsura." Mas lalo akong nahiya dahil natatandaan niya rin pala ang mga eksinang iyon dito rin sa talon.

"Hindi ko alam! Tumigil ka na!" Pasiring kong inalis ang mga mata ko kay Señorito Primo na lumawak lang ang ngisi sa labi nito.

"You're blushing darling.."

"H-hindi!"

"Do you want to touch it again, darling? Or do you want me to feed your mussel, again." Nanunudyong saad ni Señorito Primo kaya lalong uminit ang pisngi at batok ko.

"Cute..." Aniya matapos makita ang reaksiyon ko kaya tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko dahil sa matinding pag-init at sigurado akong pulang-pula na naman ito.

Tumingala ako sa kulay kahel ng langit tanda na papalubog na ang araw at kakagat na ang dilim dahil nagsisimula na ring humuni ang mga kuliglig. Mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Señorito Primo na kanina pa inaamoy ang batok ko at kung minsan ay padadampiin ang kaniyang mga labi doon.

"Pinapangarap ko lang dati na kahit isang beses lang ay mayakap kita Señorito Primo, pero ngayon higit pa do'n ang natanggap ko." Sambit ko habang hinahaplos ang mga bisig niyang nakayakap sa baywang ko.

"I want you to be my wife and mother of children darling, 'yon ang pangarap ko, ang bumuo ng pamilya kasama ka..." Ibinaon ni Señorito Primo ang kaniyang mukha sa balikat ko. "I'm willing to sacrifice everything that I have just to be with you and I promise na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko, Bella." Nanubig ang mga mata ko dahil damang-dama ko ang pagmamahal sa mga salitang binitawan ni Señorito Primo.

"Pangako ko na ikaw lang din ang mamahalin ko Señorito Primo." Saktong pagbagsak ng mga luha ko ang pagtagpo naman ng aming mga labi ni Señorito Primo.

Continue lendo

Você também vai gostar

208K 5K 44
Kira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist bu...
14.1K 217 44
Nikita Aphrodite Montello is a jolly girl who wants to be a successful nurse. One of her dreams is to be love by the person she really love, pero til...
592K 14.2K 41
SERIES OF 'THE FATHER OF MY BABY': So, meet Ole. Pinakasalan ang babaeng minsan niya lang nakilala para maging ina nang anak niya sa dating karela...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...